Sitsiritsit

Kuwentong Putol



Ang sumusunod ay isang Tagalog na awiting-bayan na naging inspirasyon sa aking kuwento sa baba.

Sitsiritsit

Sitsiritsit, alibangbang, Salaginto at salagubang.
Ang babae sa lansangan, Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Niño sa Pandakan, Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang, Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka, Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila, Ipagpalit sa manika.
Ale, ale, namamayong, Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon, Ipagpalit sa bagoong.


Sa buong maghapon, natulog ang babae sa lilim ng isang alibangbang. Malamig ang lupang nahihigaan niya dahil ang lupa, katulad ng babae, ay nakatakas din sa sinag-araw. Masarap ang tulog ng babae lalo na ‘pag may hangin.

Masarap hanggang sa may naramdaman siya sa buhok. Insekto ba? Gamit ng kamay, sinuklay niya ang kanyang buhok. Oo! Maraming mga salaginto at salagubang ang nakapasok sa kanyang buhok habang natutulog siya. Sumigaw ang babae. Napakainis niya. ‘Di ba p’wedeng matulog nang mapayapa?, inisip niya. Nilatigo niya ang buhok hanggang sa parang nasa isang “heavy metal concert” siya. Pagkalinis ng buhok niya, nagsimula siyang lumakad pauwi.

Dumaan siya malapit sa dalawang lalaki na nakatanaw ‘yong karanasan ng babae sa mga insekto. Tawa sila nang tawa. Doon nagalit pa ang babae.

“Ano?!”, sinigaw ng babae. “Ba’t kayo tumitingin, ha?!”

Hindi nila nakayang pumigil sa pagtawa.

“Pasenysa na, ha,” sinabi ‘yong isang lalaki. “Nabanggit lang ng kaibigan ko, nang paalis ka sa ‘buhawi ng mga insekto,’ na ang lakad mo ay parang tandang!”


Mamaya-maya, dumaan ang babae sa isang lugar ng mga di-matatangkad na tao, na kung minsan ay tinatawag ng mga lokal na “Pandakan.” Sa gitna ng lugar na ito, may simbahan, kung saan mayroong malaking istatuwa ng Santo Niño sa harap. Ang babae ay nagpatuloy na lumakad pauwi at nang galit pa.

Dumaan siya sa isang tindahan malapit sa simbahan upang bumili ng meryenda.

“Pabili po!”

“Ano po iyan?”, tinugon ng tindera.

“Pabili po ako ng puto-seko.”

“Ilan?”

“Dalawa po.”

“Ah, sige. Limampiso lang.”

“Salamat, po”, sinabi ng babae sa tindera pagkahawak ng meryenda. “Bale, puwede po bang magpautang sa inyo?”

“Hindi puwede. Pasensya na. Masyadong marami na ang nagpautang sa akin at hindi nagbabayad. Ako naman kaya, kailangang magpautang.”

“Wala kang tiwala sa akin?!”, sinigaw ng babae, kung kaninong araw ay paunti-unting nasisira pa. “Sana uubusin ka ng langgam!”


Malapit nang mag-alas sais pagdating ng babae sa kanyang bahay. Nandiyan ang nanay niya, nagbabantay sa nagiisang anak ng babae, na sanggol pa lamang.

“Oy! Naligaw ka ba? Alam mo ba kung ano’ng oras na?!”, sinabi ng nanay. “Kailangan ko pang umuwi para lutuhin ang hapunan. Malayo naman ang Manila. Baka namamatay ang Papa mo sa gutom.”

Ibinigay niya ang sanggol sa babae.

“Natulog siya kanina,” sinabi ng nanay. “Baka gutom na rin.”

Ang nanay ay bumaba sa burol sa likuran ng bahay patungo sa tabing-ilog kung saan nakatali ang isang dilaw na bangka. Bago siya umaalis, tumawag sa kanya ang babae.

“Mama! Puwede ba ninyong pasakayin yaring bata? Nakakapagod naman siy’eh. Gusto kong ipagpalit ng manika.”

“Aba! Hindi nga puwede! Sa iyo na iyan. At huwag kang magreklamo! Ang sakit ng mga tainga ko dahil sa iyo, anak.”


Pagkatapos kumain ng babae at ng anak niya, may kumatok sa pinto.

“Tao po!”

Nakilala ng babae ang boises niyon. Binuksan niya ang pinto.

“Ale! Kumusta na kayo?”, binati ng babae.

“Ayos lang,” tinugon ng ‘ale’. “Magbibisita ako sa kapatid ko sa Malabon. Pupuntu na ako sa hintayan ng bus. Sana titigil ang ulan para ‘di na kailangang mamayong. Ano, may kailangan ba kayo sa Malabon?”

“Wala yata, eh. Ayos lang kami—teke lang! May kailangan pala ako! Puwede mo bang pasubukin yaring sanggol? Pagkarating mo sa Malabon, baka maipagpalit mo ng bagoong.”

“Grabe ka talaga! Anak mo iyan! Hindi ko dadalhin sa Malabon para lang masarapan ka sa bagoong!”