Nakakapagod.

Tristan Margarejo
Aug 22, 2017 · 1 min read

Nakakapagod mabuhay.
Mabuhay sa ganitong realidad.
Realidad na walang ginawa kundi manakit nang paulit ulit.

Nakakapagod maiwan.
Maiwanan ng mga tao.
Taong pinapahalagahan mo.

Nakakapagod maghintay.
Maghintay nang walang kasiguraduhan.
Kasiguraduhang mayroong darating at patutunguhan.

Nakakapagod umasa.
Umasang mayroong darating.
Darating upang tulungan at iligtas ka.

Nakakapagod mapagod.
Mapagod sa buhay.
Buhay na walang saysay.

Tangina, nakakapagod.

)

    Tristan Margarejo

    Written by

    Just your ordinary guy with crippling depression