Sa Ngalan ng Lawa

By Jord Earving Gadingan

Benilde HiFi
Benilde HiFi
4 min readMar 1, 2021

--

What is your origin story?

Pagbati!

Ako si Jord Earving Gadingan at nagpapatintero sa pagitan ng mga komunidad at kalikasan. Naging researcher, writer, social welfare worker, atbp. sa probinsya at laging nasa labas.

Nagtrabaho dati sa Lawa ng Taal, kung saan binabadtrip ako ng hinaharap na sementado nang lahat ang mga baybayin. ‘Yun naman kasi ang kasalukuyang kaisipan natin ng pag-unlad. Binabadtrip ng mga duming dumadaloy sa mga ilog pero ‘yun din ang pinagkakakitaan at pagkain natin sa ngayon. Badtrip ang mga suro’t pukot na sumasakim sa mga tawilis at mas pinahihirap pa ang buhay ng mga mangingisda.

Mas nakakapangamba na kakaunti lang ang nababadtrip sa ganitong siste dahil iilan lang ang nasa usapin tungkol sa lawa. Karamihan sa iilang nakakasalamuha sa local conservation efforts ay kung hindi propesyunal ay matatanda. Pare-parehong mukha lang t’wing may usapin. Ilan sa mga nakitang dahilan kung bakit hindi kilala ng mga kabataan ang samu’t saring-buhay sa sariling komunidad ay dahil:

  1. wala namang local species sa schools
  2. nakatuon pa rin ang konsepto ng biodiversity sa kung alin ang smallest at largest na species,
  3. kulang sa knowledge products tungkol sa local biodiversity at conservation; at
  4. idagdag pa nating overworked na ang ating mga guro.

Badtrip lang pero working on this.

What is your change story?

Nakatanaw ang Sa Ngalan ng Lawa sa mga komunidad na umiiral kabahagi ng kalikasan. Na kung magkakaroon ng mga pagbabago sa planeta, pagbibihis-disenyo ng mga ekonomiya at pamumuhay, ay mas may kapangyarihan ang mga komunidad na magpasya’t makisali kung sana lang ay may mas malalim na kamalayan at pag-unawa sa kinabibilangang kaligiran.

Ang kadalasang malay sa mga usaping pangkalikasan ay ‘yung mga nasa middle-high income households at mga may pribilehiyo to access higher education at marami pa ring nasa kabilang bakod ng ecoliteracy. Lumalabas na luxury ‘yung pag-uusap tungkol sa “nature-nature” na nakatali sa pagiging ‘may kaya’ o kaya bohemian. Ayun ‘yung gusto naming trabahuhin.

What is systems change for you?

Tinitingnan ko ‘yung systems change na parang nasa isang malaki’t maingay na hapag. Maaaring masaya na’t nag-uumpisa na ang marami pero may sumusubok ng mga paraan para malaman kung sinong wala pa sa hapag, kung saan manggagaling ang susunod na ihahain at binibigyang-pansin ang iba pa nating mga gutom.

What is your systems action plan?

Alam mo ba na may tarsier sa sigarilyo? Kaya bakit hindi sa school! Susubukang ilagay ng Sa Ngalan ng Lawa ang ecoliteracy sa mga pampublikong paaralan at iba pang daluyan ng pagkatuto.

I think we should grow from Pandaca pygmea and tarsiers when teaching about biodiversity. Schools can teach that there are ‘natural worlds’ aside from what are greens.

Baka pwedeng mapag-aralan kung anong mas malapit na species and ecosystems. Sa kaso namin, ‘yung Lawa ng Taal kaya we want to start in schools around the greater protected area in Batangas.

Nagku-curate ako ngayon ng environmental education lessons na nasa loob ng existing STEM curriculum sa public schools na maaaring:

(1) i-upload sa online classrooms,
(2) i-print kung walang digital access.

Maliban sa schools, gusto rin naming umikot uli sa mga komunidad para sa ilang citizen science assignments.

How might we support the organization?

Huy, help!

  • may kakilala kayong public school STEM teachers in Batangas for pilot testing
  • kung may mga pag-aaral kayo sa Lake Taal, Pansipit River and other Batangas ecosystems, pakiusap pag-usapan natin kung paano hihimayin ang inyong mga akademikong papel
  • sponsor a school na puwedeng gabayan ng Sa Ngalan ng Lawa hanggang makaabot ang mga learning materials sa mga mag-aaral
  • makipag-ugnayan sa’min sa taalconservation@gmail.com

--

--

Benilde HiFi
Benilde HiFi

The Peter D. Garrucho Jr Innovations Institute is a community space and business incubator for social good in Benilde and beyond. Connect now fb.com/benildehifi