Random Ramblings

Kapapahinga ko lang kahapon. Alam kong andami pang dapat gawin, pero tulala lang ako buong maghapon ngayon, o di kaya’y tulog. Kung titingnan, wala naman akong ginawa, ni hindi nga ako pinagpawisan, (maliban nalang nung patay yung bentilador), pero eto ako ngayon, pagod. Agit inside. Nakakapagod yung walang ginagawa. haha. Hindi naman dahil sa ginusto ko, pero because of a circumstance.. 1st day ko ngayon. haha. (ewan ko kung gets niyo, o babae lang makakakakuha nito.)

So eto ako ngayon, tulala, emosyonal, nagtry tumawag ng mga kaibigan. Yung isa binabaan ako (busy ata). Yung isa, hindi ako marinig (walang signal daw sa apartment niya ayon sa sa isa pa naming kaibigan). Yung isa nakausap ko for 15 minutes lang. Hanggang dun lang kasi kinaya ng load ko. Bitin sobra. Pero keri lang din.

Buti na lang may isa akong kaibigan na pwede kong daldalin anytime. Yung hindi ako bababaan. Hindi rin mawawalan ng signal magpakailanman kasi ginawan niya na ng paraan yun higit dalawang libong taon na ang nakakaraan. Hindi ko rin kailangan magload at magtext ng c20 sa 8888 para sa napakaikling 20 minutes na tawag lang… tapos di ko pa nasasabi yung reason kung bakit ako tumawag. Madaldal ako eh. hehe. Yung hindi rin ako tutulugan sa kabilang linya sa sobrang dami kong kwento. haha. (hindi naman sa nasasaktan ako sa mga kaibigan ko na nakakagawa sa akin ng ganto, natatawa pa nga ako eh hehehe.)

Buti na nga lang talaga hindi Siya napapagod sa mga paulit ulit kong kwento. Sa mga paulit ulit kong iniiyakan. Haha. sa mga bagay na paulit ulit kong inilalapag sa kanya kahit sinabi niya na sa akin kung anong nararapat na gawin ukol dun. Kung ano man yun. Kung ano man ang mga yun. Hayyy. Buti na lang.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.