Apat

Ang bigat, ang sakit at ang init sa pakiramdam.

Naghalo-halong luha, galit, at awa ang pumalibot;

Ang bawat salitang binitawan,

Tumatak sa isipan.

Alam niya na mayroong pagkukulang,

Nawala na ang akala mong punong-puno ng kalakasan.

Kumupas na, wala na siya.

Matagal na siyang pinatay ng mga taong pinaligid mo sa kanya.

Pinatay mo ang liwanag mula sa apoy ng kanyang kandila.

Ang apoy na sumimbolo ng kanyang pagkatao,

Ang liwanag na nagsilbing gabay mo sa bagong pamamaraan ng mundo.

Naglaho ito ng paunti-unti, dahil pinili mong patayin ang kandilang ito.

Siya ay isang bagay na hindi ikaw.

Isang bagay na hindi mo makukuha.

Dahil iba siya sa iyong nakaraan,

Iba ang kanyang pangarap at hangarin.

Ang mga ninanais niya ay unti-unti niyang binubuo;

At kahit na pinatay mo ang kanyang apoy,

Sinasama ka parin niya sa kanyang mga dasal,

Kasabay ang kanyang paglaho.

— E.B. (02.19.01)

Like what you read? Give Daniella Lazaro a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.