Tayo

mflr
mflr
Jul 20, 2017 · 1 min read

Tayo ang laman ng isip ko
Sa mga sandaling ika’y nasa tabi ko,
Sa bawat yakap may nadarama ako
Hindi normal, hindi dapat ganito

Dati rati’y wala lang, tayo’y masayang nag-uusap
Kahit malayo, kahit hindi araw-araw
Ngunit sa minsanang pag-uusap
Ako’t ikaw ay panatag

At sa isang iglap biglang nagbago
Para bang may mga bagay na hindi ko maitago
Pinagmamasdan kita sa iyong mga halakhak at ngiti
Hinihintay ko ang mga sandaling ika’y makatabi

Sa pitong taon hindi ko namalayan
Na ikaw ang nananatili’t naririyan
Nakikinig, nangangaral,
Nagkukuwento, nagpapatawa

Hindi ko man alam
Kung ito ay tunay at tama
Ngunit alam ko sa isip ko’y
Ikaw ang gusto kong makasama

Para sa ating pagkakaibigan,
Para sa ating pinagsamahan
Ako’y magmamahal, mananatili,
At wala kang maririnig mula sa aking bibig

At sa pagkakataong magkita tayong muli
Sana’y masagot ang mga tanong ng aking dibdib
Sa pitong taon, pinaghintay ba kita?
Kung oo, ako ba’y may babalikan pa?

)
mflr

Written by

mflr

Life in a spectrum // Myriad of thoughts in random days