Sila

Faci
Acad Oval
Published in
2 min readJul 30, 2016

Wala talagang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga.

Sa coffeeshop kita unang nakilala. I was making my thesis then. Mag-isa ka noon; problemado, pagod, at malungkot. Aminado akong hindi kita kayang kausapin dahil may thesis ako. Sabi ko, “maybe one of these days, makakausap kita.”

At pinanghawakan ko iyon, kaya nung pinarevise sa akin ng adviser ko ‘yung thesis ko, doon ako sa coffeeshop na iyon gumawa.

“Baby, saan tayo magkikita?”
“Doon na lang sa Barking Blends.”
“Mga anong oras?”
“10.”

Ganito, magkatabi kami ng upuan. Doon sa pang-isahan na pangmaramihan (parang ex ko). At sa aking pagkagulat eh meron akong narinig habang nag-uusap sila. She accidentaly put it in loudspeak. Buti na lang hindi nakamax yung phone niya and wala siyang katabi sa other side.

But meron akong napansin: Why is she sad kahit magkikita sila (assume ko na yun yung boyfie niya since Baby ang endearment eh. Bumalik ako sa aking thesis (sana siya rin ay bumalik), at naguluhan ako ng may suminghot ng sipon.

Siya pala ‘yun.

“Miss, bakit ka umiiyak?”
“May pangalan ako. Maris.”
“Mariss, bakit ka umiiyak?”
“Baka kasi ito na ang last time namin together, and I’m trying everything to save this relationship. Teka nga, why am I telling these things to you.”
“Aahhh, eh… Gusto ko lang makatulong. Makikinig ako.”
“Kung gusto mong makatulong, huwag ka ng makinig at magpakita sa akin.”

Mataray. Pero kailangan ko lang siguro siyang intindihin. Kailangan niya ng tulong. She needs someone right now, and I think I can be the one she really needs.

Kaso hindi ko alam kung saan yung barking blends.

Nandito na ako. Kaso pumunta ako mga 4 na. Letcheng prof ko na yan, pinaulit pa yung thesis ko. Pero next week daw ipapasa. HAHA, kaya pumunta akong Barking Blends.

May sagot sa tanong kung paano ako nakapunta sa Barking Blends. UBER, oo UBER na siyang umubos ng pera ko (akala ko siya lang ang uubos, pati rin pala uber).

Nakita ko siya. Naiyak nang palihim. Ayaw niya sigurong makita ng lahat ng nandun na naiyak siya. Lumapit ako. Bahala na kung sasampalin ako.

“Oh, ba’t nandito ka Marion?”
“But..how come?” Nagtataka ako. Stalker ata si ate.
“Kung hindi ka ba naman tanga para magsuot ng ID sa loob ng coffee shop. Bakit ka nga nandito?”
“Alam kong kailangan mo ‘ko. At alam kong di ka sisiputin. Kaya nandito ako.”

Sa kakaisip ko sa iyo, malamang ay wala talagang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga.

“Coffee?”
“Sige.”

At sa araw na ring iyon mismo, nalaman kong wala talagang papantay sa iyo maging sino man sila.

--

--