Stories by Angel Collado on Medium
Love is a universal feeling, but everyone views it differently. Some see it as an emotional obligation, so they try their best to stay out of it. While the others think it is the most precious thing to possibly ever exist. Love comes in multiple forms and Bagay Tayo showcases the love between two unrelated people, perhaps, a romantic one. For me, this form of love remains to be a foreign concept, so reading Jerry Gracio’s Bagay Tayo was very fun. His stories were neither too deep nor too shallow. It unveils Gracio’s experience with love which, to be frank, I found quite interesting and strange at the same time.
With the first excerpt, Gracio starts by quoting Shakespeare, “Whoever loves, loves at first sight.” He says he used to not believe in such a thing, but his fate takes an interesting twist when he meets Pitbull. In this excerpt, he analogizes getting to know Pitbull to puzzle making. This is where I started finding the “love” involved in this story a bit odd. To me, the way Gracio falls for Pitbull seems like a pity party. But who am I to butt in and change how he sees Pitbull? Anyway, he finds out the reason why Pitbull showed up that night at the run-down theater, and just like that, piece by piece, their love story starts falling into place. The analogy is a brilliant choice to show what is love for him. The puzzle gets completed as they get to know each other and these little stories they share become the foundation to not lose their connection with each other.
This perspective of love continues to the second excerpt. Gracio shares more about Pitbull. He narrates the reason why Pitbull is a stow-away, what went wrong at home, why was he treated like that, and a whole lot more. Gracio admits he fell in love with Pitbull the night he found out about why he ran away from home. And I’m glad he is aware that he is somewhat being held captive by Pitbull’s story. But then again, for him, love is like that. Those stories make you fall in love with the storyteller. Those stories make you stay.
The last excerpt we were told to read is one big illustration of how Raymond becomes Pitbull. Raymond is Pitbull’s real name and, of course, as couples they have endearments, but it was Gracio’s brother who started to use Pitbull to address Raymond. His family doesn’t like Raymond at all, especially knowing that Raymond is nothing like Gracio’s exes. Gracio then makes a quick rundown of his exes and how they were all like. Compared to Pitbull, most of them, according to Gracia, are good-looking and rich. Pitbull, unlike his exes, is unkempt, very average when it comes to looks, and not well-off. This comparison conveys that it’s Pitbull’s sad origin story that Gracio truly admired about him. Gracio includes him being domesticated by Raymond which is why his brother started calling him Pitbull. Raymond possesses some traits of a pit bull. Naturally, pit bulls are not inherently aggressive, but when provoked, they become aggressive. This situation is perfectly embodied when Gracio shares a big fight they had. He accidentally calls Raymond Pitbull which triggers him. Raymond leaves their home but eventually comes back. As expected, Gracio welcomes him with open arms. Just like a pit bull, Raymond is back to being gentle when Gracio tames him down.
After reading Bagay Tayo, I said “Bagay nga sila.” I might not be fond of some things that they do as a couple, but Gracio tells his stories in a way that makes me think that everything they have done together is reasonable and right. The romantic love that is going on between Gracio and Pitbull is clearly shown in the illustrations done by Gracio himself. Pitbull was nothing like the rest and his story, which has already intertwined with Gracio’s, keeps their relationship going. Spending thirteen years with a person who you cherish is a long journey. It takes twists and turns. It will not always be a smooth ride, but love is what keeps them going. And even if it were nothing like “love at first sight”, their love is truly special and only them can testify.
Looking at the dried flowers that sit still on top of my table is just like keeping a time capsule. When my eyes lay on them, the present version of me feels an itch at the back of my head reminding me of my whereabouts on that special day I received them.
Its musty scent takes me back to when I cried because, finally, I made up with an old friend. I can clearly recall the joy I must have felt when I saw her outside my house. Rubbed my eyes quite more times than I should as I thought I was still dreaming, walking in dreamland. It was a day I never imagined would come.
Just like how I remember the flowers’ original arrangement, the faces of the children at the orphanage I reached out to linger in my mind. I originally planned to celebrate my birthday with my small group of friends, but I have always wanted to help a nearby orphanage. So we went there, holding big buckets of Jollibee and a good amount of grocery that hopefully lasted them for a long while. Their smiles were all hidden under the mask, but their eyes sparked joy.
The bright pigment color of the flowers will fade just like how the memories of my 18th birthday will too. The pink balloons, the savory dishes, the ginormous cake. But for now, its remaining glamour will rewind me of how grateful I was to have been able to celebrate life together with the people I cherish.
Mga banat ang mapapansin na tumulong na padaluyin ang mga akda ni RJ Ledesma at Bob Ong. Marahil ay kinalakihan na nating mga Pilipino ang ganitong istilo ng kwela, yung tipong mga hirit na babasag sa kalagitnaan ng isang seryosong usapan. Sa mga palabas sa telebisyon ay matagal itong naging uso. Dahil dito, ako ay na-enganyo magbasa kahit hindi ko personal na naranasan ang kanilang mga ibinahaging kwento.
Sa “I Do or I Die” ni RJ Ledesma ay mababasa ang kanyang karanasan patungo sa buhay may asawa. Ibinahagi niya ang bawat hakbang na tinahak nilang mag-asawa upang marating ang kanilang kinaroroonan. Malinaw niya itong ikinuwento sa pamamagitan ng chronological structure.
Sa kanyang pagsasalaysay ay maiinggit ang sino mang magbabasa. Hihiling na makita na rin nila ang tamang tao na magiging kasama nila hanggang pagtanda. Tunay na kikiliti sa mga damdamin ng tao ang pag-iibigan ni Ledesma at ng kanyang irog. Kahit hindi ka mahilig sa mga romantikong bagay ay mararamdaman mo ang mga paro-paro na pumalibot sa mag-asawa mula sa kanilang engagement hanggang kasal. Sila pa ang magkasintahan na mapapanood mo sa mga pelikula kung saan ang isa sa kanila ay bibo at hindi ganoon iniisip ang pag-aaral tapos ang isa naman ay mahilig magsunog ng kilay at matapang.
Ngunit hinding-hindi mawawala ang mga taong hindi pa rin nanaising magpakasal kahit anong kilig ang kanilang naramdaman habang nagbabasa. Kahit na napakagaan ng mood ng buong akda dahil sa kilig na dala nito ay makikita pa rin ang ilang downside ng pagpapakasal. Isa na lamang ang gastusin na kailangang isipin. At dahil nga nais ng mga tao na espesyal ang bawat sandali, ito ay pinagpaplanuhang mabuti. Kung saan ka luluhod, kung ano ang iyong gimik bago lumuhod, kung ano ang itsura ng singsing. Iba pang usapan ang totoong kasal. Kahit na anong liit o laki ng seremonya ay maglalabas ka ng pera. Banggitin na rin natin ang mga kamag-anak ng iyong mapapangasawa. Tila ba sila ang gagastos nang pagkalaki kung makasabat sa mga plano niyo sa hinaharap.
Lahat ng ito ay parang balewala lamang sa kuwento. Marahil ito ang sinasabi ng karamihan, “Para sa ngalan ng pag-ibig.” Ang kilig ay patindi nang patinda sa pagdating ng kanilang kasal at lahat ng ‘di kanais-nais na bagay ay makakalimutan mo na. Saktong-sakto ang timpla na ginawa ni Ledesma ng kilig at kuwento. Kabaligtaran naman ang makikita sa akda ni Bob Ong na “Stainless Longganisa”. Para sa akin ay mas pansin ang mga banat o mas tamang tawagin na pamimilisopo ni Ong sa kanyang akda. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa rin masyadong ma-digest ang nais niyang iparating sa excerpt na aking binasa.
Hindi gaya ng akda ni Ledesma, ang akda ni Ong ay magulo at hindi sunod-sunod ang pagkakasalaysay. Ito ang tinatawag nilang mosaic structure. Marami iba’t ibang naratibo ang kanyang pinagdugtong upang buoin ang isang malaking larawan sa kanyang isip. Mapapansin ang pagbanggit niya ng deodorant, computer, IQ at marami pang iba. Sa dami niyang kwentong nabanggit, maaaring naging dahilan na rin ito para malito ang kanyang mga mangbabasa at isa na ako sa mga ito.
Sa excerpt na binasa ay makikita halos na parang kabinet na gawa sa salamin ang humor ni Ong. Halimbawa na lamang nang binanggit niya ang iba’t ibang IQ scores ng mga sikat na propesyon at isiningit niya na “At mga tagasubaybay ni Bob Ong, 152…pero idi-divide pa yan sa kanilang lahat.” Meron ding pagkakataon na gagamit siya ng self-diss kagaya ng kanyang sinabi ni “isang porsyento lang daw kami na may IQ na higit 135, at isa na naman ay sinungaling pa.” Ganito ang naging paraan ni Ong para ipakilala ang kanyang sarili bilang isang manunulat at kanyang istilo ng pagsusulat. Bilang isang ABM student, naging interesado akong maigi sa kanyang diskuro sa halaga ng kanyang mga libro. Bihira na siguro sa modernong panahon na pinaghaharian ng mga mukhang pera ang isang katulad niya. Ang tinuturing lamang niyang komoditi ay ang kanyang pagsusulat at hindi ang kanyang buong pagkatao. Siguro isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita ng mukha sa publiko.
Hindi ko man ganoong na-enjoy ang humor ni Ong, isang dahilan siguro dito ang aming pagkakaiba ng edad, ay masasabi kong makabuluhan ang kanyang akda. Ang pagkakasulat niya ay kakaiba at angat sa ibang mga manunulat. Ang mga akda niya ay tunay na malikhain na nakatulong pang pagandahin at payamanin ang kanyang mga kuwentong pangkaraniwang tao.
Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng gamit ng komiko sa dalawang magkaibang akda. Si Ledesma ay ginamit ito sa paraang mapapadali ang kanyang mga mangbabasa na unawain ang kanyang sinulat. Sa kabilang dako naman, ginamit ni Ong ito upang mas gawing makabuluhan ang kanyang sinulat at ang kanyang mga mangbabasa ay mapapaisip nang malalim kung ano ba talaga ang nais niyang iparating. Tunay akong namangha sa abilidad ng mga manunulat sa parehong genre na gamitin ang komiko ngunit sa magkaibang paraan.
The whole class was being obnoxiously loud as if we were watching Tom and Jerry chase each other down the hallways. It was a total mess. Mrs. Sisduero couldn’t tame any of us down. “Does anyone here have a special talent you can show to the class?”
I raised my hand thinking I could pull my own Camp Rock moment. I told the whole class I could sing. What happened next proved that there are things that are easier said than done. I started singing the only song I knew at that time. “Bahay kubo kahit munti…”
Kung tatanungin, hindi talaga ako mahilig magbasa. Maikli kasi ang aking attention span ko kaya hirap akong magbasa. Hindi rin kasi ganoon kalawak ang aking bokabularyo kaya hindi malaki ang aking tiwala sa sarili na maiintindihan ko nang lubos ang isang akda. Alam ko na ang babaw ng aking mga rason na nagmumukhang tamad lang talaga ako magbasa. Marahil isa lang talaga ako sa mga taong hindi nabiyayaan ng hilig sa pagbabasa. Ngunit masasabi ko na ang Animalia ni Wilfredo Pascual ay hindi nakakabagot basahin.
Ang Animalia ni Wilfredo Pascual ay binubuo ng napakarami niyang engkwentro sa mga hayop na ikinonekta niya sa kanyang buhay. Sa paraang ito, sinubukan niyang ipakita na ang buhay ng tao ay hindi gaanong nalalayo sa buhay ng mga hayop. Kahit nakakatuwang basahin ang kanyang akda dahil sino nga ba naman ang mag-aakalang halos pareho ng takbo ng buhay tayong mga hayop at tao ay hindi ko maitatangging nahirapan pa rin akong intindihan ang ilan sa kanyang mga karansan dahil kailanman ay hindi ko pa nararanasan ang mga bagay na ito sa aking buhay.
Natuwa ako na hindi masyadong ginamitan ng mabubulaklak na salita ni Pascual ang kanyang akda dahil nakatulong ito upang intindihan ang kanyang mga naratibo. Nagmistulang parang isang kaibigan lamang na nagkukwento ang dating ng kanyang sinulat na. Ngunit kahit ganto ito, naging obhektibo pa rin ang daloy ng kwento. Oo, siya ay nagsalaysay ng mga personal niyang karanasan ngunit hindi niya ito hinaluan ng matinding emosyon. Ibinahagi niya lang ang kanyang mga karanasan nang diretso at tapat.
Dahill siya nga ay nagkokonekta ng mga personal niyang karanasan, minarapat na lamang din niyang ginamitan ang akda ng First Person POV. Tila ba hinayaan tayong mga mangbabasa ni Pascual na tingnan ang kanyang talaarawan. Pagkatapos ay nagbahagi siya ng kanyang pananaw sa buhay na binase niya sa kanyang mga engkwentro sa mga hayop. Ngunit kahit ang layunin niya ay maipaghambing ang dalawang magkaibang bagay — ang hayop at ang katauhan — hindi tuwirang nakasaad ang nais niyang iparating. Inilahad niya ang ideya na nais niyang makita ng kanyang mga mambabasa ngunit binigay niya pa rin sa atin ang tungkuling palalimin ang pagkakaintindi dito.
Sa tulong ng kanyang mga karanasan ay tila ba ay napabilib ako na baka nga hindi talaga nagkakalayo ang buhay nating mga hayop at tao. Magkaiba tayo ng anyo at kalikasan ngunit isa pa rin tayo ng mundong ginagalawan. Sa tingin ko ay marahil ito ang dahilan kung bakit nagkakatugma ang ilan sa ating mga karanasan. Sa mga anekdotang ibinahagi ni Pascual ay kitang kita ang nakaraan na kanyang pinagdaanan, mula sa kanyang pagiging bata, binata at gurang. Sa bawat yugto ng kanyang buhay ay may bago siyang natutunan sa kanyang sarili o kaya naman panibagong pananaw na kabaligtaran ng kanyang nakasanayan.
Sinimulan niya ang kanyang akda sa mga paniki. Tulad ng mga ito, tayong lahat ay kailanman hindi matatahimik at mababaon na lamang sa limot. Lahat ng ating istorya ay may halaga tulad na lamang ng mga anekdotang isinaad ni Pascual. Sunod naman ay hinambing niya ang kanyang identidad sa isang transgendred tilapia. Sa parteng ito ng kanyang akda ay naipakita niya na tulad ng mga isdang ito, tayong mga tao ay humaharap din sa mga pagbabago na nakakatulong tukuyin ang ating mga sarili. Kasunod naman ang anekdotang kabilang ang mga insekto at elepante. Sa kanyang kwento, ang mga insekto ay lumalapit sa liwanag tulad na lamang niya na nabighani sa nakita niyang tanawin hangga’t hindi niya napansin nasa pagitan na pala siya ng panganib ng mga elepante. Paakyat pa lamang si Pascual ng rurok ng nakakasilaw niyang kinabukasan at dahil dito imposibleng wala siyang mahaharap na mabibigat na pagsubok. Lahat ng tao ay mararanasan ito‒ang mabulag sa kinang ng tagumpay na at makalimutan ang mga salik na maaaring humarang sa atin para abutin ito. Isununod naman niya ang pagkumpara ng mga aso sa nakakasulasok na asal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kung gaano kanormal ang pagkatay sa mga aso ng kanyang ama ay ganon din kanormal ang pagdispatya ng mga tao.. Sa anekdota ding ito ay naibahagi ni Pascual ang relasyon na mayroon siya sa kanyang tatay. Ang dalawa namang sumunod na hayop ay may kaugnayan sa kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang nakaraan. Siya ay may trabaho na at kaya na niyang buhayin ang sarili ngunit iba pa rin ang piling ng iyong sariling tahanan. Tulad ng mga pagong at kalapati, kahit anong gawin mo ay babalik at babalik tayong mga nilalang sa ating mga pinanggalingan. Ang aye-aye naman ang nagpakita ng tapang nating mga tao sa na harapin ang isang mundong walang katiyakan. At sa huli, ikinuwento niya ang mga itlog ng palakang dati niyang kinakain na hinuli para sa kanya ng kanyang ama. Dito muling pinakita na kahit anong sama ng loob ang mayroon tayo sa isang tao, hindi mawawala ang pagtanaw natin sa mga ala-alang sila ay kasama dahil habang buhay silang parte ng ating pagkatao.
Napakagandang paghahalintulad ang ginawa ni Pascual. Ako ay bilib na sa mga simple niyang karanasan sa buhay ay napatunayan niya ang pagkakaugnay nating mga hayop at tao. Siguro nga maituturing din tayong mga hayop. Nagkataon lamang na iba ang ating anyo at pag-iisip. =
Unlike others, my parents didn’t have anything in mind for my name before I let out my first cry in the world. They saw my face and named me Angel. There’s nothing fancy behind it.
I’ve always found my name boring. No offense to my parents, but it sounds very plain to me. Countless surveys indicate that Angel is indeed one of the most common names in the Philippines. I am sure you can find anyone named Angel, or a variation of it, on every street that exists. To be honest, I don’t like that I share the same name with so many people. If you wonder why, well, it is because I want to be known as my person. I grew up with people always associating me with other people named Angel. I would introduce myself and they would start calling me Angel Locsin instead. I honestly hated it.
I entered high school and finally, I got the chance to name. Looking back, I already forgot how my nickname came to be Angge. I just know how much I liked it when people started addressing me by my new nickname. It felt more personal. It suited me more. To me, if I were to associate Angge with a color, it would be yellow. A very bright color. It looks jolly and fun, but since it is a very vivid color it looks intimidating as well. A description that I think explains best my personality. People tell me that whenever they see me around, I always have the biggest smile on my face. I guess I need to thank my friends, because of them I laugh most of the time. They say I look very kind and sweet. But despite all of these praises, I would still hear that they think I am quite hard to approach. To be honest, I don’t disagree. Even if I am perceived as someone welcoming, I find it hard to actually let people inside my circle. I am quite shy and don’t do well in big crowds. It’s not that I don’t want to talk to people, it’s just I don't know how to talk to people.
Now that I’m entering college, I am once again thinking of a new nickname I can use. One that will fit the new me who has changed extremely because of the one-year-long pandemic. I believe I have changed so much during this period of time. Yellow is now becoming a color too bright for me. I think I am now slowly becoming more reserved and calm. Something more neutral would suit me now.
But at the end of the day, no matter how boring and plain I think my name is, I still am and will always be Angel, or Anghela if my parents are mad. The one with a heart too big for her body, Although, she has yet to figure out her love language for every person who holds a special place in her heart.
The short story follows the trail of thoughts Maya has as she waits for Richie, her husband, to arrive in the high-class dining hall. Through the lens of the third point of view, we get to know a little bit about the protagonist and some of her deepest thoughts. She shares these in a matter of minutes.
It starts with Maya in a place described to be fancy and filled with mostly middle-aged women. The venue is decorated with nice architecture. She feels the grandeur of the place and the people around her which makes her conscious of how she should behave. And so, she adapts quickly. She orders a nice glass of wine to match the atmosphere. She carefully chooses her actions and executes them with manners to show decency. Her poise is exquisite.
Maya is also very detail-oriented. Maybe a reason for this is her age. She has just entered her thirties. She has a family of her own‒Richie and her two children. She never forgets to take care of herself especially after giving birth and noticing that age is currently betraying her. Her job also requires this trait. Being a banker is not and will never be an easy job. She says that her brain needs to be sorted into folders. It is natural for her to think in that certain way. It keeps her roles in life balanced.
Maya states that she is contented with her life. She believes her life is great, not until she hears a loud giggle in the room. She sees an old lady accompanied by a young man who stands out to her. He is eye candy. There is no doubt he is. He fills the whole space of old people with his youth. She tries to reach for her husband again, but he doesn’t answer his phone. This leads us to her deepest thoughts.
Maya starts thinking that her husband is nowhere as manly as the young man in front of her, Andrei. She sees the couple being affectionate with each other. She looks away thinking about how gross it is to show affection publicly. She admits that that is also how they behaved when Richie and she were just a newly married couple, but now, it is not necessary. The longer she stares at Andrei, the deeper her thoughts get. She starts having wild thoughts about him and shushes herself when she becomes aware of where her mind has taken her. She caresses the age lines on her face which brings her back to the past. Old days when everyone still hit on her despite knowing she is married. She admits how she almost said yes to playing with those insatiable men. She finds it irritating how this old lady is doing dirty stuff with Andrei thinking there could also be a family waiting for her to come home. She quickly snaps back to reality and is surprised that the old lady and Andrei are looking directly at her.
After reading this part of the short story, I immediately thought of how hypocritical Maya is. She thinks she is all prim and proper, but her mind says otherwise. If only people can hear what is inside others’ heads, the old lady who she called a witch has probably already pulled her hair. Her voyeurism jumps out as soon as she sees the sight of Andrei. She finds the old lady disgusting when she, a complete bystander, starts thinking about sexual things with him. This even digs out her past where she was tempted to have an affair. Although it is very hard to completely judge Maya because the short story only barely entails a slice of her life, I can still say she thinks highly of herself when she should not. She is just like any other woman of her age‒an even way worse one. The story shows this through the use of the bathroom as a metaphor. At first, she imagined it to be a fully furnished one, but in reality, it looks disappointing and there is nothing special about it. Just like her, an ideal woman outside, but a very typical one inside.
The conflict of a person versus himself is very evident in this short story. Maya tries her best to fight the thoughts she is having. She defends herself from the mistake she almost committed years back. She justifies it by asking who has not thought of having an affair. She says any married woman has considered doing it. She does a lot of talking by herself, showing us how she thinks. She assumes everyone sees the world like her.
The short story is very simple yet very impactful. I think it is something that everyone can relate to, but maybe in terms of different things. We tend to be judgemental when seeing people for the first time. The first thing we do is find the bad things in them‒perhaps, something that we can bash, so we can bring them down to bring ourselves up. We often put ourselves high up when we are just like any other person in the world. Someone who has lots of secrets and flaws.
Online Journal 4: Pagsusuri sa ‘Walang Kalabaw sa Cubao’ ni Acosta at ‘The Gods We Worship Live Next Door’ ni Santos
Mula pagkabata ay kabilang na ako lagi sa mga grupong lumalaban ng sabayang pagbigkas. Ngunit sa kabila nito ay hirap pa rin akong umunwa nang lubos ng mga tula . Halimbawa na lamang ay ang dalawang tula na “Walang Kalabaw sa Cubao” at “The Gods We Worship LIve Next Door” dahil parehong gumamit ito ng mga simbolo at talinhaga na kailangan ng malalim na pag-intindi upang tunay na mahinuha ang mensahe nito.
Sa “Walang Kalabaw sa Cubao” ay para kang namamasyal sa Cubao sa tulong ng paglalarawan ng persona — na tiyak at kabisado ang bawat sulok ng lugar na ito. Maaaring mismong si Acosta ang nagsasalita at nagnanais kausapin ang mga mambabasa upang imulat ang mga mata natin ngunit maaari rin namang isang lokal na taga-Cubao ang enitdad na binuo ni Acosta para mas lubos tayong malubog sa buhay sa lungsod na ito nang mas madaling intindihin ang tula.
Tunay nga na ang sentral na metapor ng tula ay umikot sa Cubao ngunit hindi ako makakaayon na nakatulong ang organic unity na taglay ng tula upang mapadali ang pag-intindi rito. Oo, bawat taludtod ay lumalarawan sa iba’t ibang bagay na matatagpuan sa Cubao ngunit sa dahilang din ito naging magulo kung ano ba talaga ang nais pagtuunan ng pansin ang manunulat. Ang pokus ba ay ang mga maliliit na bagay sa Cubao o ang Cubao bilang isang lungsod mismo sa pamamagitan ng mga maliliit na bagay na ito?
Ang unang saknong ay kakikitaan halos lahat ng taludtod ng halimbawa ng metapora. Sa unang saknong ay direkta lamang na inilalarawan ang Fiesta Carnival — mayroon daw na kabayong baby blue, kubang Tyrannosaurus Rex, sa magkabilang dulo ay ang Goldilocks at showroom ng Automatic Center, at ang Tamaraw FX na ngayon ay pastol ng mga kolorum na dispatser. Tinukoy naman ng pangalawang saknong ang mga dispatser na tinukoy sa unang saknong. Itinala ang pangkaraniwang buhay nila sa Cubao — mula sa kanilang pagkakakilanlan, tinitirahan, at paraan upang mabuhay — gamit lang din ang mga metapora. Subalit sa parehong saknong ay makikita rin ang paggamit ng manunulat ng sinekdoke at personipikasyon. May mas malalim pang ibig sabihin ang langibing pusod. Hindi lamang ito basta isang pusod kundi populasyon ng katauhan — grupo ng mga paslit. Ang matris ng isang babae ay maituturing na pinakasensitibong parte ng kanyang katawang at gaya na lamang ng sa tula, ginamit ito upang mas bigyan ang kahulugan ng estero. Ang mga paslit sa Cubao ay kalat lalo na sa mga lugar na mapanganib para sa kanila tulad na lamang ng lilim sa Big Dome at sa tinatayong tulay ng MRT-2. Nagkaron din ng paggamit ng oksimoron sa huling tatlong taludtod ng pangalawang saknong. Mapapansin ang pagkakasalungat ang banal na amen at mga salitang tang ‘na ka at hindot. Tila ba nabasag din ang kabanalan na taglay ng mga pangalang ng mga santong nabanggit sa mga taludtod bago rito. Pahiwatig na kahit sa lugar na payapa dapat ay iba ang nakasanayan nila sa Cubao. Gamit ulit ang mga metapora, naipahayag ang matinding gutom na nararanasan ng mga paslit ng Cubao-inalmusal na rugby, tinanghaliang bilog, at hinapunang bilog. Dumating na tayo sa huling saknong at metapora pa rin ang ginamit ng manunulat upang bigyan ng pagtatapos ang tula. Cubao mismo ang kalabaw at sila ang nakadapong langaw.
Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ang kalabaw ay kilala bilang pambansang hayop ng ating bansa. Ito ay sikat sa pagiging simbolo ng tiyaga, lakas at kahusayan. Ngunit sa kabila nito, ang kalabaw ay makupad. Paminsan pa nga ito ay nakatengga na lamang at nakatayo lang sa putik hanggang sa ito’y langawin na lamang. Marahil ito nga ang nais ipahayag ni Acosta. Inihalintulad niya ang Cubao sa kalabaw na puno ng potensyal — na umunlad at magpayaman — ngunit mabagal ang kilos nito.
Kung ang nais ng tula na ipakita ang paghahalintulad na ito, ako ay sang-ayon na naipaabot ang layunin ng tula. Ang mga tinuring na langaw sa Cubao ay mawawala lamang kung ito ay hahakbang patungo sa kaunlaran. Ngunit sa bagal ng pag-unlad nito, iba’t ibang uri na ng langaw ang pumepeste sa Cubao.
Pagdako naman sa tulang isinulat ni Bienvenido Santos, makikita ang kakaibihan nito mula sa unang tula na naglarawan ng isang lugar. Nakatulong ang organic unity ng tula upang madali at lubos na maintindihan ang mensahe ng tula. Ang The Gods We Worship Live Next Door ay umikot ang sentral na metapora sa mga taong inilagay sa pedestal ng kanilang mga kapwa tao. Ngunit ano nga ba ang dahilan bakit itinuturing silang parang mga Diyos?
Ang tula ay umikot sa personpikasyon at oksimoron ng mga diyos bilang mga pangkaraniwang tao. Ang mga kinikilala nating diyos ay hindi namamahay sa balat ng lupa. Sila ay naghahari sa mga ulap o langit pa nga kung tawagin. May mga diyos rin naman na nasa ilalim ng lupa namumuno. Ngunit ang mga binanggit na diyos sa tula ay kapantay lang ng mga pangkaraniwang tao. Sila raw ay namamahay sa mundong ibabaw tulad natin. Ang diyos din ay karaniwang inilalarawan bilang imortal at makapangyarihan. Ngunit sa tula ay nabanggit ang pagiging sakitin ng mga sinasamba nating diyos at ito pa nga ay nabanggit na pumanaw. Kung binigyang anyo bilang tao ang mga diyos na ito, ano ang nais iparating nito? Sa totoong buhay, tayong mga simpleng mamamayan ay sanay ang paglalagay sa mga taong makapangyarihan sa pedestal. Makita lamang natin ang isang tao na maraming pero ay tila ba diyos na natin kung ituring.
Hindi tulad ng Walang Kalabaw sa Cubao, ang The Gods We Worship LIve Next Door ay may natatanging bilang ang sukat ng taludtod. Lahat ng taludtod ay may sukat na sampung pantig maliban sa huling taludtod ng unang saknong na may siyam na pantig at ikalawang taludtod ng pangalawang saknong na may labingisa na pantig. Dahil hindi ako eksperto sa pagsaulo ng mga makabuluhang petsa sa kasaysayan, minarapat kong alamin kung ano ang maaaring maging kahulugan ng mga numerong 9 at 11. Alas! Ito ang kaarawan ng namayapang presidenteng Ferdinand Marcos. Tulad ng tula, maihahambing ang naging trato ng ibang mamamayan sa kanya at ng kanyang pamilya. Siya ay sinamba ng karamihan at milyon ang kumagat sa paing handog ng kanyang administrasyon — ang Martial Law. Sa kabila ng kanyang naging negatibong epekto sa bansa at maraming Pilipino, hanggang ngayon ay puno pa rin ng papuri ang ibang tao kapag siya ang pag-uusapan.
Parehong ang layunin ng dalawang tula — ang imulat sa katotohanan ang mga mata ng mga mambabasa. Naitawid ng magkaibang manunulat ang nais nilang mensahe sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng mga tayutay.
‘Lumuha ka, aking bayan” ang paulit-ulit na sabi ng persona na di tiyak kung kailang panahon ang pinanggalingan. Bakit? Dahil napakaraming pagkakataon na sa ating nakaraan ang napuno ng lumbay at takot — ang Inang Bayan at sambayanang Pilipino — mula sa iba’t ibang mga dayuhang binaboy ang ating kasarinlan. Ngunit tiyak na ang persona ay isang Pilipino na punong puno ng simpatiya para sa kanyang lupang tinubuan na naghihinagpis sa kamay ng mga dayuhan. Mula sa una hanggang dulo ng tula ay puno ng kombiksyon ang persona — kombiksyon na balang araw ay masasaid ang luha ng Bayang Inapi. Naniniwala siya na pagdating ng tamang panahon ay muling babangon ang Bayan at maibabalik ang ating kalayaan.
‘Di tulad ng mga huling tula na aking binasa, madali kong naunawaan ang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V. Hernandez. Hamak na puno ng tugma at bantas ang mga saknong na sa tingin ko ay nakatulong upang mas madali ko itong mabasa at maunawan dahil may daloy ang tula at maayos na nakabuklod ang mga kaisipan.
Sa unang saknong ay pansin ang paggamit ni Hernandez ng end-stopped. Nagamit niya itong mabuti upang ilarawan ang kawawang kasalukuyan ng Bayan, maaaring kapalaran nito sa kamay ng mga dayuhan at kinabukasan na walang kalayaan at sariling pagkakakilanlan tulad ng nakaraan. Maliban sa tail-end rhymes na kita sa bawat dulo ng taludtod, makikita rin ang pag-uulit niya ng punong salita at pagtutugma sa isang taludtod o kilala rin nating sa tawag na internal rhyme.
“Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,”
Ito ay nakatulong upang bigyang diin ang nangyayari sa Bayan. Naipakita nito ang determinasyon ng persona na mapagtanto ng Bayan ang masaklap na katotohanan ng kanyang nasasakupan sa kamay ng mga mapang-aping dayuhan.
Pagdating ng ikalawang saknong, ihinalintulad naman ng persona ang Bayan sa mga kilalang tauhan sa mga nobela na isinulat ni Rizal — si Huli na alipin at si Sisa na baliw. Binubulungan niya ng mga insulto ang Bayan hanggang sa ito ay sumabog sa galit. Naipakita ito ni Hernandez sa pamamagitan ng mga tugmang katinig na mahina sa bawat taludtod. Ang salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa -n at -ng. Ang tandang padamdam naman na kita sa huling salita ng saknong ay nagmistulang transition sa susunod na saknong. Ang sumunod na saknong ay kabaligtaran naman ng huling saknong. Ito ay ginamitan ni Hernandez ng mga tugma katinig na malakas — mga salitang nagtatapos -p, -g, -s, -d at -t. Dahil dito, malinaw na galit o inis ang persona, base sa madiin na ponema ng mga salitang pinili para sa tula, sa kadahilanang naghahari na ang mga dayuhan sa Bayan at nais niyang malaman ito ng Bayan.
Ang huling dalawang saknong ay pareho lamang ginamitan ng end-stopped at general rhymes ngunit magka-iba ang mensaheng nais iparating nito. Ang una ay nababalot ng pakikiramay sa puso ng Bayan na tuluyang natalo ang laban sa mga dayuhan at ang pangalawa naman ay umaapaw sa sabik na bumangon at ibalik ang alab ng puso ng Bayan.
Bawat salita at bantas sa poetic lines ng tula ni Hernandez ay pinag-isipang mabuti. Ito ay matagal nang isinulat ngunit maaari pa rin itong mailugar sa pangkasalukuyang panahon. Sa anyong isinulat ang tula ay nagmistulan itong parang sigaw ng paghihimagsik. Kung sino man ang makakabasa ng tula ay tiyak na magliliyab ang alab ng puso na napusok dulot ng ilang taon ng pandarayuhan na niranas ng ating Bayan.
Marahil na sa unang basa ko sa tula ay hindi ko mawaring maigi kung ano ang nais iparating ng tula. “Bakit nakakapanindig balahibo ang dating ng tula? Sino nga ba ang nagsasalita at bakit ganoon ang tono niya?” Ilan lamang ito sa mga katanungang sumagi sa aking isipan habang ninanamnam ko ang nais iparating ng tula.
Pagkabasa pa lamang ng unang dalawang saknong ay isang bagay na agad ang pumasok sa aking isipan — pagpanaw. Nilibot nang mabuti ng tula ang paksa ng pagpanaw. “Marahil ito na ang aking huling liham” dito pa lamang ay maaari nang mahinuha na patungkol ang tula sa kamatayan. Ngunit panibagong tanong na naman ang umusbong, “Ano ang dahilan ng kamatayan?”
Upang lubos na maintindihan ang aking mga katanungan, minarapat ko lamang na magsaliksik kahit papaano tungkol sa manunulat ng tula na si Carlos M. Piocos III. Siya ay nagtuturo hanggang sa kasalukuyan at kung ang persona sa tula ay papanaw, maaari nating isipin na hindi talaga si Piocos ang entidad na nagsasalita sa tula kundi isang persona lamang.
“Bukod sa pangalan, lagda at lunan, kalakip ng sulat na ito ang lahat ng aking mga pangkaraniwang lungkot: lukot-lukot na ulap, isang itim na balahibo ng uwak, isang pinggang may pingas sa labi, larawan ng matandang simbahan, tatlong itinuping bulaklak, at isang pares ng natuyong pakpak ng paruparo. Ito na lamang ang naiwan,at ang lahat ng ito’y ipinauubaya ko na sa iyo.“
“Mga pangkaraniwang lungkot” ito ay nabanggit sa pangalawang saknong. Ito rin mismo ang pamagat ng tula. Maaaring ang pariralang ito ay may malaking gampanin upang maintindihan ang tema ng tula. Ang mga sumunod na detalye sa pariralang ito ay tila ba nagbibigay rin ng mas malaming na kahulugan. Mga kahulugan na tumutukoy sa sitwasyong hinaharap ng persona. Pagkabasa ng mga detalye sa saknong ay katandaan agad ang aking naisip. Ang mga nabanggit ay sinusuportahan ang katandaan tulad na lamang ng lukot-lukot na ulap bilang simbolo ng pagbagal ng oras habang tumatanda, natuyong pakpak ng paruparo nilang simbolo ng namatay nang kabataan sa kanyang katawan at itim na uwak bilang simbolo ng nalalapit nang kamatayan.
Mula dito, matitiyak na ang persona ay isang matanda nang nalalapit sa kanyang kamatayan. At sa tulang ito, ipanakita ang kanyang perspektibo. Sinalamin ng kanyang kapalaran ang tunay na anyo ng sangkatauhan — may hangganan ang buhay ng mga tao — at ito ang katotohanan ng buhay sa daigdig.
Sa pagdating ng hangganan ay hindi maiiwasang isipin ang mga nagdaang taon. Sumesentro ang isipan sa tanong na “Kamusta ako?” Palaging andoon ang pagtataka kung naging makabuluhan ba ang iyong panunuluyan sa mundo. At para malaman ito, kakamustahin mo ang mga taong nakapalibot sa’yo nang ilang taon at sa ganitong anyo isinulat ni Piocos ang tula. Nagmistulang parang liham para sa isang malapit sa pusong kaibigan ang tula. Kung anong laman ng liham ay gayoon din ang laman ng tula. Meron itong kumustahan, kwento, bilin at paalam.
Iyon laman naman at nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Nawa’y naramdaman mo ang nakapapasong halik na nagtikom sa sobreng ito, bago mamaalam,
Bago ang nagmamahal o lubos na gumagalang,
Bago matapos ang lahat sa iisang pangalan.
Sa kabila ng kalagayan ng persona, nais niyang siya ay matandaan at maramdaman hanggang sa huli ng taong kanyang sinulatan. Nandoon ang kanyang pangamba na siya ay madaling makakalimutan ng mga taong minamahal niya at marahil ito nga ay dahil na ang kanyang kamatayan ay maituturing na pangkaraniwang kapalaran ng isang tao sa mundong ibabaw — isisilang, tatanda, at mamamatay. Dahil sa anyo na isinulat niya ang kanyang mensahe, malaki ang posibilidad na siya ay tumatak sa isip at damdamin ng tatanggap tulad na lamang ng kanyang nais.
Hindi ko maitatanggi na sa unang basa ay naging malabo ang mensaheng nais iparating ni Piocos. Ngunit masasabi ko na naintindihan ko itong mas higit nang aking sinubok na tukuyin ang paksa, tema at persona ng tula. Sa tulong ng tatlong elementong ng simpleng tula ito ay nagkaroon ng mas makabuluhang kahulugan at halaga. Nagpakita ang mga ito ng mas malalim na tingin sa pangkaraniwang lungkot na dulot ng palapit na hangganan ng buhay.