What is an Aswang?

Giki Jobs
STORIES PHILIPPINES | TAGALOG HORROR STORIES
10 min readApr 15, 2019

This is the Season 5 Episode 1 of the Kwento at Takutan Podcast.

Play the video to listen.

What is an Aswang? ANO ANG ASWANG?

ASWANG. Tagalog name for an imaginary being variously described, but usually thought of as having wings and the habit of entering while the inmates are asleep and sucking their blood, leaving them lifeless.

ANG ASWANG AY ANG TAWAG SA ISANG IMAGINARY BEING OR CREATURE NA DINEDESCRIBE NA MAY PAKPAK AT UGALI NITONG MANGHIMASOK NG BAHAY HABANG NATUTULOG ANG MGA MAY ARI NITO. INIINOM NITO ANG KANILANG MGA DUGO HANGGANG SA SILA AY MAWALAN NG BUHAY.

The above definition appeared in a 1911 bulletin issued by the Bureau of Education of the American colonial government in the Philippines. But in a Visayan-English dictionary, authored by an American, which also came out in the same year in Manila, aswang is briefly defined, or referred to, as a ‘witch, ghost, demon.”

ANG DEFINITION NA ITO AY LUMABAS SA 1911 NA ARTICLE NA INISSUE NG BUREAU OF EDUCATION OF THE AMERICAL COLONIAL GOVERNMENT DITO SA PILIPINAS. NGUNIT SA ISANG VISAYAN-ENGLISH DICTIONARY, NA ANG SUMULAT DIN AY ISANG AMERIKANO, AT LUMABAS NG KAPAREHONG TAON DIN SA MAYNILA, SINASABING ANG ASWANG DAW AY ISANG MANGKUKULAM, MULTO, AT DEMONYO.

In the 1901 issue of the Scientific American, it described the “asuang” as a “terrible goblin who could assume various forms and devour or eat new-born babies” who “used to leave one-half of his body from the waist downward, while the other sought his daily food; and if salt was cast on the lower part, the parts could not reunite.”

Sa 1901 issue ng Scientific American, dinedescribe ang aswang bilang isang “terrible goblin na nagpapalit-palit ng anyo at kumakain ng mga bagong silang na sanggol”, na “nahahati ang katawan at iniiwan ang pang-ibabang parte upang humanap ng pagkain. Kung lalagyan ang naiwang parte ng katawan ng asin ay hindi na muli ito madudugtong sa itaas na bahagi ng katawan.”

There is a piece that appeared in another American magazine that came out in 1905, the relevant part of that article dealt with the “asuang” is interesting. Here it is:

Mayroon ding article ang lumabas sa isa pang American magazine na lumabas noong 1905, ang parting ito na naglalarawan sa aswang ay interesante, ito iyon:

Ang “Aswang”, o ang baby-eater ay pinaka-masama sa lahat ng evil spirit o masasamang espiritu, at kadalasang ginagamit na pang-mura ng mga tao ay “kainin ka sana ng aswang!” Ang history ng aswang ay medyo masalimuot, at siya rin ang pinaka interesanteng paksa sa lahat ng mga masasamang espiritu. Noong unang panahon daw, siya ay diyos ng Pagkakaroon ng Anak. Paano at kung bakit bumaba ang estado niya sa mga mitolohiya ay walang nakakaalam. SIya raw ay nakatira sa mga puno, gaya ng sa Tikbalang. Siya ay mapanira, at nagpapalit palit ng anumang anyo ang kanyang naisin. Ngunit ang kanyang paboritong anyo ay tulad ng isang matipunong lalaki, minsan ay bilang baboy, paniki, aso, kuwago o iba pang pang-gabing mga ibon. Siya ay karaniwang makikita bilang isang normal na tao, at madalas ay invisible. Kung may taong nagdududa sa kanya, hinahainan ito ng plato na may bawang. Kung tumanggi itong hawakan ito, ang pagdududa ay makokompirma at lahat ng mga tao ay tatakbo para sa kanilang buhay dahil sa takot. Misan, may mga pagkakataong may lumalaban ditto, at siyempre, lahat ay may kahinaan din at maaari pa rin siyang masaktan. Ngunit wala ni isang record ang nagsasaad na may nakasugat na sa aswang dahil na rin marahil sa takot dahil mukha talaga itong malakas.

Sa maraming probinsya sa Luzon, kung ang isang babae daw ay buntis o bagong panganak ay inaatake ng aswang o kinuha ng aswang, ang asawa daw ay mag huhubad habang may hawak na itak sa kamay at aakyat sa bubong at iwinawagayway ang itak nito na wari’y may tinatagang hindi nakikita dahil sa pagaakala nila ay nasa bubong din ang aswang. Patuloy nya itong gagawin hanggang sa ang bata ay mahugasan at mailagay ng maayos sa tabi ng ina nito. Minsan, sa ganitong eksena daw ay may mga dugong pumapatak mula sa bubong indikasyon na nasusugatan ang aswang. Ngunit minsan, dahil sap ag wagayway nga ng itak, natatamaan ang mga tuko o hunyango o mga butiki na nakatago sa bubungan dahilan upang masugatan ang mga ito at mag dugo kaya aakalain nilang sa aswang galling ang mga ito gayong sa mga hayop talaga ito galling. May mga kaso dawn a kapag nakuha na ang bata ay magiging invisible na rin ito kasama ng aswang at matitigilan na lamang ang amain dahil sa takot.

Asuang,” the baby-eater is the worst of all the evil spirits, and a frequent curse among the natives is to shriek: “Asuang bite (eat) you!” His history is very peculiar, and he is by far the most savage and interesting of the malevolent spirites. In antiquity (the old days) he was the native god of Fertility, both natural and physical, and live at the time in trees, as does “Tigbalan,” but has degenerated to his present low estate, though how, no one seems to know. He is always destructive (damaging), and can assume any form he chooses, though his favorite and principal manifestation are the shapes of a man of tremendous stature (build), ferocity (fierceness) of expression and strength, or as a pig, bat, dog, owl, or other night-flying bird of size. He generally appears as a man and is frequently invisible. “Asuang” occasionally takes the form of a usual man, and when some person is suspected of being the demon in disguise, a dish containing garlic in some form is set before him. If he refuses to touch it, the suspicion becomes instant belief, and the persons about the culprit (criminal) flee for their very lives. On rare occasions, some one will stand his ground and attack the frightful creature, for through a god and a demon, and having miraculous powers, he is still vulnerable. No record can be found of any one, however, who was able to wound him, when visible, fear being stronger in most cases than even the desire to boast.

In many of the provinces of Luzon, when a native woman is accouched (pregnant) the father strips naked, takes a bolo, or sword in hand, and perches himself in the sharp angle of the roof, slashing vigorously about him continuously until the child is washed and placed in its mother’s arms. It is at this critical period in the life of the child that Asuang, invisible, hungry and lusting for human blood, endeavors to snatch the child up and eat it. The danger is not passed until after the child has been properly tended and given to its mother. Sometimes as the father is slashing away, tiny drops of blood fall, showing that Asuang has been wounded and temporarily driven away. What happens in cases of this sort is that some little animals like the small lizard has been struck by the keen bolo while hiding in the thatch. Traditive cases are known where babies have been snatched, and wounded disappear rapidly in the invisible jaws, but the father was always so paralyzed with fear and horror as to be unable to strike a blow in defense of his young.

Bukod sa mga nabanggit, marami pa raw na pagsasalarawan ang mga naninirahan noon dito sa Pilipinas about sa aswang.

Ayon kay Diego Bergano, isang paring Espanyol na dumating sa bansa noong 1730s, ang “asuang” daw ay isang tao na pinapahiran ang kanyang katawan ng langis, lumilipad patungo sa isang buntis na babae at kinukuha ang sanggol mula sa sinapupunan nito.” Ayon naman kay Marcos De Lisboa, isa ring 18th century Spanish Priest, ang aswang daw ay isang “mangkukulam na kumakain ng laman ng tao.” Ayon naman sa isang 19th century na manunulat na Pilipino, sa kanyang mga akda patukoy sa Philippine folklore, si Isabelo De Los Reyes, sinasabing ang aswang daw ay isang Mangkukulam na galling sa Visayas at nagpapanggap bilang aso o pusa at kumakain ng mga atay at mga bata sa sinapupunan.

Sa katunayan, sa lahat ng nabanggit, lahat ng mga dekripsyong ito ay napaka lawak about sa mga aswang. Sila ay hindi nakapagbigay ng maiging pagkakaunawa sa depinisyon ng aswang.

Base sa mga iba’t ibang mga paniniwala sa iba’t ibang parte ng bansa na paguusapan natin sa mga susunod na episode, ang aswang daw ay diumano isang mangkukulam, pwedeng lalaki o babae na ang kaanyuan kung sa araw ay tulad lang din ng normal na tao. Ngunit kung gagamitin nito ang kanyang kapangyarihan sa gabi, nag-iiba ito ng anyo at nagkakaroon ng kakaibang lakas na sinasabing katumbas ng higit sa dalawa o tatlong tao. Siya rin ay magkakaroon ng kakaibang bilis sa paglalakd tuwing gabi o minsan ay nakakalipad pa. Dahil nga sa sobrang bilis niya, maaaring Makita mo siya ngunit sa isang iglap lang ay wala na. Ang kapangyarihang magbago ng anyo ay karaniwang sa aswang din daw. Maaaring magpalit ng anyo ito sa isang aso o anumang hayop upang mag disguise at walang makaalam na aswang talaga ito. Minsan naman daw ay nahahati nga ito sa dalawa at ang lumilipad ay ang pang-itaas na bahagi ng katawan.

Ang aswang ay aatake matapos magbago ng anyo. Usually, ang bibiktimahin niya ay alam na niya kung sino at saan pupuntahan gaya ng mga buntis o mga may sakit o kamamatay pa lamang o kakalibing pa lamang, kapag nadaanan ka rin nito ay maaaring mabiktima ka rin.

Ang aswang daw ay kumakain ng laman ng tao, dugo at lamang loob, usually ang atay regardless kung ang biktima ay buhay pa o patay na o kamamatay pa lamang. Kaya nga nauso ang pag eembalsamo dati kahit sa ibang bansa, upang hindi na gambalain ng mga ganitong nilalang ang namatay na. Ginagawa nila ang pag eembalsamo hindi dahil sa purpose ng hygiene kundi dahil takot silang kainin ng aswang ang kanilang mga yumao. Sila rin ay kumakain ng mga fetus o mga sanggol mula sa sinapupunan o mga plema ng may sakit, oo plema.

Ayon kay Maximo Ramos, isang manunulat na pinoy, gumawa siya ng mga classification ng mga aswang base sa physical traits, habitat o mga Gawain. Io ang kanyang mga sinabi.

1. Ang unang klase ng aswang ay tulad ng Bampira na umiinom ng dugo ng ibang tao. Ang ganitong uri ng aswang daw ay umiinom ng dugo gamit ang dulo ng kanilang matutulis at matatalim na dila na kayang butasin ang balat at hiwain ang mga ugat ng biktima.

2. Ang ikalawang uri ng aswang daw ay ang manananggal na kumakain naman daw ng lamang loob ng tao. Ito ay nagpapakita sa umaga bilang isang normal na tao ngunit pagdating ng gabi ay nag iiba ito ng anyo, isang nilalang na may pakpak at nahahati ang katawan. Ang kalahating katawan nito ay nagtatago sa isang lugar na ang nilalang lamang ang nakakaalam. Kaya tinawag itong manananggal ay dahil tinatanggal nga nito ang mga lamang loob ng biktima.

3. Ang ikatlong uri ng aswang ay ang aswang na kayang magpalit ng anyo gaya ng isang malaking aso na tinatawag din dawn a Weredog.

4. Ang ikaapat na uri ng aswang ay ang mga mangkukulam o mga mangbabarang. Mukha silang normal na tao ngunit sinasapian ito ng demonyo at may kakayanang makapanakit at makapatay dahil sa kapangyarihang ito.

5. Ang huling urid aw ng aswang ay isang ghoul type. Ang ghoul ay tulad lang din ng isang normal na tao ngunit kaya nilang maging invisible at dahil sa ganoong kakayanan, ang kanilang biktima ay unaware sa kanilang mga pag atake.

Kung titignang maigi, maaaring ang mga uri ng aswang na isinaad natin kanina ay mali o inaccurate. Titignan natin sa mga susunod na episode kung bakit. Sabi ng ilan ay mayroon lamang dalawang uri ng aswang. Ang naglalakad at ang lumilipad. Ang mga lumilipad naman ay mahahati rin sa dalawa, pwedeng lumilipad na nahahati ang katawan gaya ng manananggal o lumilipad ng buo ang katawan.

Ang lahat daw ng aswang ay mga mangkukulam, regardless kung ano ang klase nito. Kapag daw ang aswang ay nakontrol na ng kapangyarihan nito, siya ay magkakaroon ng isang pambihirang lakas at nakakapg transform nga sa mga naisin nitong porma, madalas ay sa mga hayop dahil dito ay tinatawag din silang mga shapeshifters. Kahit na raw nag aanyong mga hayop sila, ang kanilang kaisipan daw ay tulad pa rin kung ano sila bago sila magbago ng anyo. Nagbabago lamang daw sila ng anyo upang mag tago para hindi sila mahalata kung sila ay aatake na. Again, ang aswang daw ay natural na kumakain o umiinom ng dugo ng tao at tulad din ito ng ghoul. Kumakain ng lamang loob. Walang aswang na umiinom lamang ng dugo o kumakain lamang ng lamang loob.

Isa pang mali sa teoryang ito ay may mga mangkukulam na hindi naman aswang, sila lamang ay may kakayanang manakit ng kapwa at hanggang doon lamang iyon. Ngunit may mga mangkukulam talaga na nagiging aswang, so huwag tayong malilito doon. Hindi lahat ng mangkukulam ay aswang.

Si Francis X. Lynch, isang Amerikanong misyonero na nadestino sa Bicol region noong late 1940s. Habang naroroon, nagging aware siya sa paniniwala ng mga Bicolano patungkol sa aswang. Dahil doon, ang kanyang curiousity ay tumaas at naglaan siya ng oras para pagaralan ang nasabing paniniwala. Nagreseach siya, at matapos iyon, sinabi niyang mayroong at least dalawang definition ng word na aswang. Isang Generic at isang specific. Generally, sabi ni Lynch, ang term na aswang ay ginagamit sa buong Bicol region bilang pangalan ng isang tao, babae o lalake na nagsasagawa ng witchcraft. Ngunit kung idedefine ng mas accurate, ang sabi niya, “ang aswang ay isang lalaki o babaeng nagtatangi ng isang pambihirang kapangyarihan, nagiging mabibilis ito at magpapalit ng anyo. Kumakain ng dugo at laman ng tao, maaaring ito’y may sakit, mamamatay na, o kamamatay pa lamang. Ang mga kapangyarihang ito ay nakukuha sa pamamagitan ng isang sumpaan sa pagitan ng mga evil spirits o sa pamamagitan ng mahika, o pareho.

Ang definition na ito ni Lynch ay maaaring tama. Ngunit maaari ring specific lamang sa Bicol Region. Ngunit kung ikukumpara ito sa mga paniniwala mula sa iba pang parte ng bansa, pwede nating idefine ang aswang na:

“Isang mangkukulam na gumagamit ng isang pambihirang kapangyarihan upang magkaroon ng isang natatanging lakas at bilis at makapag bago ng anyo, kumakain ng lamang loob, umiinom ng dugo, kumakain ng bata sa sinapupunan. Isang nilalang na kumakain din ng mga taong namatay na o kamamatay pa lamang at may kakaibang apettite sa mga plema ng taong may sakit.

--

--