Dear Kuya EDI: Homesickness

Dear Kuya EDI,

Ako po si Ryan, isa sa mga napaalis ninyo papuntang Saudi Arabia. Okay naman ako dito. Masaya ako sa aking employer at nag-eenjoy sa aking trabaho kaya lang minsan ay hindi ko mapigilan ang ma-home sick at ma-miss ang aking pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Minsan ay naiisip ko nang umuwi sa Pilipinas pero alam kong kailangan ko mag-sakripisyo para mabigyan nang mabuting buhay ang aking pamilya.

Meron po ba kayong maipapayo sa akin kung paano ko maiiwasan ang homesickness?

Maraming salamat po!

Nagmamahal,

Mr. Homesick

******************************************

Hi Ryan,

Salamat sa iyong pagsusulat sa amin. Naiintindihan ko ang iyong sitwasyon. Ang homesickness ay normal na nararanasan ng mga OFW na katulad mo. Mabigat ito na kalaban — ang mamiss ang ating mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas, lalung lalo kung first time OFW ka.

Naisin man makasama lagi ang ating mga pamilya ay kailangan mag sakripisyo at magtrabaho abroad para mabigyan sila nang mas magandang bukas. Alam mo na gusto mo at ito ay makatulong sa pamilya mo.

I really admire you!

Ito ang ilan sa mga pwede mong gawin para malabanan ang homesickness.

1. Magpakabusy. Ibuhos mo ang atensyon mo sa trabaho. Sa ganitong paraan, ang pamilya mo ay naging inspirasyon pa para maging masipag.

2. Sumali sa mga Filipino Community at maki-salamuha sa mga kapwa mo Pinoy. Mayroong halos 300,000 Pinoy sa Saudi Arabia at maari mo silang makakilala sa pamamagitan ng social media apps tulad ng IMO, Whatsapp, or FB.

3. Mag-exercise o maghanap ng sports activities.

4. Maging turista — tuklasin ang mga magagandang tanawin o lugar kung saan maaari kang matuto ng bagong kaalaman.

5. Subukan ang iba’t ibang mga pagkain, magluto at magkipagsalu-salo.

Punuin mo nang aktibidad ang iyong oras. Ang homesickness ay mahirap lang naman sa umpisa. Kapag nagtagal ka ng nagtratrabaho abroad ay masasanay ka na rin at matutuhang mamuhay na isang OFW, bagong bayani.

Sana ay nakatulong ako sa iyong suliranin.

Nagpapayo,

Kuya EDI

Para sa mga payo ukol sa pagiging Overseas Filipino Worker, sumulat lamang kay Kuya EDI.

******

For international job openings, please visit EDI-Staffbuilders International.

Please also visit and join the John Clements Talent Community.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.