Dawani

Minumura ko ang sarili ko ngayon. Bakit hindi na lang kasi kita kinausap noong mismong retreat. Bakit hindi? Aba e kasama mo ang nanay mo kahit saan kita makita. At ito, ito ang pinakamalala.

May boyfriend ka. Personal rule na hindi dapat ako nakikipag-usap sa may boyfriend. Dahil madalas madulas ang dila ko at may masasabi ako na hindi magugustuhan ng boyfriends.

Kaya kasama na ang “lack of self-esteem” at kung anu-ano pang rason para ‘di ka kausapin, binubugbog ko ang keyboard ngayon ng Tagalog para ipaalam sa’yo…

“Gusto kitang makausap. Isang mahaba, no-holds barred na usapan. Gusto kong pakinggan yung madaldal na Dawani na sinasabi sa’kin ni kuya Andy. Gusto kong marinig ang Dawani sa likod ng madalas mong pagtunganga.”

Kaso wala, hindi ko alam kung pa’no. Sobrang bihira mong sumagot sa Facebook, understandable na busy ka sa Medicine, at kung makuha ko man phone number mo, na mukhang ayaw mo ring ibigay anytime soon e, wala ring kahihinatnan.

Pent-up emotion ‘to. Hindi magandang pakinggan. Pasensya ka na. Kailangang maglabas ng pent-up emotions, at dahil na rin everytime na makita kita, everytime na magsalubong ang tingin natin kahit ang kulit ng mata ko kailangan kong malaman…

Nung pauwi na at nakangiti kang kumakaway sakin, at inakala ko na sinusubukan mong lumingon habang papalayo ang taxi (napakawalang-kwentang assumption) kailangan kong malaman…

“Sino ka, Dawani?”

PS: Sorry ngapala uli nu’ng mass, kung naalala mo pa. Yung bigla kong hinawakan likod mo at sinabing: “Sorry, nadi-distract ako e.”

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.