Harmony Keynote: Scaling ng Pagkapribado, Ligtas na Staking, Radikal na Pagkapatas
Gusto ko ngayong ipakita ang buong taong paglalakbay ng Harmony na malagpasan ang trilemma sa blockchain.
Ang pananaw ng proyekto natin ay ang Bukas na Pagkakaisa para sa 10 Bilyon. Bilang mga inhinyero ng inprastraktura na dating nagtatrabaho sa mga nangungunang kompanya sa mundo, ang pamamaraan natin ay ang dalhin ang mga pinakamahusay na resulta sa pananaliksik sa produksiyon.
Sa nakaraang ilang taon, ang trilemma — desentralisasyon vs scalability vs seguridad — ay pinagmulan ng maraming pag-unlad sa mga blockchain protokol.
Para sa atin, ang pagkaming ng lahat ng mga katangiang ito ay hindi imposible ngunit isang pagpapalawak sa triyanggulo sa pamamagitan ng mahusay na pag-iinhinyero.
Ngunit, dito, hayaan akong ipakita ang blockchain quadrilemma, nagdaragdag ng ika-apat na kritikal na dimensiyon, ang pagkapribado.
Makikipagtalakayan ako na ang pyramid na ito ay isa sa pinakamahalagang problema para lutasin ng ating henerasyon sa mga paparating na dekada: para maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagkapribado pagdating sa mga karapatang pantao, disenyo ng produkto at digital na ekonomiya.
At, para bumuo ng open platform nang hindi sinasakripisyo ang pagganap, nang walang delegasyon sa sentral na entidad, at may mapatotohanang seguridad.
Huwag natin kalimutan ang pinakakritikal na dahilan kung bakit tayo nagsimula: isang walang pahintulot na network na pinatatakbo at pinamamahalaan ngmalaking komunidad.
Iyon ay, decentralized na ba tayo? Kung hindi, maaaring gumamit tayo ng ilang super node lang, binabawasan sa naseserbisyohan na nang mas mabuti ng mga cloud computer.
Mayroon na ngayong 1,000 Harmony node, 80% ng mga ito ay pinatatakbo ng komunidad, kalinya ng sampu-sampung libong Bitcoin at Ethereum node.
Tandaan: Walang kasunduan nang walang partisipasyon.
Makabuluhang pagsusumikap ang nilalaan ng Harmony team sa node campaign na tinatawag na Pangaea, na kinakatawan ang Origin of Nodes, mula sa mahigit 100 bansa at karamihan sa kanila ay hindi pa kailanman nakapagpatakbo ng node.
Ang mga tool ay ang pinaka-nagpapantay-pantay na puwersa; sa aming one-click deploy, bumubuo kami ng malakas na komunidad ng node na sariling nag-oorganisa at masyadong nauugnay
Walang pagkakasundo nang wala ring incentibo o staking. Iyan ang ekonomikong seguridad ng network.
Itinatampok ng Harmony ang bagong pamamaraan sa staking na tinatawag na Effective Proof-of-Stake, o EPoS. Binabawasan nito ang sentralisasyon habang pinagagana ang delegasyon at compounding. Sa resharding at slashing, minimitiga ng aming modelo ang mga Sybil attack nang walang pagsusuri sa pagkakakilanlan.
Sa libo-libong upuan, nagpapahintulot ang Harmony network ng higit pang mas maraming dinamiko ng merkado at partisipasyon kaysa sa anumang staking blockchain.
Sa halip na quadratic na pagboto, o kunin ang square root ng mga stake, tulad ng eksperimento ni Ethereum sa mga radikal na merkado, gumagamit ang Harmony ng capping matapos kunin ang median ng mga staker.
Sa aming EPoS, nilulutas namin ang dalawang pinaka-kritikal na problema: pinipigilan namin ang mga nangungunang staker na mag-overtake sa network; at binu-boost namin ang mga nasa babang staker mula sa kawalang-interes ng botante. Ang dalawang pagkilos ay nag-iinsentibo sa mas aktibo at mas patas na partisipasyon sa pagliligtas sa network ng Harmony.
Sa scalability, kasama kami sa unang produksiyong mainnet na may Proof-of-Stake at sharding, ang pangunahing dalawang layunin ng Ethereum 2.0. Nagpatupad kami ng mga state sharding, cross-shard transaction, tingnan ang mga pagbabago at resharding laban sa mga single-shard na atake.
Nalutas namin ang pinakanakakahamong problema ng blockchain trilemma, at isinaproduksiyon ang mga state-of-the-art na resulta ng pananaliksik.
Kaya naming paramihin ang mga block nang wala pang dalawang segundo, suportahan ang mga malalaking shardsna may mahigit isang libong transaksiyon kada segundo sa bawat shard, at unti-unting lumipat ng mga tagapagpatotoo kasabay ng mga epoch na pagbabago.
Ang dalawa naming pangunahing sangkap at ang hindi pumapalyang network dispersal at ligtas na network randomness.
Nagpatupad kami ng mga verifiable random function (VRF) tulad ng sa Algorand ngunit may mga BLS na lagda. Nagpatupad kami mula sa simula ng verifiable delay functions (VDF) ayon sa panukala ng Ethereum Foundation.
Higit sa lahat ng pananaliksik at mga terminong teknikal na ito, huwag nating kalimutan kung bakit tayo bumubuo: Ang Harmony ay isang blockchain para sa mga tao.
Ang misyon natin ay para mag-iskala ng tiwala para sa bilyong-bilyong mga tao at para lumikha ng radikal na patas na ekonomiya.
Hindi kailangan ng mga makina ng tiwala; siguradong wala silang pakialam sa pagiging patas. Pero tayo ay.
Nagsisimula ang mga tao sa mga komunidad at pangarap. Sinasabi nila “ang pagbubukod ay ang pumapatay sapangarap”. Kaya nagsimula akong kumalap ng mga nangangarap sa Silicon Valley dalawa at kalahating taon ang nakalipas. Nagsasama-sama kami bawat linggo, apat na oras o higit pa bawat pagkakataon.
Ang komunidad natin ay tinatawag na T-G-I Dreams, na nangangahulugang Thanks God It’s (Your) Dreams, sa tradisyon ng Google sa pagsusuot ng ambisyon sa inyong manggas.
Pinananatili tayo ng komunidad na itong motibado sa panahon ng mga crypto na taglamig. Pinaaalala nito sa ating manatiling luko-luko at gutom para sa hindi malulupig na tag-init.
Pinilit natin ang bawat isang matutunan na makabuluhan ang pagkabagay sa merkado ng produkto kaysa sa anumang ibang bagay, at walang mas delikado kaysa sa pag-akyat ng mga nagtaguyod sa Mt. Everest nang mag-isa.
Mula sa komunidad na ito, ni-recruit namin ang aming founding team at ngayon ang full-time team ng 20, kasama ang 7 inhinyero mula sa Google, Amazon, Apple at Facebook; mga nakapagtapos mula sa Stanford, Harvard, Berkeley, Penn at Oxford; at 4 na PhD.
Ibinabahagi namin ang aming kultura ng pakikiramay sa bawat isa, pagiging masidhitungkol sa aming misyon at pagiging ekselente sa aming ginagawa.
Sa mga gumagamit, nahuhumaling kami di lamang sa mga produkto at pagpapatupad pati na rin ang katapatan.
Ang aming opisyal na kasosyong Lympo ay nagbibigay ng insentibo sa malusog na istilo ng pamumuhay at pagiging fit ng korporasyon gamit ang mga gantimpalang token. Lubusan silang nakabuo sa Samsung Wallet; mayroon silang daan-daang libong gumagamit at milyon-milyong paghamon sa ehersisyong nakumpleto.
May 140M profile para lang sa mobile fitness. Ang mga gantimpalang token ng Lympo ay eksklusibong gagawin sa Harmony at sa aming data-sharing marketplace.
Ilang linggo ang nakaraan, inanunsiyo din namin na ang $8M pinagsamang pagbili ng Harmony kasama ang Animoca ng Quidd.
Ang mga collectibles at digital asset ay ang pinakamahusay na paraan para mapabilis ang paghahatid ng halagasa network ng Harmony. May milyon-milyong tagahanga at pagiging malikhain sa bawat komunidad tulad ng Marvel at Game of Thrones.
Ang Quidd ay merkado para sa mga collectible. Mayroon itong 6.8 milyong gumagamit at 2 bilyong lisensiyadong item. Nakakamit na ang Quidd ng $10M binili ng gumagamit at sa karaniwan ay may 6 transaksiyon/seg.
Nag-e-eksperimento din ang Harmony sa susunod na henerasyon ng mga blockchain game.
Sa paglunsad, nagtampok ang Harmony Puzzle ng 16k gumagamit sa isang araw, 192 bansa at 10-minutong mga sesyon.
Iniimbak namin ang states at moves ng game sa blockchain ng Harmony, at nagbibigay ng mga native token para sa staking at betting ng bawat lebel ng game.
Higit pa sa mga game, ang pagiging patas ay mahalaga rin para sa lottery, matching at mga tournament. Ang mga mekanismong ito ay mga building block ng radikal na patas na ekonomiyang nililikha ng Harmony.
Gumagamit kami ng mga verifiable delay function (VDF) para sa pagiging random para masiguro ang transparent at walang kikilingang pagiging patas.
Sa kabuuan ng taon, bumubuo kami ng mga produkto at pinalalawak ang aming komunidad nang walang tigil.
Hindi lang namin nilunsad ang aming mainnet sa 12 buwan, isinagawa ang Pangaea na kampanya na may libo-libong node, at nakipagsosyo sa pinaka-bisyonaryong mga proyekto.
Nasali din kami sa Coinbase Shortlist, nag-oversubscribe ng 128 na beses sa Gate exchange, at pinangaralan ng Pick of the Monthng Crypto Briefing.
Sa pamamagitan ng Binance Launchpad, hindi lang ito tungkol sa presyo ng token pero napakalaking oportunidad na i-bootstrap ang aming mga evangelist.
Bilang batang startup, napakasuwerte naming makaakit ng halos 700 milyong dolyares na dami ng trading sa isang araw.
Ina-angkla ng mga namumuhunan at mga palitan ang aming komunidad. Nakakuha kami ng $18M pribadong round noong nakaraang taon, isang $5.5M node round sa mga pangunahing kasosyo kabilang ang Binance Labs at HashKey. Nagkaroon kami ng $5M benta sa publiko noong Hunyo ng taong ito.
Para bumuo ng bukas ngunit mapananatiling plataporme, nangako ang Harmony sa 6-na taong pundasyonat ecosystem na pondo.
Ang decentralized na pananalapi ay susing bahagi sa ecosystem ng Harmony. Ang mga tagapagkaloob ng liquidity, kilala rin bilang market markets, ay susi sa malusog na sistemang pinansiyal.
Kasama ng aming kasosyong Hummingbot, ang mga gumagawa ng ONE ay ang unang decentralized algorithmic trading ng mundo para sa arbitrage, market making, at mga exchange bridge.
Ang Harmony ay mayroon nang mahigit sa 100 market maker at sumusuporta ito sa 8% ng dami ng ating Binance.
Pinakamahalaga, ang code ng Hummingbot ay open source, ang mga serbisyo nito ay institutional grade at walang dalang anumang custodial na peligro.
Ang isa pang pangunahing kasosyo ng Harmony ay ang Qokka, na nagiging aming Decentralized Intelligence Agency. Iyan ang aming D-I-A, sa halip na C-I-A.
Ang Qokka ay isang machine learning na startup na nagmimina ng halos 50 bilyong Telegram na mensahe para sa mga boses ng komunidad sa mga proyekto.
Tinatawag namin ang prosesong ito na social mining. Aktibong dinadala ng Harmony ang mga opinyong ito at engagement mula sa aming komunidad papunta sa halaga ng network.
Sa pangmatagalan, kami ay nagiging self-governed na komunidad na yumayakap sa mga tagapag-impluwensiya at mga kakumpitensiya.
Wala kaming extended na roadmap o pirming istratehiya.
Ang lakas namin ay ang tulin ng pagsasagawa, o ang dedikasyon ng “996”. Ang pangkat ng Harmony ay naninindigan sa istilo ng trabaho-buhay na ito na may hindi nagbabagong oras at pagsusumikap sa mahigit isang taon.
Sa Q4 quarter na ito, naninindigan kaming dalhin ang mga asset kabilang ang mga collectible at mga brand sa Harmony network.
Ang aming virtual machine at mga tooling ay ganap na Ethereum compatible. Gagawa kami ng one-click migration ng maraming dApps, lalo na ang mga DeFi showcase ng MakerDao at Compound.
Sa susunod na taon, bubuo kami ng confidential layer para sa mga ari-ariang ito na mas angkop sa compliance at paggamit sa negosyong mga kaso. Sa partikular, padaaliin ng Harmony ang data consortia para sa mga alternatibong kredito sa pagpapahiram.
Para paganahin ang madaling paglipat at mabilis na pagpapatupad, sabik kaming ianunsiyo na ang Carbon ang aming opisyal na kasoso para sa fiat integration.
Sa Carbon, ang Harmony dApps ay maaaring magpagana sa anumang pagbili sa ONE token gamit ang Apple Pay at mga credit card sa iilang linya ng code. Ang karanasan ng gumagamit ay suwabe at walang kirot na fiat on-ramp na madaling magawa nang wala pang isang minuto.
Ang Stablecoins ay cornerstone sa anumang pinansiyal na aplikasyon sa crypto. Tumutulong ang Carbon na magbigay ng FDIC-insured stablecoin native sa Harmony.
Ang layunin namin ay para ma-decentralize ang mga pinansiyal na imprastraktura ng mundo. Nag-eekperimento kami sa mga cross-border na bayad at undercollateralized na pagpapautang sa alternatibong data ng kredito.
Ang kinabukasan ng pagkapribado ay narito na pero hindi patas na naipamahagi.
Ang kapwa proyekto, Findora, ay nag-iimbento ng di-malilimutang terminong auditable privacypara maunawaan ng lahat and soberanya ng datospagdating sa mga karapatan ng mamimili vs mga paggamit sa negosyo.
Ang isang halimbawa ay ang maikling katibayan ng computer na hindi nagsisiwalay sa mga libro ng account mo pero ginagarantiya ang iyong kakayahang bayaran ang mga utang.
Ang isa pang halimbawa ay ang iisang pribadong susi na maraming pampublikong susi na bubukas sa magkakaibang kapasidad tulad ng mga audit at pahintulot.
Tulad ng ibang sapat na advanced na teknolohiya, ang mga primitive na ito ay parang magic pero pinapakita na sa pagsasanay.
Tulad ng Moore’s Law para sa transistor density, ang mga algorithmic complexity at tulin ng prototype ng mga teknolohiya sa pagkapribado na ito ay bumubuti kada buwan.
Ang timing ng merkado ay bagay na bagay sa pamamaraan ng Harmony sa pag-iinhinyero para sa produksiyon.
Panghuli, nilulunsad namin ang libunison, isang inisyatibo ng developer na nagsisilbi sa pundasyon ng mga bagong aplikasyon ng network bukod sa mga blockchain.
Ang aming libunison ay lumulutas sa kritikal na problema ng pagkakaroon ng data para sa end-to-end networking. Sa partikular, ang library na ito ng bagong networking primitives ay mahalaga pata sa mga consensus algorithm at mga light client.
Katulad ng libp2p, ina-abstract namin ang erasure coding ng Harmony para sa block propagation, ang HIPv2 para sa pagtuklas at traversal, at Quic, kilala din bilang UDP ng Google, para sa kontrol ng sesyon at congestion.
Sumali sa pangkat namin kung nasasabik ka tungkol sa aming pananaw na Open Consensus para sa 10 Billion!
Mahahanap mo ang deck, transcript at video ng keynote sa harmony.one/keynote.
Salamat sa inyong lahat.
Stephen Tse
Harmony CEO
Basahin ang aming keynote, balita, team, kultura, deck, pananaliksik, mga milestone, mga tweet.