mga kulay sa buhay ko ni AJ Perez
Published in
1 min readApr 3, 2019
kulay dilaw ang araw,
nakangiti sa aking pagbangon
kulay puti ang damit,
niyakap habang nagsusumikap
kulay asul ang ulap,
kumakaway kapag ako’y pagod
kulay berde ang mga puno,
nakatayo sa aking tabi at nakikinig
kulay pula ang marka,
sumisigaw sa aking pagtatapos
mga kulay na ito,
nakatingin hanggang sa aking pagkislap
mga kulay na ito,
mananatili hanggang sa aking paglisan.