Para Sayo
A Tagalog poem inspired by a story of someone close to my heart.

Mga pangakong binuo,
Bakit bigla nalang napako.
Hindi na alam ang totoo,
Naglolokohan nalang ba tayo.
Ako pa rin ba ang ‘yong gusto,
Nandiyan pa ba ako,
Sa mga guhit ng ngiti mo.
Ang sabi mo lalaban ka,
Bakit ngayon biglang nawala.
Naalala ko ang sinabi mo,
Na wala ka ng ibang gusto,
Na ako lang ang pangarap mo,
Bakit biglang nagbago.
Aasa pa ba ako sa mga sinabi mo,
Lahat ng ginawa ko,
Hindi sapat para sayo.
At kung nagtatago ka lang
Hahanapin kita.
At kung pagod ka na,
Bubuhatin kita.
Basta,
Sabihin mo, ako’y parin iyong gusto,
Ako parin ang pangarap mo.
Kahit nagbago,
Aayusin ko.
Ipapaalala ko sayo,
Na nandirito pa ako,
Para sayo.
Love never gives up, never loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstances. -1 Corinthians 13:7

