Pangako sa Aking Ina by Audric B. Vitangcol
Sep 1, 2018 · 1 min read
Dinig ko siya kagabi
Ang aking Inang humihikbi.
Malalim ang hininga,
Di ko mawari ang problema.
Ramdam ko ang pagkalumbay,
Sa kanyang mga matang matamlay.
O aking mahal na Ina,
Dahila’y ano nga ba?
Polusyon sa lansangan,
Walang pakundangan.
Korapsyon sa gobyerno,
Kagubatang puro kalbo.
Tahan na aking Inang Bayan,
Pangako ko’y iyong pakinggan.
Mag aaral akong mabuti,
Para iahon ka pag ako na’y lumaki.

