Passion of Christ for the Working Class: “Most of the unfortunate die not of illness, but of poverty”

Liwanag at Anino
Liwanag at Anino
Published in
5 min readApr 15, 2020
“Christ is a Socialist”: The first few verses of the religious text “Pasyon ng mga Manggagawa” (1936) written by Lino Gopez Dizon, as published in Teresita Gimenez Maceda’s book anthology, “Mga Tinig Mula sa Ibaba” (1996)³

The tradition of “Pabasa ng Pasyon” (“reading the Passion of Christ”) during Lent in the Philippines is a rich and diverse one, with the text of the pasyon alone written in several languages, such as Tagalog, Ilocano, Pangasinense, Ibanag, Kapampangan, Waray, Bicolano, Hiligaynon, and Cebuano.¹

It is said that in 1703, Gaspar Aquino de Belen wrote the first Tagalog pasyon. Many others followed it, and the pasyon soon embodied the Filipinos’ sensibility towards the teachings of Christ. It became their own way of interpreting religion through chants and a set of texts not necessarily contained in the Bible.

Many activists and political prisoners have written their own interpretations of the pasyon, such as Francisco Rodrigo’s “Si Kristo ay Rebelde” (1976), and “Pasyong Mahal ni San Jose” (1979) by Jose Lacaba.

Pasyon “was always revolutionary because it made up for the absence of the Bible (which the Spanish colonial government had not published nor translated in local languages in its more than 300 years of rule).”²

Among revolutionaries who wrote one of the most famous and resonant versions of the pasyon was the great poet Lino Gopez Dizon, with “Pasyon ng mga Manggagawa” (“Passion of the Workers”), spanning 794 lines contained in 30 chapters.

“Most of the unfortunate die not of illness, but of poverty.”

This is the title of chapter 26 of the text, written in 1936, originally in Kapampangan, and then translated to Tagalog. Below is the chapter presented in its full glory, proving especially poignant during our current state of crisis today.

XXVI. “Karamihan sa mga Dukha Hindi Namamatay sa Sakit — Namamatay sa Kahirapan”

Kapatid kong walang malay
Kauring mahirap ang buhay
Panahon nang tayong mamulat,
Upang di na tayo manambitan
Sa kahirapan mangamatay.

Dahil sa kasalukuyan
Ang ating kalagayan
Totoong nakahahabag,
Ang ating kahirapan
Nagbubunga ng kamatayan.

Ang uring anak-pawis
Gumagawa ng mabigat
Nagugutom at napupuyat,
Gusto na nating lumuha
Kung sakit natin lulubha.

Tayong mga maralita
Kung sakit natin bahagya lang
Sa atin ito’y walang kwenta,
Nais man nating humingi ng lunas
Paano kung naghihirap.

Nais mo mang kumunsulta
Sa Doktor kung may sakit ka
Upang gamutin iyong karamdaman,
Ito’y tinitiis na lang
Lalo kung wala kang pera.

Kaya naman ang iba
Mga kapatid na dukha
Kung ito’y may sakit na,
Dadaloy na lang ang luha
Kung panggastos naman ay wala.

Kung para sa sakit niya
Hatol ng Doktor sa kanya
Kumain ng masustansiya,
Kung hikahos siya
Ano ang kanyang magagawa . . . ?

Itong kawawang may karamdaman
Doon siya lalong nagdaramdam
Nanaisin pang ulo’y mabiyak,
Dahil sa kagipitan
Sa banig na lang nakaratay.

Ito na ang nagaganap
Kapatid kong walang malay
Pag-isipan n’yong mahusay,
Panahon na upang mamulat
Sa kalagayan nating mahalay

Sakit maaring gamutin
Kung may perang gagastusin
Maari mong pagalingin,
Lalo na kung ang karamdaman
Bago pay ginamot na.

Ngunit kung totoong hikahos ka
Kahit bahagya ang karamdaman
Kung bakit di malunasan,
Ito’y lalala pa
At lubos kang mapahamak.

Kaya tayong mga dukha
Kapatid kong naisahan
Ng mga mapagsamantala,
Hangarin na nating lahat
Ang ginhawa sa liwanag.

Kung dahil sa kahirapan
At tinding kasakitan
Mamamatay tayong ganyan,
Sa puntod natin makikita
Ang ating kaligtasan.

Kayong nagpapalitaw ng kabuhayan
Nagpapawis sa kagubatan
At mga bisig na masisipag,
Di kayo dapat mamatay
Sa gutom at lumbay.

Kayong gumagawa ng yaman
Sa bunga ng pinagpawisan
Di kayo dapat magkaganyan,
Kukunin na ng kamatayan
Dahil lang sa kahirapan.

Bagay sa inyo tatlong doktor
Kahit bahagya kayong sinipon
Upang agad kayong magamot,
At hindi ang mga simaron
Nang-aalipin at mang-iipon.

Kayong manggagawa
Bagay sa inyo’y kumain sana
Nitong pagkaing masustansiya
Di itong mga kapitalista
Basta na lang naghihintay.

Ngunit ang nangyayari
Kapatid kong naduhagi
Ngayon lumilitaw na tumbalik,
Kung sino pang nagsisilbi
Sila ang sa gutom napepeste.

Kung sinong walang ginagawa
Kundi magpalaki ng tiyan
Silang sapat ang kagamitan,
Bahagya lamang ang karamdaman
Mga Doktor panay na ang tapal.

Kaya kayong mga kapatid ko
Kauring nagdarahop
Magkaisa na tayo,
Magdamayan na tayong lubos
Sa mga buwaya lumaban tayo.

Kung di pa tayo magsama-sama
Tayong sinamsam ang kabuhayan
Ng mga makakapal ang mukha,
Tayong lahat mararatay
Sa kahirapan mamamatay.

Sinumang may karamdaman
O sinumang may kasakitan
Kung panggamot ay wala,
Tutulo na lang ang luha
Kakapusin ang hininga.

Itong mga dukhang magulang
Sa ngayon kanilang mga anak
Tiki-tiki wala man lamang,
Kay liit nitong bagay
Mabili di man magawa.

Kaya kung inyong pag-aralan
Itong ating kalagayan
Tayong mahihirap,
Matagal nang nalinlang
Ng mga mapagsamantala.

Matagal na tayong pinipiga
Ng mga mapagsamantala
Dito sa sangmaliwanag,
Dapat nang ipagtagumpay
Ang katwiran ng mga dukha.

Ang gumagawang mabuti
Walang hintong pagpawis
Bakit sila pa ang nagigipit,
At kung sila’y magkasakit
Kakalampagin na lang ang langit.

Kaya itong ating kahirapan
Kailanman di na malulunasan
Kundi tayo magdadamayan,
At di pa lalabanan
Sa mga taong mapang-alila.

Kundi pa magsasamang landas
Lahat tayong anakpawis
Lalong kawawa ang kinabukasan,
Nitong ating mga anak
Lalo silang mapapahamak.

Kaya ngayon mga kapatid ko
Katulad na nagdarahop
Dito sa ibabaw ng mundo,
Suriin ang ipinaliwanag ko
Mabuting pag-isipan ninyo.

Pagkatapos ninyong suriin
Katulad kong minamaliit
Lalo na ng mga sipsip,
Kalagin na natin ang tali
Pinanggapos ng masalapi.

Hanggang di tayo magbalikwas
Sa kamay ng mga balasubas
Lalo tayong mapapahamak,
Madadagit tayo diyan
Sa mga kuko nilang matalas.

Sa Diyos man di kasalanan
Ang humanap ng kalayaan
At magtanggol sa katwiran,
Kundi ito kabanalan
At gawin nating karangalan.

Kaya ngayon na kapatid ko
Ang sinabi kong pariahon
Magsama-sama na tayo,
Ibagsak mula sa trono
Lahat ng mga nang-aabuso.

Tayo ang dapat mangibabaw
At humawak sa gobyerno
Hindi ang mga magnanakaw,
Nang hindi na tayo sisigaw
Sa kahirapan magpupuyos.

Di na matatanggal
Itong mga sibol ng kabuhayan
Taong nagpapalitaw ng yaman,
Dahil sa kagipitan
Namamatay sila sa kahirapan.³
— Lino Gopez Dizon (1936)

Listen to an angelic musical interpretation of an excerpt of this chapter by Teenage Granny below:

This track is available for download, with an option to donate to vulnerable communities in the Philippines most severely affected by the COVID19 pandemic.

Sources:

  1. Javellana, Rene B., S.J. “Pasyon Genealogy and Annotated Bibliography.” Philippine Studies vol. 31, no. 4 (1983) 451–467. Quezon City: Ateneo de Manila University, 2008. http://www.philippinestudies.net/
  2. Inquirer Northern Luzon. ‘Pasyon’ with socialist slant survives wars. https://newsinfo.inquirer.net/775725/pasyon-with-socialist-slant-survives-wars
  3. Gimenez-Maceda, Teresita. “Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930–1955.” Quezon City: University of the Philippines Press, 1996.

--

--