How BOS is the Secret Weapon for every Web3 Developer?

Rod A.
Davao DeFi Community
5 min readAug 15, 2023

Sa nakaraang dekada, mabilis na nag-unlad ang “space” ng blockchain, at sa mga nakaraang taon, hindi maikakaila na ang paglago nito ay umabot sa mga antas na hindi pa nararanasan noon. Naging saksi tayo sa paglitaw ng daan-daang mga cryptocurrency, at daan-daang magkakaibang mga blockchain na may libu-libong decentralized na mga aplikasyon na nai-develop. Bagamat ang teknolohiyang hatid ng blockchain ay solusyon sa marami sa mga problemang kinaharap natin sa larangan ng digital, hindi itinatanggi na may mga bagong problemang kinaharap dito. Isa sa mga ito ay ang “interoperability” sa pagitan ng mga blockchain.

Ano ang ibig sabihin nito?
Kung maglalabas ka ng isang App sa internet, ang partikular na App ay magiging available sa lahat ng mga gumagamit na may access sa internet. Ngunit kapag ginawa mo ito sa blockchain, ang decentralized na aplikasyon ay magiging available lamang sa mga gumagamit ng partikular na blockchain kung saan ginawa ang platform nito. Habang layunin natin ang malawakang pagtanggap sa mundo ng Web3, ito ay isang malaking problema. Subalit sa NEAR, tinitingnan ang mga problemang ito bilang mga bahagi sa hamon, bawat isa ay hinahanap ang tamang solusyon. Ang pangalan ng solusyong ito ay tinawag na Blockchain Operating System (BOS). Makikita sa https://near.org/.

Blockchain Operating System (BOS)
Sa simula sa taong 2023, inanunsyo ng NEAR ang BOS, isang kategoryang kakaiba na nagpapakita ng isang pangkaraniwang layer para sa pag-browse at pagtuklas ng mga bukas na kakayahan sa web na kayang mag-ugnay sa iba’t ibang mga blockchain. Bilang isang Operating System para sa Open Web. Ang natatanging solusyong ito ay nagpapadali ng pag-access at pag-navigate sa Web3 para sa mga user at mga developer, maging kayo man ay bago sa Web3 at gustong mag-explore, o mga developer na nagnanais magtayo ng isang bukas na web. At ang BOS ay may dalang “bundle” na solusyon. Halina at ating tuklasin.

Ang BOS ay nagbibigay kapangyarihan sa mga developer na magtayo ng mga solusyon na ilulunsad sa isang space na mayroonng exsisting na user base, isang mas madaling gamitin at pamilyar na SDK na mas murang gamitin — gamit ang JavaScript Code. Upang gawing mabilis at madali ang pag-develop ng mga Web3 na aplikasyon, iniaalok ng BOS ang isang malawak na set ng mga kagamitan at kakayahan upang mapabilis ang simula ng mga developer. Mayroon ding mga reusable na open-source na mga component o repositories na maaring i-customize ng mga developer para sa kanilang mga pangangailangan at mailunsad ng diretso sa BOS, nang hindi na umaalis pa sa platform. Narito ang mas malalim na pagsusuri sa isa sa mga ganitong feature na nagpapakita ng potensyal ng BOS — ang pagtuklas at pag-customize ng mga component.

Sa platform gamit ang BOS, nagagaamit ng mga developer ang pag-access sa ibat-ibang toolkit na naglalaman ng kakayahan na tukuyin, baguhin, at gamitin ang mga components, applications, at gateways. Upang mas maintindihan, isa sa halibawa ay ang Components Option na nasa lawaran — isang mahalagang aspeto ng kakayahan ng BOS. Kung ikaw ay isang developer na naghahanap na maisama ang component sa iyong project. Sa tulong ng BOS, maari mong maayos na ma-explore ang malawak na “listing” nang mga component. Kasama dito ang detalyadong impormasyon tungkol sa bawat component, tulad ng source code nito at mga properties, at ang opsyon na makita ang component at kung paano gagamitin. Sa pamamagitan ng seksyon ng “View Details” ng isang component, maaring ma-access ang mga detalye nito sa pamamagitan ng tab na “Source.” Ito ay makakatulong kung paano gumagana ang component at kung paano ito nagtutugma sa mga kinakailangan ng iyong web3 project.

Subalit hindi ito ang lahat — isinusulong ng BOS ang pag-customize. Kung nais mong baguhin ang isang component upang maging naaayon ito sa iyong pangangailangan, ang option na “Fork” ay maaari mong gamitin. Kapag ikaw ay nag “Fork,” makakahanap ng komprehensibong compiler na magiging access upang baguhin ang original na code, at isang render preview na nagbibigay ng real-time na visual na representasyon kung ano lalabas ang iyong ginustomang component sa ecosystem ng BOS.

Ang malakas na suite ng mga feature na nakatuon sa mga developer ng BOS, tulad ng pagtuklas at pag-customize ng mga componente, hindi lamang nagpapabilis sa proseso ng pag-develop kundi nagpapalaganap din ng innovation at collaboration sa loob ng Web3.

May mahabang listahan ng mga benepisyo para sa mga gumagamit ng BOS. Isa sa mga tumututok ay ang pagkakaroon ng kakayahan sa pagtuklas at pag-access. Sa tulong ng FastAuth, inaalok ng BOS ang isang madaling paraan na makapasok sa Web3, gaya ng sa Web2. Sa unang pagkakataon, ang mga user ay maaring magkaruon ng free account gamit ang biometrics, phone prompts, at kahit email address! Imbis na tandaan ang mahahabang seed phrase, ito ay naging isang mas mainam na paraan kung saan ang mga users ay maaaring mag-interact sa mga decentralized application na kaalintulad lamang karanasang sa Web2 na halos alam na ng karamihan. At di na kailangan may laman na Crypto upang magin active ito, katulad lamang ng isang account. Isang pangitain na gawing mas madali ang space. Gayundin, isa pang magandang bagay na inaalok ng BOS ay ang pagtuklas, kung saan maaaring mag-browse ang mga users para sa ibang mga users, component, o application direkta sa BOS. Nakakamit din ang aspeto ng social ng Web2 sa pamamagitan ng NEAR.Social, kung saan ang mga gumagamit ay maaring mag-connect, mag-post ng content, at makipag-ugnayan dito.

Ang pagtuklas sa blockchain space, na may magandang experience para sa mga developer, at madaling paraan ng pagtanggap para sa mga users sa Web3. Sa lahat ng ito, ang BOS ay nagiging ang “perfect place” sa anumang negosyo. Kahit lamang subukan ang Web3, ang BOS ay ang tamang lugar upang magkaruon at mag-alok ng isang pamilyar na karanasan sa mga gumagamit na nag-eexploit ng kapangyarihan ng blockchain. Ang pinakamahusay ng Web2 at Web3 ay pinagsama sa isang platform na nag-aalok ng karagdagang layer ng security, decentralized, scalability, at interoperability ng blockchain.

Magtulungan Tayo!
Kung ikaw ay isang developer ng Web3, tagapagtatag, o isa lamang na may magandang ideya na maaaring ma-develop sa Blockchain Operating System, magtulungan tayo.

--

--

Rod A.
Davao DeFi Community

Tech Generalist| EA Specialist| Community Manager| Social Media Manager| Traveler Economist| Graphic Designer| Copywriter| Data Analyst | Blockchain Enthusiast|