Kumpas ng Kalungkutan
Aug 26, 2017 · 1 min read

Pwede ka bang isayaw
Sa malungkot na musika ng buhay
Suot ang paborito mong blusang bughaw?
Sabay nating damhin
Ang patak ng bawat luha
Kasabay ang bawat padyak ng melodiya.
Nais kong hawakan ang iyong kamay
At ‘wag silang bitiwan
Nais kong titigan ang iyong mga matang kulay luntian
Hayaan natin ang mga bituin
Tumingin sa bawat galaw natin
Hayaan natin ang buwan na magbigay liwanag sa’tin.
Narito ako
Handa kang samahan
Sa walang hanggang musika ng kalungkutan.
