Jenelyn
Jenelyn Coloma Mabacquiao
1 min readJun 16, 2024

--

PROYEKTONG NASA BASURAHAN

This photo was captured in the year 2018 and I wrote this piece when I was 18

Mabilis na nagtipa,
Ng temang ilalatha,
Inubos ang oras sa pagkatha,
Upang makabuo ng magandang likha.

Pagod at puyat ang ibinuhos,
Perang inipon ay ginastos,
Magulang na umaga’t hapong kumakayod,
Upang may ipangtustos sa anak na nangangarap makapagtapos.

Ipinasa ang proyekto,
Nagbigay ng grado,
Bumase sa panlabas na disenyo,
Hindi sa konsepto.

Hindi binasa ang proyektong pinag-isipan,
Nasayang ang oras na inilaan,
Proyektong ginawa ay natabunan,
Isinama na ito sa tambakan.

Inimbak sa sulok,
Unti-unting rumurupok,
Tinabunan na ng alikabok,
Pinaghirapan ay nabubulok.

Parang pangarap na ibinabaon,
Kanila nang itinapon,
Hindi paparoon,
Ito’y maglalaon.

Kung sana ito’y ibinalik,
Upang may naipakita sa magulang na nananabik,
Sa kanila ipapabasa ang proyetong gawa,
At maipagmamalaki ang latha sa taas ng may akda.

Ngunit pasensya na,
Proyekto ay inamag na,
Napagpasyahang itapon na,
Proyekto ay nasa basurahan na.

Hanggang tanaw na lang,
Tamang yuko na lamang,
Hanggang sulyap na lang,
Sa proyektong,

Pinagpuyatan,
Pinagpaguran,
huli ang nakinabang,
Ay ang basurahan.

--

--