pagdating ng umaga

panaginip na ika’y kasama

pagsabit ng dilim

katabi ka

yakap mo kay higpit

dumating ang umaga

wala ka na

lumisan

nagpakalayo

hindi ka ata

nasiyahan sa halik

sa yakap

sa akin

ayaw muna

ako’y kasama

naghanap ng iba

makapagpapasaya

ang tanga ko

hindi lamang kita

pinigilan

lumayo sa pagitan

dumating ang hapon

hinahanap ka parin

umaasang babalik

yung dating samahan

alam ko

mahal mo ako

pero bakit kay tagal

mong magparamdam

dumating ang gabi

kinausap na kita

di ko kaya

di ko kayang wala ka

pero parang

di tugma

ayaw muna

na maibalik pa

nalaman ko’y meron kana

sa tropa kung kasama

ang bilis naman

hayup ka

naiinis ako

dami mong pangako

saan na

tangina ka

ngayon babalik

na naman tayo sa umaga

na wala kana.

na may mahal ka ng iba.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.