Almoranas: Paano Nagkakaroon Sakit na Ito

Thomas Kagan
5 min readMay 15, 2018

--

Ang salitang almoranas ay kilala rin sa tawag na ‘hemorrhoids’. Ito ay karaniwang sakit kung saan ang mga lower rectum at ugat sa puwet ay namamaga. Puwedeng dahil ito sa sobrang pag-iri habang dumudumi. Maaari ring mula ito sa sobrang pressure sa mga ugat ng babae habang siya ay buntis. Sa almoranas prognosis na ipapaliwanag sa artikulong ito, magibigyan ng karagdagang kaalaman ang mga pasyente at mga posibleng makaranas nito.

Ito ay mga kaalamang may koneksyon sa paggamot ng almoranas. Sa almoranas prognosis, maaari ring maagapan ang naturang karamdaman dahil puwedeng ma-predict ang mga posibleng sanhi ng sakit, maging ang mga lunas nito. Iisa-isahin ang maaring mga maging remediyo para maka-recover sa karamdamang ito. Una sa lahat, kailangan munang alamin kung ano ba talaga ang posibleng dahilan kung bakit nagkaka-almoranas ang isang tao.

Almoranas prognosis

Ang almoranas ay maaaring maging internal o external hemmoroid. Ito ay kadalasang dumadapo sa mga taong may edad 40–60 years old. Pero hindi ibig sabihin nito ay ang mga nasa age range na ito lang ang maaaring magkaroon ng ganitong karamdaman. Kahit sino ay aaaring magka-almoranas. Kapag ang almoranas ay nangyayari sa loob ng rectum, ito ay tinatawag na ‘internal hemorrhoid. Kapag naman sa labas ito natagpuan, sa may bandang ibaba ng balat sa parte ng butas ng puwet, ito ay ‘external hemorrhoid.

Paano ba magkakaroon o madi-develop ang sakit na hemorrhoid? Malaki ang posibilidad na ang isang tao ay magkakaroon ng sakit na almoranas kung madalas ay hirap siya, at kadalasan ay pinipilit niyang dumumi sa pamamagitan ng pag-iri. Ang pag-upo ng matagal sa inidoro ay isa ring malaking posibilidad na ma-develop ang hemorrhoid, partikular na ang external hemorrhoid. Ang pinaka sintomas na maaaring maramdaman para ma-develop almoranas ay ang constipation o pagtitibi.

Hindi totoo ang kasabihang ang pagkain ng maaanghang na pagkain ay maaaring pagmulan ng almoranas. Subalit maaaring palalain ng eating habit na ito ang sakit, kung ang isang tao ay mayroon na nito. Samantala, ayon sa mga doktor, may katotohanan naman ang paniwalang maaring mamana ang sakit na almoranas. Kung ang mga magulang o isa sa mga ito ay mayroon nang gantong karamdaman, malaki ang tsansang pati ang anak ay magka-hemorrhoid din.

Maging ang pagbubuntis ay maaaring maging sanhi ng ganitong sakit. Ito ay dahil sa lumalaking uterus na nakapgdudulot ng matinding pressure sa mga ugat na matatagpuan sa colon. Ang sobrang katabaan ay isa pang senyales ng almoranas prognosis. Kung sexually active naman at nakikipag-anal intercourse, maaari rin itong makadevlelp ng almoranas. Ang taong hindi mahilig sa mga pagkaing sagana sa fiber ay posible ring makaranas ng external hemorrhoid.

Maliban sa mga nabanggit na sintomas at bagay na maaaring makapagpakita ng almoranas prognosis, ang mga sumusunod ay maaari ring senyales ng sakit kapag naramdaman:

  • Sobrang sakit ng ‘tumbong’
  • Matinding pangangati ng bahagi ng puwet
  • Hirap umupo
  • May nararamdamang nakabitin o parang sobrang balat sa may ibabang bahagi ng puwet

Kapag ilan o lahat ng mga nabanggit ay nararamdaman mo o ng isa sa mga mahal sabuhay, pinakamabuting kumonsulta na sa doktor. Hindi dapat mabahal kung may ganitong mga sintomas nang nararamdaman. O di kaya naman, may almoranas prognosis ka nang nakasanayan o ipina-praktis sa iyong pang-araw-araw na gawain, hindi ka dapat mag-alala. Kung masuring may almoranas ka nga, worry no more, dahil ay lunas para diyan. At kung wala pa naman, may mga preventive measures o hakbang para maiwasan ang pagkakaroon nito.

Gamot sa Almoranas: Hemorrhoid cream

Paano maiiwasan ang almoranas?

Naramdaman mo na ba ang mga nabanggit na sintomas? Pamilyar ka na ba sa almoranas prognosis na nabasa mo rito? Kung oo ang sagot mos sa parehong tanong, maaaring nag-uumpisa na ang sakit na ito sa katawan mo. At dahil nasa early stage ka pa lang ng hemorrhoid mo, puwede pang maagapang lumala ito. Gamutin ang nag-uumpisang almoranas sa pamamagitan ng paglalagay ng hydrocortisone cream sa apektadong bahagi ng puwet.

Kung ang diagnosis ng doctor sa kundisyon mo ay isa nang malalang almoranas, kinakailangan na nito ng isang operasyon katulad ng tinatawag na ruber band ligation. Ang namamagang ugat ay nilalagyan ng lastiko o goma para ito ay maputol matapos ang ilang linggo. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-iiniksyon ng sclerotherapy o isang klase ng kemikal upang lumiit hanggang sa tuluyan nang mawala ang pamamaga sa may bahagi ng ugat.

Kung ikaw ay may almoranas na at matinding sakit na ang nararamdaman mo, huwag mag-alala. Ayon sa mga eksperto, ang sakit na ito, bagama’t malala na, ay hindi na mas lumalala pa. Hindi rin ito madalas nagiging sanhi ng kamatayan ng isang tao. Maaaring sobrang sakit sa pakiramdam ang magkaroon ng almoranas. Puwede ring makapagdulot ito ng matinding discomfort sa pakiramdam. Pero ang good news, ito’y nagagamot. At kung wala ka pang ganitong sakit, maaari itong maiwasan.

Mga maaaring gawin

Huwag nang hintayin pang magkaroon ng almoranas o palalain ito kung mayroon nang ganitong sakit. May mga madaling puwedeng gawin habang almoranas prognosis pa lang ang nangyayari. Ibig sabihin, habang nakakakita pa lang ng mga senyales ng pag-develop ng sakit, mainam na gumawa na ng mga preventive measures. Una na rito ang pagkain ng mga pagkaing sagana sa fiber. Ilan na rito ang mga green, leavy vegetables kagaya ng kangkong, lettuce, at talbos ng kamote. Kumain din ng maraming prutas katulad abokado, pinya at papaya. Ang mga ito ay nakapagpapalambot at dali ng paglabas ng dumi.

Sa umaga pa lang, o, unang kain sa araw o almusal, kumain na ng oatmeal. Nakatutulong ito na gawing regular ang pagdumi. Ugaliin din ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw. Kung mahigpit na susundin ang pag-inom ng 8 baso o higit pa, araw-araw, tiyak na gaganda ang digestive system. Ibig sabihin, hindi na mahihirapan pang dumumi at hindi na kailangan pang umiri na maaaring makapagdulot ng almoranas.

Kapag dumutumi, iwasang umiri nang grabe o sobra dahil makapagdudulot ito ng matinding presyon sa may bandang puwit. Para naman ma-relax ang ugat, maligo ng maligamgam na tubig. Ayon sa mga eksperto, makakatulong ito na malunasan ang mga magiging epekto ng almoranas. Mas mabuting sundin na ang mga nabanggit para hindi na magkaroon pa ng ganitong sakit. Hindi naman makakaapekto ito sa katawan dahil wala namang kalangang inumin na gawa sa kemikal.

--

--