Repleksyon by Janara Jaducana
Patapos na naman ang isang taon,
Nagamit mo na ba ang lahat ng pagkakataon?
Nagawa mo na ba ang lahat ng gusto mong gawin?
Malapit mo na bang matamo ang matamis mong pangarap?
Nakatulong ba ang mga natutunan mo?
Handa ka na ba para sa hinaharap mo?
Nakagawa ka na ba ng mga kaibigan?
O kaya naman ay sinunggaban mo ang pagkakataon para matuloy ito sa
pagkaka-ibigan?
Sumali ka ba mga gawaing makakatulong sa iyong abilidad?
O baka naman ay tinuon mo ang ang mga nakalipas na panahon
para sa akademikong pakikipagtustusan?
Wag sayangin ang pagkaktaon, mga nalalabing araw sa klase.
Namnamin ang mga oras na kayo ay magkakasama pa.
Mga araw na kayo ay may oras pa para sa isa’t-isa.