Growling Tigers, hinirang na kampeon sa Davao

ni Cyreel Gian Zarate

Kuha ni Genelaine Urbano/TomasinoWeb

Naiuwi ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang gintong medalya kontra Davao All Stars, 87–78, sa ginanap na Kadayawan Basketball Invitational Tournament sa Davao.

Ito ay matapos mawalan ng pagkakataon ang De La Salle University at Far Eastern University dahil sa nangyaring iringan mula sa magkabilang panig.

“We prepared for 8 months and slowly our team chemistry and teamwork is there,” wika ni UST head coach Boy Sablan sa TomasinoWeb.

“Even though we have this championship with Davao, iba pa rin talaga ang UAAP. Confidence building lang sa amin ito at nakita namin on what we’re going to do sa UAAP season,” dagdag ni Sablan.

Hinirang si Marvin Lee bilang Finals MVP. Makakasama ni Lee sina Zach Huang, Jeepy Faundo, Regie Basibas, Joco Macasaet at Oliver de Guzman sa darating na UAAP Season 80.

Unang makakalaban ng Growling Tiger ang Fighting Maroons sa UAAP sa Linggo, Sept. 10, sa Mall of Asia Arena.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.