Umaga

Faci
Acad Oval
Published in
3 min readAug 13, 2016

Ayaw pa naming umuwi. May magagawa ka?

Gabi na. Alas-onse y media na. Wala kaming pake sa sinasabi nilang curfew. Bakit ba nila kami huhulihin kung wala naman kaming ginagawang masama? Kailan pa ba naging pang-umaga lang ang mga karapatan? Nakakabullshit. Samahan pa ng malungkot kong puso.

Namatay na ang nanay ko. Putangina hindi ko man lang nasabi sa kanya na suma cum laude ako. Ayokong sabihin kasi puro mga bagsak kong exam ang huli niyang nakita. Tapos iniwan pa ako ng girlfriend ko na walang ibang ginawa kundi kausapin ako kapag may kailangan siya. I’m screwed.

Sa tawag ng pangangailangan, tinawagan ko yung ex ko. Pambihira, kahit masakit yung paraan ng pag-end ng relationshit namin, nagawa naming maging bestfriend. Niloko niya ako mga pre, nakita kong may kapatong siya sa kama.

Pero bestfriends na kami. Kakainom pa lang namin kanina. Siya rin pala ay may problema. Namatay din ang nanay niya na hindi nalalaman na bumagsak siya. Nakokonsensya siya kasi puro matataas ang scores niya nung huling makita ito ng nanay niya. Nakonsesnya si gago.

Tinatamad kaming umuwi. Hindi ko siya dadalhin sa motel. Kahit lasing ako, hindi lasing ang birdie ko. May morals pa rin ako. Kadiri rin kapag papatong ako sa kanya. Gamit na siya. Gamit. Tangina.

“Saan mo na gustong pumunta?”
“Pumunta tayo sa lugar kung saan tayo nag-meet. I will tell you something.”
“Malapit lang yun dito, gusto mo bang lakarin na lang.” Tangina nagyaya pang maglakad eh medyo lasing na ako.

“Sige na. After this, hik, wala na.”

Pinagbigyan ko na. Pasasalamat na rin sa pakikinig sa kanya.

Naglakad kami papunta sa park malapit sa bar. Habang naglalakad, naalala ko ang past namin. Sabay kasi kaming naglalakad sa parehong daan simula pa nung nililigawan ko siya. Naalala ko ang lakad kong iyon nung panahong sasagutin na niya ako. Kabadong-potpot ako nun tangina. Pero sinagot ako.

Asus, wala na yun. Wala na.

Ayaw pa kasi naming umuwi. Na-hurt ang feelings namin.

Kung umuwi na lang sana kami, o kahit ako na lang, okay na ako.

Wala na akong pake sa kanya dahil hindi naman siya nagkaroon ng pake sa akin.

Hindi ko na siya ramdam. Hindi naman gumuho ang mundo ko nung nawala siya. Hindi naman ako nawalan ng paa nung nawala siya para hindi na magpatuloy sa buhay. In short, kaya kong umuwi kahit wala siya.

Pero pakiramdam ko, may something na mangyayari. Dapat kong tutukan to. Dapat ko siyang samahan.

Ayun, naglalakad kami sa daang walang katao-tao. Madilim.

Hanggang sa may nakita kaming isang truck na paparating. Malay ko kung ano yun. Lasing kami pareho.

Pulis ang laman ng truck na yun.

Dinampot kaming kupal na pulis na yun. Dalawa lang sila, pero malalakas. Dinakip kami. Pero nakawala ako. Sinikmuraan ko yung humawak sa akin. Nakita ko siyang hinawakan ng pulis. Nagpupumiglas. Bigla siyang sumigaw.

“I’m sorry, Lij!! I’m fucking sorry! I do really love….”

Nawalan siya ng malay. Alam ko ang susunod na mangyayari. Kinain ako ng takot. Tumakbo ako. Tumakbo

1973 nangyari yun. 2016 na ngayon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita o nalalaman kung nasaan siya.

Bakit ba kasi namatay ang mga nanay namin kaya kami nalungkot at uminom?

Bakit ba kasi naghiwalay kami at uminom?

Bakit kami uminom?

Pero sa tingin ko, mas may mga tanong pa na mas nangangailangan ng sagot.

Kailan pa ba naging pang-umaga ang mga karapatan?

Eh kung ayaw naming umuwi, at wala naman kaming ginagawang masama, may magagawa ka ba?

Hindi ko na nakita ang bangkay niya. Sana hindi ko na rin makita ang bangkay niya sa Libingan ng mga Bayani. Tangina mo Marcos!

--

--