The PH Summoners’ Guide to Hextech Crafting

Riot Spiffy
The Nexus
Published in
6 min readApr 26, 2016

Ano ang Hextech Crafting at Loot System? Ito ay isang bagong sistema kung saan lahat ng summoners sa PH server ay may pagkakataong makakuha ng mga Hextech Chests.

Ang mga Hextech Chests ay makukuha sa tatlong paraan:

  1. Una, kapag nakakuha ka ng Champion Mastery score na S, S- o S+ sa Normal, Ranked, o sa anumang Rotating Game Mode. Isang beses lamang ito magaganap sa bawat champion kada season. Halimbawa, nakakuha ka ng S+ gamit si Katarina sa Ranked, makakakuha ka ng isang chest. Hindi ka na ulit makakakuha ng chest mula kay Katarina hanggang sa susunod na season.
  2. Pangalawa, kapang ang ka-premade mo ay nakakuha ng S, S- o S+, makakakuha ka rin ng Hextech Chest. Halimbawa, nag-dynamic queue kayo ng kabarkada mo at nabuhat ka niya gamit ang S+ na Zed kahit C+ ka kay Soraka, makakakuha ka ng chest mula kay Soraka. Hindi na ka na ulit makakakuha ng chest gamit si Soraka kahit maka S+ ka sa susunod mong laro.
  3. Pangatlo, available na mabili ang mga chest sa store gamit ang RP.Note!

Hindi ka makakakuha ng chests kapag hindi mo pa na-uunclock ang gamit mong champion. Kung maka S+ ka gamit ang isang Free Champion of the Week o galing sa Rental, hindi ka makakatanggap ng free chest.

Gets ba so far? Ok good!

Ilang Hextech Chests ang pwede kong makuha?

Hanggang apat (4) na chests lamang ang pwede mong mahawakan. May cooldown na 7 days ang bawat isang chest.

Pero, ang mga chest na nanggaling sa store na binili gamit ang RP ay hindi kasama sa limit na ito. Hanggang 25 chests ang pwedeng mabili sa Store sa isang araw.

Ok! Get’s ko na paano makakuha, pero paano ko bubuksan?

Hextech Keys

Si Spiffy ang pinakapogi sa buong Riot.

Ang mga Hextech Key ang kailangan mo para mabuksan ang mga chests. Paano makakuha ng key, tanong mo siguro. Well, may dalawang paraan.

  1. Una, may chance na mag drop ang Hextech Keys Fragments sa bawat Victory mo, sa kahit anong game mode, kasali ang Twisted Treeline pati na ang ARAM! Mas mataas ang drop rate ng key fragments kapag premade kayo (team of 3–5).

Tatlong (3) Hextech Key Fragments = 1 Hextech Key

2. Maaari ring makabili ng Hextech Key sa Store gamit ang RP.

Ang chance na makakuha ng Key Fragments ay dahan-dahang bumababa habang parami ng parami ang iyong nakukuha. Mag-rereset ang drop rate nito 30-days matapos ang araw na mapulot mo ang una mong key fragment.

Naiintindihan ko na! So ano yung laman ng chests?

Laman ng Chests

May apat na bagay ang maaaring laman ng mga Hextech Chest: Shards, Essence, Gems, at Summoner Icons

Shard

Ang shard ay mga bagay na gagamitin mo para ma-unlock ang isang permanent na champion o skin. Maaaring Champion Shard, Skin Shard, o Ward Shard. For example, ito ay isang Akali Champion Shard.

Akali Champion Shard

May apat na bagay na pwede mong gawin gamit ang shards:

  1. UPGRADE — Pwede mong gawing permanent ang Akali champion shard na ito. May bayad na Essence ang bawat Upgrade. (More information about essence sa baba.)
  2. ACTIVATE — Pwede mong gamitin agad si Akali kung hindi mo pa siya nabibili for 7 days as rental. Mawawala ang shard na ito sa bawat activate. Hindi kailangan magbayad ng Essence para dito.

3. DISENCHANT — Pwede mo ring gawing Essence ang mga shard na ayaw mong i-upgrade o activate. Halimbawa, nakakuha ka ng DJ Sona Skin Shard (swerte mo!), kailangan mong magipon ng Essence para maunlock ito! n

4. REROLL — Pwede kang mag-combine ng 3 champion shards para makakuha ng isang random permanent champion or skin. Tandaan, kailangan same type ang 3 shard na pagsasamasamahin mo.

3 Champion Shards = 1 Random Permanent Champion

3 Skin Shards = 1 Random Permanent Skin

3 Ward Shard = 1 Random Permanent Ward Skin

Infernal Alistar Skin Shard

Mayroon ding Skin Shards and Ward Shards na pareho lang ang pwede mong gawin kagaya ng Champion Shards. Lahat ng skin na hindi limited edition at event exclusive skins.

Oo, lahat, pati legendary at legacy skins ay kasama dito.

Hindi mo ma-upgrade to permanent ang mga skins para sa champions na hindi mo pa nabibili o nauunlock.

Get’s nyo pa? Alright!

ESSENCE

Ang essence ay gamit para ma-UPGRADE ang mga shard. Depende sa anong klase ng shard ang gusto mong i-Upgrade ang klase ng essence na kailangan mo.

Note: Mas maraming essence ang kailangan mo depende sa presyo ng champion o skin sa store. Halimbawa, mas maraming Orange Essence ang kailangan para ma-Upgrade ang Mecha Zero Sion Skin Shard kaysa sa Arctic Ops Kennen Skin Shard.

Blue Essence for Champion Shards only | Orange Essence for Cosmetic Shards (Skins and Wards)

RARE GEMS

Ito ang pinaka-rare na makukuha mo sa chests. Minsan, may chance na may Gems na lumabas sa Hextech Chests kasama ang iba pang shard or essence.

Rare gems are truly, truly, truly, outrageous!

Para saan ang gems na ito?

1 Rare Gem = 1 Free Hextech Bundle (Chest and Key!)

10 Gems = Hextech Annie

Only way to get this skin is by buying it using 10 Rare Gems or crafting it from the Hextech Annie Skin Shard.

Lahat ng summoners ay makakatanggap ng libreng Hextech Crafting goodies pag naglaunch na ang Hextech Crafting system sa LoL PH!

More Questions!

Makakakuha pa ba ako ng mga Champion/Skin Shard ng mga champion at skin na meron na ako?

Dahil random ito, oo, may chance na makakuha ka ng shards na meron ka na. Best way to deal with it is to REROLL or DISENCHANT para magipon ng essence.

Paano yung mga bagong skins na kaka-release pa lang?

Basta nasa store na, pwede mo na silang makuha as shard sa chests.

Bakit wala akong nakukuhang chest?

  1. Baka hindi mo pa nabili ang gamit mong champion kahit S+ ka.
  2. Baka nakakuha ka na ng chest gamit ang champion mo. Tandaan, isang beses lang magbibigay ng chest ang bawat champion per season! Play different champions!
  3. May cooldown ang mga chest kung kailan sila pwedeng makuha. Kailangan mong magintay na ma-open ulit ang slots. Hindi counted dito ang mga biniling chest galing sa store.

4. Walang chest na matatanggap ang AFK at Leavers.

5. Walang matatanggap na chest ang mga napatawan ng chat restrict, bans, at iba pang punishment. Kahit matapos na ang chat restrict, hindi pa rin maaring makatanggap ng chests ang mga na-punish hanggat walang pagbabago sa player behavior.

Kailan ang Hextech Crafting sa Pilipinas?

Malamang ito na ang pinakahihintay mong sagot…

..sa tamang panahon.

Joke lang. Naka-schedule ang Hextech Crafting sa Pilipinas sa mga darating na araw, most likely next week. (Na-move ang launch dahil sa ilang mga tech issue). Important note — maaari pa ring mabago ang date na ito kung magkaroon ng issue sa ating launch . Huwag kayong magalit please kapag na-delay, ibig sabihin lang na gusto naming plantsado ang lahat bago ito i-release para sa inyo! Ok ba?! Oray! /fistbump

  • Riot Spiffy

For more information on Hextech Crafting and other official Riot updates (or kung gusto mo lang makipagkwentuhan), follow me on my Facebook page here: https://www.facebook.com/Riot-Spiffy-1108254362525113/

--

--

Riot Spiffy
The Nexus

Community Coordinator - Philippines. Opinions are my own.