Tawag ng Tanghalan sa Vermosa

Rain Hizon
CopoDLSZ
Published in
3 min readSep 4, 2017
Kaliwa-Kanan: Inna Esteban (Batch 2019, A&D), Bea Bonafe (Batch 2019, HUMSS), Kris Gonzales (Batch 2019, ABM), Sophia de Vera (Batch 2019, STEM)

Nagsama-sama ang Baitang 11 at 12 sa bulwagan ng Spark noong Agosto 31 upang manood at suportahan ang mga kanilang kamag-aral sa “Tawag ng Tanghalan sa Vermosa,” isang pantimpalak sa kantahan nong Buwan ng Wika 2017.

Pinarangalan si Kris Gonzales (Batch 2019, ABM) bilang kampeon ng paligsahan dahil sa kanyang mahusay na pag-awit ng Opera at Kundiman. Ang pangalawang puwesto naman ay nakamit ni Gng. Vanneza Aurelio na sinundan ni Luis Lucero (Batch 2018, STEM) para sa pangatlong puwesto. Ang pang-apat na parangal ay ibinigay kay Sophia de Vera (Batch 2019, STEM).

Kaliwa-Kanan: Kris Gonzales (Batch 2019, ABM), Luis Lucero (Batch 2018, STEM), Gng. Vanneza Aurelio (Guro ng G11), Sophia de Vera (Batch 2019, STEM)

Ang mga naging punong-abala ng buong programa ay sina G. Mark Vergara at Bb. Joanne Almeria. Binasa ni G. Henry Mangahis ang mekaniks ng patimpalak at sinundan ito ng pagkilala ni Gng. Jenny Buenaventura sa mga hukom na sina Bb. Catherine “Kate” Rañola, Bb. Racquel Belostrino, at ang punong hurado na si Bb. Agnes Panaligan.

Ang mga sumusunod ay ang mga lumahok sa paligsahan:

  • Sophia de Vera (Batch 2019, STEM)
  • Kris Gonzales (Batch 2019, ABM)
  • Bea Bonafe (Batch 2019, HUMSS)
  • Inna Esteban (Batch 2019, A&D)
  • Luis Lucero (Batch 2018, STEM)
  • Stefhie Laurel (Batch 2018, STEM)
  • Regina Velasco (Batch 2018, ABM)
  • Aisha Quiambao (Batch 2018, HUMSS)
  • Gng. Vanneza Aurelio (Guro ng G11)
  • Bb. Niña Gavan (Guro ng G12)
  • G. Edwin Lunay (Kagawaran ng Seguridad)
Kaliwa-Kanan: Bea Bonafe (Batch 2019, HUMSS), Inna Esteban (Batch 2019, A&D), Stefhie Laurel (Batch 2018, STEM), Bb. Niña Gavan (Guro ng G12), G. Edwin Lunay (Kagawaran ng Seguridad)

Pagkatapos ng tagisan ng husay sa pag-awit, iginawad ni G. Henry Mangahis ang munting patunay ng pasasalamat sa mga hukom sa pagbibigay ng kanilang oras upang husgahan ang paligsahan. Pinasalamatan din niya ang mga mag-aaral na sina Chelsea Baradas, Miguel Calpito, at Lianna Cabigas mula sa Baitang 12 para sa mga ginawa nilang mga bidyo para sa paligsahan.

Muling pagbabati sa lahat ng mga lumahok sa patimpalak!

Tungkol sa may-akda: Si Rain Hizon ay ang Sports Editor ng Counterpoint. Siya ay naging miyembro ng publikasyon noong siya ay nasa Baitang 9 at naging editor nito simula noong A.Y. 2016–2017. Sa kasalukuyan, siya ay isang estudyante ng Baitang 11 sa De La Salle Zobel na kumukuha ng kursong Humanities and Social Sciences.

--

--