Hele

Saglit akong nahilo,
sa yanig na ’sing lambing
ng hele ni nanay
tuwing alas tres ng hapon
noong mga panahong ang lupa
ang aking hapunan
at ang araw ang aking kasiyahan.

Humigop ako sa tyaang
malamig at matamis
na parang alaala ng
kabataang ni-nais nais
at sa bawat higop
ay ang pagsamo ng yugyog
ng mundong ibabaw
sa pagkilos ng kung ano
ang nasa ilalim.

Lumipas ang pag-hele
ng mundong yumayanig
nang wala halos nakapansin
walang tumigil at napatingin
bagkus sa isa, dalawa, o tatlo.
Tumuloy lang sa paglalakad
silang namimili sa malamig
na palengkeng pinaroroonan.
at sa saglit na tila,
tumatagal
ang lindol
at ang oras
bumabagal din,
sa bawat hele,
sa bawat haplos,
sa bawat ugoy,
ang pagaalala ng isang ina
ay nailipat sa anak
at ang anak
ang naging ina

Like what you read? Give Wesly Sy a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.