The Day After Valentine’s

Tila nauuso na ngayon ang mga youth-oriented movies tungkol sa depression

Director: 
Jason Paul Laxamana
Lead Cast: 
Bela Padilla, JC Santos
Screenwriter: 
Jason Paul Laxamana
Producer: 
Vicente G. del Rosario III, Veronique del Rosario-Corpus
Editor: 
Mai Calapardo
Musical Director: 
Paulo Protacio
Cinematographer: 
Rommel Sales
Genre: 
Drama, Romance
Distributor: 
Viva Communications
Location: 
Philippines, Hawaii
Running Time: 
1 hr 48 min


Technical assessment: 3.0 ★★★✩✩
Moral assessment:
3.0★★★✩✩
CINEMA rating:
V13
MTRCB rating: PG

Elbow sleeves — pantakip sa mga laslas sa braso. Yan ang hanap ni Kai (JC Santos) kaya napunta siya sa tindahang binabantayan ni Lani (Bela Padilla) isang maulang hapon. Asar si Lani kasi magsasara na siya ng tindahan, pero mapilit si Kai. Doon sila magkakakilala. Depressed pala si Kai dahil iniwan sya ng girlfriend nya. Pinagtiyagaan ni Lani na tulungan si Kai na iproseso ang kanyang emosyon. Sumama pa si Lani kay Kai sa Hawaii bilang moral support sa pakikipag-ayos ni Kai sa kanyang pamilya. Kasi medyo nasira ang relasyon ni Kai sa kanila dahil pinili nyang magpaiwan dito sa Pilipinas para sa kanyang girlfriend (na ex na ngayon). Naayos naman at naka-move on na si Kai. Ang kaso, si Lani naman ang nahulog ang loob kay Kai at na-friend zone.

Sa Pista ng Pelikulang Pilipino, patok sa box office ang The Day After Valentine’s. Parehong magaling naman kasi ang mga bida. Si JC pala ay sanay sa theater. Si Bela naman, kayang magpalipat-lipat sa mga eksenang chill lang at heavy drama. Sentro rin sa istorya ang baybayin, yung alpabetong Tagalog. Ginagamit nila yun para isulat ang mga nasa isip (puede ring puso) nila. Kaya kung gusto mo ng crash course sa baybayin, panoorin mo ito. O kaya kung gusto mong mamasyal sa Hawaii at malaman ang mga Instagrammable places doon, dito mo makikita yun. Kung taga Marikina ka at gusto mong makita ang ganda ng riverbank bago umapaw ang ilog, andito rin yun. Meron nga lang mga eksenang medyo madilim at parang kapos ang lightingkaya ang hirap sabayan si Lani sa pag-wow niya sa mga tanawin. Meron ding mga butas ang istorya. Halimbawa, ilang araw nagbakasyon si Lani sa Hawaii pero di man lang sya naimbita ni Kai sa kanyang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. E di ba, tayong mga Pilipino, para tayong magnet ng kapwa-Pinoy pag nasa ibang bansa. Tuwang-tuwa tayong magsama-sama doon. Isa pa: naintindihan natin si Kai pero si Lani, sa bandang huli na lang ipapakita kung bakit siya wounded (super lupit pala sa kanya ang tatay niya). May suspense nga, pero ang hirap sa ganun, di mo masabayan ang pag-ikot ng karakter ni Lani kaya aasa ka na lang sa kilig at mga hugot lines nya. Tinapos na lang ang isyu sa pagdalaw ni Lani sa libingan ng mga magulang niya. Bitin. Ang ganda sanang i-develop pa ang istorya.

Pero maganda pa ring panoorin ito. Tila nauuso na ngayon ang mga youth-oriented movies tungkol sa depression. Okay yan, kasi kailangan talaga natin ang mental health awareness, lalo sa lumalaking insidente ng suicide sa mga kabataan na sabi nila ay may kinalaman sa mental illness. Kahit di sinabi sa pelikula ang What at Why ng depression, okay nang nasama sa script ang epekto ng pananakit sa sarili. Gustong-gusto rin natin ang mensahe ng pelikula: na kahit wounded pala tayo — o dahil sa wounded tayo — may magagawa tayo sa paghihilom ng sugat ng iba. Yung mga pinagdadaanan natin at saka yung mga pasang krus natin, yan ang nagpapalawak sa isip natin at saka nagpapalalim sa paniniwala natin na ang problema ay puedeng ikabig sa kabutihan pagkat sa hirap ay merong matututunan. — MOE


For more details on the scoring system, see Review Guidelines: How CINEMA does its work.
Like what you read? Give CInEMA a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.