Pagsusuri sa tulang “Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez.

Salma Butig
4 min readMar 21, 2022

Ang “ ISANG DIPANG LANGIT “ ay isinulat ni Amado V. Hernandez noong Abril 22, 1952. Siya ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa Hagonoy Bulacan. Siya’y anak ni Juan Hernandez at Clara Vera. Siya ay nag –aral sa Gagalangin, Tondo. Sa Manila High School at American Correspondence School siya nagtapos ng pag –aaral ng Bachelor of Arts Degree. Kilala rin siya bilang “Manunulat ng mga Manggagawa” sapagkat isa siya sa pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa kawalan ng katarungang naganapsa Pilipinas noong kaniyang kpanahunan. Nakulong dahil sa pakikipag ugayan niya sa kilusang makakomunista.
Ang pamagat ng tula “Isang Dipang langit” ay tumutukoy sa pag-asang maabot pa at matanaw ng sikat ng araw na tanda ng tagumpay hbang nasa loob ng bilangguan ang manunulat.Ang tulang ito ay hindi bunga ng imahinasyon ng isang manunulat kundi totoong karanasan ni Amado Hernandez ng siya ay makulong Sa Muntinlupa. Ito ay kaniyang personal na karanasan habang siya ay nakapiit sa bilangguan.
Sa paghihimay ko sa tula ang una kung napansin ay ang pagpili niya ng mga salitang binibitiwan niya sa tula. Ang iba sa mga salita na ginamit niya ay malalim at gumagamit ng mga matalinghagang mga salita. Ang mga linya ay nagtataglay ng pighati at kagustuhang makalaya.Mga sakit at paghhirap sa loob ng kulungan. Ito ay nagsasalaysay ng mga karanasan ng mga bilaggo, ang kanilang paghihirap sa pang araw araw, ping usapan din sa tula na dapat nilang ipaglaban ang kanilang karapatan. Ang unang saknong ay tungkol sa pagparatang sa kanya na nagresulta ng kanyang pagkakulong, paano siya sumuko at naging bilanggo. Sa pangalawang saknong inilahad niya angkanyang sitwasyon,kung saan siya ikinulong at ang trato sa kanila sa loob. Ang ikatlong saknong ay naglalarawan kung ano ang nakikita niya mulasa kanyang selda, isang dipang langit na nakadagdag kahit papaano ng kanyang kalungkutan. Ang ikaapat na saknong ay tungkol sa mga guwardiya sa loob at mga paghihirap nila dahil dito. Ang ikalimang saknong ay tungkol naman sa sitwasyon nila sa buong maghapon sa loob. Sa ikaanim naman na saknong ay tungkol naman sa karanasan ila sa labas at sa pakiramdam na makalaya sa apat na pader ng kanilang selda. Sa ikapitong saknong naman ay naglalarawan kung paano ang ibang mga bilanggo ay sumubok tumakas at paano nila naiisturbo ang payapang gabi nila. Sa kabilang dako ang ikawalong saknong ay tungkol sa kanyang pagkakabilanggo ay kanya nang mundo, sa loob ng sampu,dalawampuu o maramipang taon ay gugulin niya ang kanyang buong buhay sa loob na bilangguan, na para sa kanya ay libinganng mga buhay. Sa ikasiyam nasaknong, kahitna siya ay bilanggo , ay itinuring niyang paghamon lng sa kanyang buhay ang kanyang dinaranas at umaasa pa rin siya na makalaya. Ang ika sampung saknong naman ay inhalintulad niya sa sa gulong ang kanyang buhay. Hindi lahat ng oras ay nasa ibaba siya, baling araw makakamtan din niya ang hustisya. Ang huling saknong ay tungkol naman sa kalayaan na makakamtan nila baling araw, at hindi na nila pagdanas ng kalungkutan na dinanas nila sa loob ng kulungan.
Ang tulang ito ni Amado Hernandez na pinamagatang “ISANG DIPANG LANGIT” ay ini emphasize dito muli ang buhay bilanggo. Para sa akin ang tema ay panlipunang issues tulad ng walang katarumgan ,pagkaligalig, at trahedya na ipinapakita sa tula. Msasabi ko ding post clonial dahil naipapakita din ang ideya ng transition sa gobyerno. Sa unang pagbasa natin ng tula akala natin ay tungkol lamang sa buhay sa loob ng bilangguan saliteral na kahulugan, kung susuriin natin ng malaliman marerealize natin na tungkol pala ito sa atin kung paano tayo sinakop ng mga dayuhan sa loob ng maraming taon. Marami tayong masasamang karanasan sa kamay ng mga mananakop pero hindi tayo sumuko upang makamit natin ang kalayaan . Sa linyang “Ang tao’t Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paninil ay may pagtutuos , habang may Bastilya’y may bayang gaganti.” nagpapahiwatig ng paghihiganti, hindi lng sa mga guwardiya, hukom at pulis ngunit ang paghihiganti ng bayan sa mga mananakop, makakamit din natin ang paghihiganti sa tamang panahon. Sa kabilang dako, ang tula ay nakasulat ng maganda at nagtagumpay sa kanyang ipinahihiwatig na mensahe sa mabuting paraan para atakihin ang isipan at puso ng mga mambabasa.
Ipinahihiwatig din ng tula na hindi lahat ng nakakulong ay may kasalanan. Ang iba ay biktima lng ng mga taong may kapangyarihan .Hindi tayo dapat matakot na ipaglaban ang ating pinaniniwalaang mga ideolohiya. Dapat ring ayusin ng gobyerno ang maayos na pagpapatupad ng batas ng pantay-pantay maging mayaman kaman o mahirap.
Sa kabuuan ang mensahe ng tula ay dapat maging matatag sa bawat pagsubok sa buhay, huwag tayong matakot na ipagtanggol an gating karapatan, laging magtiwala sa kakayahan at laging manalig sa Panginoon.

--

--