Kaibigan

Faci
Acad Oval
Published in
1 min readSep 9, 2017

Sa ilalim ng parehong araw
Na ating tinitingnan sa loob
ng humigit-kumulang dalawang
dekada,
Nakita kita.

Kinilala.
Kinaibigan.
Madalas kasama.
Sa pagtingin sa mga ibong lumilipad,
Sa paghintay sa mga bagay
na sa iyo lamang dumating,
Sa paggawa ng mga dapat
at hindi dapat,
Lagi kang nar’yan
sa aking tabi
kaibigan.

Kung ano man ang meron tayo,
Paabutin natin hanggang dulo,
Sa dampi ng araw at angal ng bagyo,
Laging merong ikaw at ako.

--

--