Kalendaryo by Alvien Duque
Nagbago na ang lahat,
tila nakalimutan na
ang mga salitang ikinalat.
Mga pangakong binitawan
naligaw na’t nilisan.
Mga kuwento’t biruan
tuluyan ng napag-iwanan.
Ating mga ala-ala’y lumipas,
parang mga pahina
ng kalendaryo na pinilas,
tayo din ay kukupas.
Ngunit kahit mga pahina’y nagpalit,
mga numero at letra ay umuulit,
nag-iiba ng pwesto ngunit hindi nagbabago.
Kaya hanggang ngayon
ay umaasa ako na manubalik
yung dating tayo kasi
sa totoo lang ang sarap
mo magkuwento.
Hindi ka nakakasawang pakinggan
dahil para bang ang kausap ko
ay sarili ko lang, madaldal, makulit,
maloko, at masungit.
Gusto lang talaga kita
makausap ulit.