Camp Laguna


April 21 , last year.

isang linggo pagkatapos ng semana santa mararamdaman mo parin yung feeling na parang kapapako palang ni Jesus sa Cross. Hindi dahil tinanggap ko as a whole ang celebration ng Holy Week pero pag lalabas ka sa bahay ay makikita mo parin yung mga poster at mga memorabilia na nagkalat nung mga time na yun. Isa pang dahilan ay yung mga kalat na iniwan ng mga nag prosisyon.

12 noon , nagiisip ako ng gagawin. Bigla ko naalala yung pinag usapan namin ng mga classmates ko na sa Saturday meron kaming outing pero di ko alam kung saan. Agad kong tinext yung classmate kong si Luis kung tuloy pa ba yung plano. nag reply siya na “ pwede pero gustong sumama ng ate ko “, By the way yung ate niya is College ,namely Chelsea and lagi naming nakikita yun kasama Boyfriend niya na laging nag pipi-PDA (Public Display Affection) sa labas ng bahay nila. One time bigla ko nakita sila sa tagong lote, french kiss ang theme ng PDA nila ngayon , para sa akin di na ako mandidiri kasi siguro mature na ako.

Dahil sa pagkabagot at sa gusto kong sulitin ang bakasyon mula sa stressful na school days na kaliwa’t kanang pasa ng requirements , gusto ko munang mag relax.

Nag reply ako sa kanya “ ano tuloy pa?”, sabi niya “ Oo pero sasama si Ate pati yung Boyfriend niya , sila na daw bahala sa gastos, Anniversary kasi nila ee”.

Agad agad nag text ako sa mga iba kong kaklase kung sasama sila sa outing pero di pa alam kung saan.

3 lang nag reply sa akin at yung pinayagan. Si Andrea , Si Castro , at si James.

Excited na talaga ako kahit di ko pa alam kung ano at saan ang outing namin. Nag reply si Luis “ Magdagdag nalang daw kayo ng 300.00 pesos sa Laguna daw tayo, sa isang park, Camping daw 4 days. and sasama daw yung friend ng ate ko “.

Tuesday nun may 4 days pa ako para mag prepare. Buti nalang nakakuha ako ng award sa school , sapat na dahilan na yun para payagan ako sa camping.

Wednesday , dun ko palang balak mag paalam. Habang nasa banyo si Mama pinapaliguan yung kapatid ko. Nasa harap ako ng pintuan , may hawak na mga certificates at mga pictures kung gaano kalinis yung mga plato . Nahalata agad ni Mama na may kailangan ako , pero ako still smiling na parang emoji yung mukha ko.

“Ano na naman anak ?, hihingi ka na naman pambili ng ice cream?”. “ Haha , (smile parin) , ahh naisip ko lang Mama , tutal naghirap naman ako ng halos isang taon sa klase para makuha yung award na toh and nabutas na yung mga plato sa sobrang kakalinis ko and 16 yrs. old na ako kaya..”

Biglang sumigaw yung 5 yrs. old kong kapatid na , “Mama wag mo payagan wag !!, may camping daw sila!”. Badtrip tong kapatid ko di lang basher , tsismoso pa.

“Hindi pwede”. Yun lang ang narinig ko wala ng explanation kung bakit , hayysstt kainis talaga. Pero gusto ko talaga sumama kaya . “ MAMA please!!!!!, pang 2nd naman ako sa recognition!!!!, and araw-araw naman akong naghuhugas ng pinggan and malaki na ako! and promise ako gagawa ng mga gawain ,( BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH……) “ and tama halos isang araw akong nagmakaawa kay Mama para payagan ako . Nakakahiya kasi mas malala pa ako sa kapatid ko pag nag inarte pero gusto ko talaga sumama kaya pinilit ko talaga si Mama . Tinatanong niyo ang ending? , ofcourse nag sawa si Mama sa mga BLAH BLAH ko at sa huli ,” Okay sige sige ( with talagang iritang iritang mukha) Oo na , basta usapan gagawin mo mga gawain mo , pero bago yan bumili ka muna ng mga supplies sa bahay”. Sa wakas at matatakasan ko na ang stress kahit 4 na araw lang.

Saturday morning 5:45 am , all set na ako , nasa meeting place na ako . Sa tapat ng 7/11 nag coffee muna ako. Habang naghihintay nakita ko na yung 2 kaklase ko si Andrea at si James. After 10 minutes sunod sunod ng dumating yung iba at ang pinaka huli sila Luis kasama yung mga College . All in all , 5 kaming high school si Andrea , Luis, James, Castro , Ako, at 3 College si Chelsea at ang boyfriend niya na si Robert and yung friend nila na si Tasha. Para kaming maglalayas sa dami ng dala namin lalo na yung mga girls, lahat dinala , make up, Laptop at kung ano ano pang di naman talaga kailangan sa Camping.

6:35 na ng nakumpleto kami . Kalahating oras ang biyahe mula Cavite hanggang Laguna. Sa van kami sumakay at ang fare 80 pesos , mura na para sa aming grupo , and 150 ang entrance sa Park sa Laguna.

Habang nasa biyahe kami bigla nalang nahilo yung kasama namin si James, hindi sanay sa biyahe , malapit na kami sa destination kaya medyo marami ng puno at medyo lib lib na siya kaya bumaba muna kami para mag stop over sa isang old fashion na restaurant.

Naglibot ako sa paligid , nagmunimuni at lumanghap ng hangin. Sa di kalayuan makikita mo na yung mga featured spots sa Laguna, marami yung mga sanctuary na post sign . Puro Bird watching yung makikita mong main business dito sa lugar na to.

7:25 am nang nakapunta na kami sa Park . “El GRANDE bird sanctuary and camp site” yan ang bumungad sa akin. Maraming tao at maraming tindahan at restaurant. Feeling ko di ko kaya magrelax .

Nasa loob na kami ng Park , mainit pero mahangin , madami kang makikitang puno, mga bata , mga carabao grass, mga tindahan ng ice cream , at mga taong kakagising palang mula sa loob ng tent nila. Balak sana namin mag rent ng Cabin para wala ng effort sa pag setup ng tent pero nag reklamo si ate Chelsea , sayang daw kasi yung effort nila sa pag dala ng portable tent at mas gagastos lang daw kami . Well kahit ako agree sa motion ng malanding babaeng to. 3 tents yung dala nila sapat na para sa aming walong mag ka-camping.

8:45 am , pagkatapos naming magliwaliw at patayin ang oras.Naisipan na ng mga College na humanap ng spot para sa camp site. Sa dami ng tao dito at sa mga bago pang dumadating mahihirapan kang makahanap ng magandang site.

Kaya naman naisipan ni Trisha na lumabas sa boundary ng Park / Sanctuary. Open park ito kaya walang nakalagay ng sobrang tataas na bakod o pader di bale nalang sa isang mahabang wire na parang sampayan. Wala din namang sign na nakalagay tulad ng “ No Trespassing” o “Out of Boundary”. Kaya lumabas ang grupo namin malayo sa mga tao.

Feeling ko isang oras kaming naglakad para lang lumayo sa mga maiingay na tao sa loob ng park. Malapit sa isang sapa yung napiling site ni Trisha at ng mga College, para pwedeng maligo at may mapagkukunan ng tubig.

Nagsimula na kaming magtayo ng tent at mag handa para sa 4 day stay namin dito sa camp . Yung mga girls naghanda ng tent kasama si Luis at yung Boys naghanap ng mga kahoy para sa gagawing camp fire.

Gumawa ako ng trap ng daga gamit yung mga kawayan at tali na dala ko , bakit? , wala lang trip lang para may magawa.

7:00 pm na kami natapos, pero worth naman kasi sobrang saya ng pag setup namin sa camp.

Pagkatapos ng nakakapagod na pag tatayo ng tent at paghahanap ng mga kailangan nag simula na naming gawin yung camp fire.

Ang dinner namin ay yung mga dalang de-lata ni James. Nagluto din kami ng kanin mula sa camp fire na ginawa namin.

9:45 pm tapos na lahat ng kulitan at hapunan. Ang tangi nalang naming pinaglilibangan is yung kantahan sa camp fire sabay ng tugtog ko ng gitara.

Isa-isang nag request yung mga kasama ko ng mga kanta.

Sobrang saya.

Sana ganito nalang gabi-gabi.

11:27 pm isa isa na kaming pumasok sa loob ng tent.

Sa unang Tent yung mga girls , Andrea, Trisha pero si Chelsea at yung Boyfriend niya nasa hiwalay na tent, si James at Carlos ang magkasama at sa huling tent na rainbow ang kulay kasama ko si Luis.

Halatang pagod na yung iba , wala ka ng makikitang ilaw sa loob ng tent nila di bale nalang sa amin at sa ate ni Luis na parang kalandian na naman yung Boyfriend niya. Ang ingay nila, parang nagsesex na sila, kulang nalang mag -sex sila sa harap namin para lang mapakita yung “PAGMAMAHAL?” nila.

Malamig ang hangin sa labas pati yung sahig ng tent , tanging ilaw nalang ng camp fire yung makikita mo.

Unti-unti habang nakatulalaa ko sa rainbow na picture ng tent namin , nakatulog na ako.

Ang corny ng panaginip ko , “ nasa isang room ako, parang sala, may TV, may Piano, May malaking carpet. Tapos nakita ko yung crush ko naka sexy dress , natakot ako kasi seductive siya . Unti-unti lumapit siya sa akin at halatang sobrang sexy niya at ofcourse maganda. Bigla siya bumulong sa akin I LOVE YOU sabay dila sa tenga ko” .

Dahil dun bigla ako nagising, sobra akong pinagpawisan at sobra ang kabog ng dibdib ko.

Habang naalimpungatan ako, bigla nalang may nakita akong anino ng tao tumatakbo palayo sa camp site. Akala ko yung mga College yun pero ano namang gagawin nila sa labas ng camp site?. Kinapa ko kung nasaan yung kumot , bigla ko naalala wala sa loob ng tent yung gitara.

Lumabas ako , malapit ng maubos yung apoy sa camp fire at wala sa paligid ng pinag upuan namin yung gitara ko . Bumalik ako sa tent , ginising ko si Luis. Halatang ayaw niya mag pagising pero pinilit ko siya.

Sa huli lumabas kami at sinabi ko sa kanya na nawawala gitara ko. Halatang antok na antok siya kaya ako nalang ang naghanap sa paligid ng camp site gamit ang phone ko na may flash light.

Tinawag ako ni Luis. “ Hoy!, nandito ohh!!, bulag mo naman , ayun oohh sa may pinaglagyan mo ng trap ng daga”.

Tumakbo ako para tignan. Totoo nga, nandun yung gitara ko , kinuha ko. Sobrang baho ng gitara ko , hindi ko maipaliwanag yung amoy parang sunog na ewan.

Nagtaka ako kung bakit napunta dito yung gitara ko. Siguro pinagtripan lang ako nila Castro. Hindi ko alam. Ang mahalaga nakuha ko na.

Habang papunta na ako sa Camp Site lumingon ako ulit sa paligid ng camp site. Iba yung pakiramdam ko. Sobrang bigat. Sobrang lamig ng hangin. Sobrang dilim pa sa paligid. Sobra ako naguguluhan dahil sa nangyari. Nang sandaling mapatingin ako sa puno malapit sa pinagkuhanan namin nitong gitara, feeling ko may tao dun, nakatingin sa amin. Hindi ko inintindi yun dahil gusto na bumalik ni Luis sa tulog.

Nang makabalik na kami at makapasok sa loobng tent, di mawala sa isip ko yung nangyari. Pinilit kong matulog ulit.

7:11 am , maririnig mo na sa labas ng tent yung mga kasama ko na naghahanda na para sa first activity namin. Trekking papunta sa bundok Calumpit. Ako nasa loob pa nakatulala sa gitara kong mabaho.

Lumabas na ako nag almusal at nagpalit ng damit. Kinuha ko na yung mga gamit ko para sa trekking. Hindi ko na sinabi sa kanila yung nangyari kagabi, mukhang di rin naman tanda ni Luis yung nangyari.

9:18 nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga maliliit ng bundok. Sa daan marami kang makikitang ibon, iba’t ibang uri, laki , kulay at tunog. Madami din yung mga halaman na mukhnang Ferns sa Jurassic Park.

Sa kalagitnaan ng daan may nakita kaming ilog. Sobrang babaw ng tubig dahil summer. Tinahak namin yun kahit mabato at puro tuyong dahon.

Paglagpas namin sa ilog, bumungad sa amin ang bundok Tabok. Maliit lang siya kumpara sa ibang bundok, maraming usap usapan sa bundok na ito. May mga engkanto daw, mga duwende, at kung ano-ano pang kuwento na ang ginawa lang ay manakot ng mga turista.

Isa-isa kaming naglakad papasok sa Bundok na yun. Sobrang ingay nila habang nag tretrekking, lalo na si Andrea, kuwento ng kuwento tungkol sa regalo sa kanya ng bestfriend niyang si Robert. Obviously wala naman kaming pakialam.

Pero hayun sa sobrang saya ng trekking namin , konti nalang magsisigaw kami sa daan.

Sa gilid kami ng bundok dumaan para di delikado pero kahit ganun may mga daan talaga na sobrang tarik. Maraming mga halaman kaya mahirap dumaan, minsan may mga sanga pa na nakaharang at tanging paraan lang para makalampas ay ang tumalon , para kaming mga military na nagtritraining sa hirap ng daan.

Ilang oras ang nakalipas , gutom na ang grupo , natatanaw na namin yung bundok Calumpit.

Nilabas na nila yung mga disposable na plato at kutsara, pati na yung dala naming pagkain.

Halata mong sobrang saya ng grupo kahit na pagod

Habang kumakain, napatingin ako sa dako pa roon kung saan marami mga puno. Bigla ko naalala yung nangyari kagabi. Nangilabot ako , inisip kong mabuti kung ano ba talaga ang nangyari ng mga oras na yun.

Sigurado ako na may taong gumalaw nun , imposible na mang magagalaw yun ng hayop dahil sa bigat at laki ng gitara ko, isa pa may nakita akong anino ng tao nung mga sandaling nagising ako.

Habang nagiisip at nakatulala.

¨May pick ng gitara oh!!¨ sigaw ni Luis mula sa gilid ng pinag-pahingahan namin

¨Guys parang pamilyar yung pick!¨ dagdag niya.

Agad akong pumunta kung saan niya nakita yung pick. Nagulat ako dahil mukhang pick yun ng gitara ko, may design ng paborito kong banda na Nirvana na nakuha ko sa isang band contest.

Lumapit ako at pinulot , nagtaka ako sa amoy ng pick dahil parehas siya sa amoy ng gitara ko nung nakuha ko kagabi sobrang baho na parang sunog.

¨akin to , mukhang akin to¨ sabi ko.

¨Oh? Bakit nandiyan ?¨, tanong ni Trisha.

¨Di ba nawala yung gitara mo kagabi?¨ sabi ni Luis.

¨Oo¨, sagot ko.

Biglang humiyaw si Trisha, “WAAAAAHHH!!!! , MAY AHAS!!!!!”, nagulat ang kaming lahat.

Nakakita kami ng isang patay na ahas. Kulay green halatang kamamatay lang dahil nabula pa yung mga sugat ng ahas.

Lahat kami pumunta kay Trisha , nagaalala kung okay lang siya. Inalis na ni Castro yung ahas at tinapon sa malapit na damuhan. Agad na naming nilagay sa bag yung mga dala naming plato at kutsara , iniwan narin namin yung mga tira naming pagkain.

Habang patuloy

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.