Pula
Mabubulabog ang tahimik at madasaling bayan ng Pula gawa ng isang karumaldumal na krimen.
Technical assessment: 2 stars
Moral assessment: 1 star
MTRCB rating : R-16
Netflix rating: 16+
CINEMA rating: V16
Tahimik at nakababagot ang Baranggay Pula. Madasalin ang mga tao at kuntento na sa paulit-ulit na mga gawain. Subalit sa likod ng tila walang buhay na pamumuhay ay maraming nakatagong lihim. May pakikiapid ni Magda (Julia Montes) kay Raymond (Reymar Santiago) ang sa hepe ng kapulisan. May karumaldumal na krimen na iniimbestiga sa pamumuno ni Master Sergeant Danilo Faraon (Coco Martin). Sa kalagitnaan ng mga samu’t saring kwento ng iba’t ibang tauhan, matutuklasan ang katauhan ng salarin. Sa mga sangkap na ito, hindi nakagugulat na mahantong sa isang madugong katapusan ang kwento — katapusang gigitla sa tahimik na bayan ng Pula.
Kung nasubukan mo nang dumalo sa isang salu-salo kung saan hindi nag-usap ang mga bisita tungkol sa kanilang mga iaambag na pagkain, mahihirapan kang pumili sa mga putaheng babagay ang lasa. Ganyan ang Pula ni Brillante Mendoza — malala pa sa isang kakatwang Chop Suey, ito ay isang handaang nakakataranta dahil hindi magkakabagay ang mga lasa ng mga pagkaing inihanda. Sa Pula, maraming nangyayari. Maraming tauhan. Tagpi-tagping mga eksena na wala namang kuneksyon sa bawat isa. Hindi ka tuloy magkaroon ng “amor” para sa mga tauhan o sa kwento.
Matabang ang pagkakahubog sa mga tauhan — walang lalim o motibasyon sa pagdedesisyon. May mga eksenang sumusulpot at hindi mo maikabit sa balangkas ng naratibo. Tila ba ang kwento ay nangyayari sa isipan ng direktor subalit hindi naitawid sa pelikula upang makasabay ang mga manunuod. Sayang tuloy ang husay ng pagganap ng ilang mga beteranong aktor gaya ni Elizabeth Oropesa at Lotlot de Leon. At kahit na nilagyan pa ng “twist” ang istorya, hindi pa rin sapat upang hangaan ito, pagkat ang direktor, si Brillante Mendoza, ay kilalang de-kalidad. bilang kauna-unahang Pilipino na nahirang na Best Director sa Cannes Film Festival noong 2009 para sa kanyang pelikulang Kinatay.
Sa kabilang dako, mahusay ang istilo ng cinematography. Dahil laging handheld ang camera, ramdam ng manunuod na siya’y nakiki-usyoso o naninilip pa nga, sa dramang nagaganap. Wasto ang pagkakakulay sa mga eksena at sumabay sa kalagayan ng buhay sa pamayanan. Halimbawa, ang pagkulimlim ng langit at ang pagdilim ng dagat ay nakadagdag sa hiwaga at pananabik sa kwento. Hindi nga lamang nakasapat ang teknikal na husay para masalo ang kakulangan sa naratibo.
Mukhang kulang ang pagkakaunawa ni Brillantes sa pananampalatayang Katoliko. Una, tinignan niya bilang panatisismo ang araw-araw na pagrorosaryo at pananalangin. Pinaghalo rin niya ang paniniwala sa kulam at pagiging relihiyoso. May isang eksena na “Ina ng Laging Saklolo” ang pangalan ng grotto pero “Our Lady of Lourdes” ang estatuwa. Maliit na bagay marahil pero ipinakikita nito na ginamit lamang ang simbolo ng pananampalataya para maging sinematiko ang eksena.
Sa dami ng mga tagpo ng mga nagdarasal, at may exorcism pa, mapapatanong ka kung kinukutya ba ni Mendoza ang pagiging relihiyoso. Halos lahat ng tahanan sa bayan ng Pula ay madasalin pero hindi naman ipinakikita ang magandang bunga ng panalangin sa buhay ng mga tao. Naroon ang makiapid, makipaglandian, at pumatay.
Hindi rin naman napanindigan ang konsepto ng pagiging vigilante dahil walang pagsisikap na resolbahin ang kaso o mabigyan ng katarungan ang krimen. Bagkus lalong naging karumaldumal ang krimen dahil (nang mahantad na kung sino ang salarin sa rape and murder case) nag-amok si Danilo, at pinagbababaril ang bawat makasalubong, mula sa loob ng presinto hanggang sa daan patungong sementeryo kung saan naman nagpakamatay siya sa paanan ng multo ng kanyang biktima. Dumaloy ang kanyang dugo sa puntod ng babae.
At naging pula, maladugo, ang tubig sa ilog — kaya ba “Pula” ang ipinangalan sa bayan? At “Pula” rin ang titulo ng kanyang pelikula? O dramang pa-epek lang ito? Eh ano ngayon? Sinasabi ba ng Pula na ang pagpapakamatay ay tanda ng pagsisisi? Na ang pagkitil sa sariling buhay ay hustisya na para sa nagawang krimen o kasalanan?
Di kaya sinubukan lang ni Mendoza na salaminin ang kalagayan ng isang bayang palatawag sa Diyos ngunit nadaig pa rin ng libog at karahasan? O baka naman ginagamit lang ang Pula para ibahin ang imahe ni Coco Martin? Nagsasawa na ba ang mga fans sa good cop image ni Martin, kaya bad cop naman, para tuloy ang ligaya sa takilya? — PMF
DIRECTOR: Brillante Mendoza; LEAD CAST: Coco Martin, Julia Montes, Raymart Santiago, Elizabeth Oropesa, Ina Alegre; PRODUCED BY: Krisma Fajardo; SCREENPLAY: Reynold Giba, Brillante Mendoza; CINEMATOGRAPHY: Freidric Macapagal; EDITING: Peter Arian Vito; PRODUCTION DESIGN: Dante Mendoza; MUSIC: Jake Abella; GENRE: Drama-Thriller; COUNTRY: Philippines; LANGUAGE: Filipino; DISTRIBUTED BY: Netflix; RUNNING TIME: minutes
The town of Pula is quiet and boring. People are devout and content with their repetitive activities. However, behind the seemingly lifeless existence lie many hidden secrets. There’s the clandestine affair between Magda (Julia Montes) and the chief of police Raymond (Reymar Santiago). There’s the rape and murder of a 16 year old girl, a heinous crime that is under investigation by Master Sergeant Danilo Faraon (Coco Martin). Then, among the fragmented stories of various characters, the identity of the girl’s killer is revealed. It is not surprising that with all these ingredients the story ends in a bloodbath that shatters the uneventful town of Pula.
At a potluck party where the menu is unplanned, guests would be hard put to choose which dishes would taste well together. Brillantes’ film is like that — it’s not just an odd chop suey, it’s a smorgasbord gone ugly because the flavors don’t match. There’s too much happening in Pula — so many characters and fragmented scenes with no connection between them. It’s difficult for a viewer to feel for the characters or connect with the story. The characters are flat and one-dimensional; there’s no depth or motivation in their decisions. There are scenes that appear out of nowhere and won’t fit into the narrative framework. It’s as if the story is happening in the director’s mind but isn’t translated into the film for the audience to follow. The excellent performances of the veteran actors Elizabeth Oropesa and Lotlot de Leon are wasted. Despite the twist injected into the story, Pula fails to impress, considering that its director is the first Filipino ever to catch a prestigious award at Cannes Film Festival (in 2009, for Kinatay).
On the other hand, the style of capturing is excellent. The handheld camera makes for a somewhat voyeuristic experience where viewers could feel like they’re eavesdropping on the drama. The coloring reflects the state of life in the community. Overcast skies, gray clouds and dark seas help create mystery and anticipation. However, the technical excellence wasn’t enough to compensate for the narrative shortcomings.
It seems Mendoza lacks knowledge of the Catholic faith. Firstly, he sees everyday praying and rosary recitation as fanaticism. He also mixes belief in witchcraft with religiosity. There’s a scene where the grotto is named “Ina ng Laging Saklolo” (Mother of Perpetual Help) but the statue is of Our Lady of Lourdes. It might be a small thing but it shows that symbols of faith were only used for cinematic effect.
With so much footage showing people praying — including an exorcism — one might wonder if Mendoza isn’t mocking religiousness. Almost every home in Pula is portrayed as prayerful but the supposed fruit of prayer is not reflected in the people’s lives. There’s adultery, an aborted foreplay, killing, and of course, the rape.
There’s also no commitment to the concept of being a vigilante because there’s no effort to solve the case or bring justice to the crime. Instead, the crime becomes more heinous because (when the identity of the rapist-killer is disclosed) Master Sergeant Danilo Faraon runs amok and guns down everyone he meets — first in the police station and then on his path to the cemetery where he fatally shoots himself at the feet of his victim’s ghost. His blood flows on her grave.
And the river water turns red, bloodlike — is this why Mendoza named the town “Pula”, and made “Pula” the title of his movie? Or is this just another dramatic trick? So what? Is Pula saying that suicide is a sign of repentance? That taking one’s own life is justice for the crime or sin?
Wasn’t Mendoza simply trying to mirror the state of a town that constantly calls upon God but is nonetheless defeated by lust and violence? Or was Pula simply intended as a vehicle to change the good cop image of Coco Martin? Are his fans getting weary of it, so let’s have a bad cop this time, and keep his ratings up?