Five Degrees of Separation

Wow, reference from the music of one of my favorite band, that delivers almost broken hearted lyrics, lol (the script)

Disclaimer: I’m drunk. Alcohol and emotion doesn’t mix well. It should made me numb, but instead it made me burst.

DABDA.

Akala mo kanta ni kuya wil, pero hindi, This is the five stages of grief, well, I got to talk to some of my sensible friends, and yes, pinagdaanan or pinagdadaanan ko ngayon to. I observe what am I going through, and maybe kaya ko to nasasabi is because (read the disclaimer) hehehe. This is actually my hardest point in my life yet, you gave yourself away, they take the whole you, then they leave. Sabi nga ni Daughtry, you build me up and tear me down, like an old abandon house. The good thing is, you can always un love someone, but you can’t unlearn all the things na natutunan mo sa kanya. Atleast my take away ka naman diba?

So DABDA, here it is, my own version of Five degrees of Separation (Six degrees yung sa the script, maybe mas broken hearted sila hehehe)

First,

Denial

Eto yung part na bago pa sayo ang lahat, yung iniisip mo na madadaan mo pa sya sa suyo at lambing, sa mga salitang lumilipad nalang sa hangin at hindi na pumapasok sa puso. Ayaw mong maniwala na wala na, dahil hindi ka naniniwala na kaya ka nyang bitawan, na kaya ka nyang mawala. Hindi mo tinatanggap ang bawat masasakit na salita. At nang sinabi nyang wala na, tila baga nagbago ang kahulugan ng wala, dahil ang wala pinipilit mo na maging meron. Lumalaban ang isa, at nagpapahinga na ang isa. At hindi makapaniwala sa salitang wala na talaga.

Anger

Magagalit ka, pero hindi sa kanya. Hindi ka magagalit sa kanya kasi ang pagmamahal hindi pa nawawala. Kundi, magagalit ka sa sarili mong hinayaan ang pagkakataon, pinalipad ang pagibig, at pinatuyo ang damdamin na dating ramdam mo. Magtatanong ka bakit ako nagkakaganito? Magagalit ka sa sarili mo dahil wala ng kayo. Oo, uulitin ko, wala ng kayo. Dahil hindi sya katulad mo, na kayang ibaba ang mundo, masunod lang ang gusto ng iniirog mo. Pero ano naman kung magalit ka? wala naman mag babago, sasama lang ang loob mo.

Bargaining

Kung sa bangketa ay nahihiya kang tumawad, sa sarili mo hindi. Sino nga ba ang kinakausap mo? Yung kalahati mong nakakapit pa rin noong sinabi nyang mahal ka nya? at yung kalahati mong tinanggap na, na wala na sya? Ang saya diba? Hahanap ka ng ibang paraan, baka sakaling sya ay makaramdam. Dahil kahit anong sigaw mo, hindi nya naririnig, at kahit anong suyo mo, hindi nya nararamdaman. Nakakapagod, pero hindi susuko. Umaasa ka pa rin nag magbabalik ang dati nyang pagtingin sayo, na isang umaga dadating sya sa harap mo, at sasabihin balikan mo ako, bumalik tayo sa tayo, at ayusin natin ito, pero bay, gumising ka na, kilala mo sya at alam mong hindi na babalik pa.

Pinipilit mong isipan ng positibo ang break up nyo, pero hindi mo maalis sa isip mo, na ang lahat ng masasayang storya ay yung mga panahong kasama sya.

Depression

Eto na, para ka ng artista, may depression ka na. Pero wag kang magkakamaling sumama agad kay Lord.

Pagod, puyat, stress lahat na. Pagod ka ng magisip, puyat at stress dahil sa kung ano ano ang naniisip mo. Sa twing ipipikit mo ang iyong mata, sa twing susubukan mong matulog, pumapasok lahat sayo ang mga pinagsamahan nyo, yung dating masayang kayo, at pumapasok din sa isip mo na hindi na ulit mangyayari yon, dahil kahit nakakapit ka pa, nakabitiw na sya. Pano mo ipaglalaban ang pagibig kung ang iniibig mo ay sumuko na? Totoo, hindi nadadaya ang damdamin, hindi mo pwedeng ipilit ang pagmamahal na lumipas na, hindi mo pwedeng idaan sa awa para ibalik nya ang mga pagmamahal mong ibinigay. At sinasabi ko, yung masayang dati at yung masakit na ngayon, iipitin ang puso mo, bibilis ang tibok, at hindi ka makakahinga, sasabihin ng iba mong kaibigan na nagdradrama ka lang, pero hindi, ang utak mo kung ano ano na ang iniisip. Tinatanong mo sa sarili mo kung ano ang nagkulang sayo, kung pangit ba ako kaya sya nawala, kung boring ba ako, at kung ay dati ang sagot ay hindi, ngayon kahit hindi mo itanong ay magiging oo. Ang confidence mo, booom bubulusok pababa, dahil naiisip mo na ang dating tumanggap sayo na kung sino ka, ay ngayon tinataboy ka na palayo, na para bang hindi nagkaroon ng kayo. Iniisip mo na baka meron na syang iba, dahil sa ganda nyang mala dyosa, hindi malayo na marami ng umaaligid sa kanya. Pero lahat ng ito nasa isip mo lang, at ito ang unti unting pumapatay sayo, unti unting kumakain ng isip mo, unti unting inuubos ang oras mo. Hangang sa hindi mo na kaya ang sakit, dahil lahat ng gawin nya, lahat ng kitain nya, lahat ng status at post nya, may kahulugan para sayo.

Pero hindi pa natatapos yan jan. Makikita mo pa syang masaya, na sa una yun lang naman ang gusto mong mangyari sa kanya, ang makita syang masaya. Pero masasaktan ka, dahil mararamdaman mo at itatanong mo sa sarili mo na pano sya naging masaya habang ikaw ay lugmok sa kalungkutang dulot nya. Habang ikaw ay umiiyak, sya naman ay umiiyak sa saya.

Acceptance

HAHAHAHAHAHA Asa ka pa. Hindi ko pala nasabi na pwede kang bumalik ulit sa umpisa, magkakalakas ka ng loob na sumubok ulit, dahil patay na patay ka sa kanya. Magagalit ka pero hindi na sa sarili mo, kundi sa kanya na, bakit nagawa ka nyang iwan na parang isang bagay na madaling palitan pag naubos na. Bakit nakangiti sya habang ikaw ay nasa pighati pa. Bakit ganon ganon ka nalang nya binitawan, bakit hinayaan mong maliitin ka nya, na para bang hindi mo deserve ng acceptable reason. Na bakit ang babaw nya. At oo, babalik ka sa pagkumbinse sa sarili mo na pwede pa, dahil kung nagalit ka man, mas mangingibabaw parin ang pagmamahal mo sa kanya. Tatawaran mo ulit ang sarili mo na meron pa, na pwede pa, na kaya mo pa syang puntahan, nakaya mo pa ulit tumawid ng dagat at kilometrong layo para makita sya, dahil para sa kanya hindi ka mapapagod, magpapahinga, pero hindi susuko.

Pero sa huli, wala na talaga.