[๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ] ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—จ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฎ?: ๐—›๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—บ๐˜†๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—จ๐—ฉ๐— 

The Spearhead
3 min readDec 14, 2023

--

Kasabay ng gumugulong na Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) Program ng Department of Transportation (DOTr) ay ang pagtutol ng mayorya ng mga komyuter dahil sa pangambang dala nito sa mas lalong pagtaas ng pamasahe. Ang kanilang mga boses ay kumakatawan sa pang-araw-araw na problema ng personal na buhay ng bawat Pilipino at ng lumalalang estado ng sistema ng transportasyon, ekonomiya at lipunan ng Pilipinas.

Sa nalalapit na deadline ng consolidation ng mga jeepney drivers sa mga kooperatiba sa Disyembre 31, maraming mga driver ang patuloy na hindi sumasang-ayon sa nasabing programa dahil sa magiging epekto nito sa kani-kanilang pang-araw-araw na byahe.

Ayon sa DOTr, ang layunin ng programa ay โ€˜baguhin at pagandahinโ€™ ang kasalukuyang sistema ng transportasyon sa bansa. Ang PUVM program ay susubukang palitan ang mga lumang modelo ng jeep ng mas modernong bersyon para sa mas mabilis, ligtas at environmental-friendly na byahe. Pangako nito na magbigay ng mas makabagong anyo sa pampublikong transportasyon sa Pilipinas at solusyunan ang problema sa polusyon, trapiko, at kaligtasan ng pasahero.

Ngunit sa mata ng karamihan, ito ay magdudulot lamang ng mas marami pang pag-aalinlangan sa kaakibat nitong mga pagbabago. Kayaโ€™t dahil sa napipintong pagpapatigil sa hanapbuhay ng mga tsuper, hindi maaaring isawalang-bahala ang magiging negatibong epekto nito sa mga komyuter.

Dilema ng mga Komyuter: Ingay mula sa Kalsada

Positibo man o negatibo, isa sa lubos na maaapektuhan at sasalubong sa paparating na pagbabagong ito ay ang mga ordinaryong mananakay ng tradisyunal na jeepney.

Pag-Usad o Paglala ng Sistema? Ang mga hinaing ng komyuters na siya ring apektado sa gumugulong na Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) Program. / Video by The Spearhead

โ€œSakin hindi po ako pabor kasi since iyun โ€˜yung nakasanayan ng mga Pilipino, iyun โ€˜yung traditional transportation natin,โ€ ito ang saloobin ni Robbie Abalos, isang mag-aaral na araw-araw na nagko-commute at hindi sang-ayon sa traditional jeepney phaseout.

Ayon rin kay Nanay Vergie, isang senior citizen na palaging sumasakay sa tradisyunal na jeep, โ€œDapat hindi na palitan kasi habang panahon na โ€˜yang [traditional] jeep na ganyan.โ€

Ingay mula sa Kalsada: Alingawngaw ng Pangamba

Noong Oktubre 8, inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas sa minimum na pasahe para sa tradisyunal at modernong pampublikong jeepneys: โ‚ฑ1 dagdag, na nagreresulta sa minimum na pasahe na โ‚ฑ13 para sa tradisyunal na jeepney at โ‚ฑ15 naman para sa mga e-jeep.

Ito ang isa sa pinangangambahan ni Ronnalie Jenny Joaquin, isang mag-aaral at komyuter, ang muling pagtaas ng pamasahe bunsod ng modernisasyon. Ayon sa kanya, โ€œItโ€™s a no po, ganoโ€™n kasi maliit [na] nga lang po yung baon namin minsan kapos pa po, naubos pa po sa pamasahe lang tapos magtataas pa po.โ€

Hindi rin sang-ayon si Jaminia Medina, isang street vendor at komyuter, sa nasabing programa at pinaniniwalaang mas dapat bigyan ng halaga ang mga tradisyunal na jeepney dahil ito ang nauna at mas kilala ng mga Pilipino. Aniya, mas malaki ang bahagdan ng tradisyunal na driver at kanilang mga pamilya na labis na maaapektuhan ng modernisasyon.

Bitbit ng Jeepney Modernization Program ay ang pangamba sa landas na tatahakin ng bansa dahil sa hindi na malinaw at komprehensibong plano para sa lahat ng apektadong sektor.

Kasabay ng pagtulak sa modernisasyon ay ang responsibilidad ng pamahalaan sa pagbibigay-pansin sa mga boses sa kalsada โ€” mga driver at kanilang mga pamilya at ang mga ordinaryong komyuter na umaasa sa pampublikong transportasyon para sa kanilang pang-araw-araw na byahe.

Sa pangangailangan ng mas makabagong sistema, ang hamon ay nasa pagbalanse ng pag-unlad na hindi nakakalimot sa kultura ng Pilipino at pagsigurado na ang pagbabagong ito ay para sa lahat, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan. โ€” The Spearhead

--

--