hindi tayo magkakilala by nineight.
maraming araw na nag-iisa ako
hawak ang panalangin na sana
makilala ko na ang para sa akin
hindi man ako namamadali,
ngunit may hindi ako maiwasan.
sa hindi inaasahang oras,
ika’y dumadaan sa harap ko
di man tayo magkakilala
lagi tayo pinagtatagpo,
lagi tayo nagkikita.
apat na taon na nagkakaganito,
puso’t isip ko’y naguguluhan
minsan hinahanap pala kita,
ngunit wala naman dahilan o baka tinatabuyan ko lamang.
nagkataon nga lang ba?
o siya na nga ba?
ang mga tanong na hindi masagot
ang mga tanong na hindi klaro
ay umaasa na masagot mo.
ngayon ay malapit na kong lumisan
sana sa isang araw na magkita tayo
humakbang ka patungo sakin,
kilalanin ang isa’t isa
at makita kung saan ito papunta.