Buhay

Marlo Perez
Makabuluhang Pagsulat
2 min readSep 6, 2014

--

Isa ako sa mga henerasyon na hindi kabilang sa tinatawag na millenials. Teka ano nga ba ang millenials? Ewan ko ba. Pinauso lang ata ng social media.

Social media is taking all our online life as well as intimidating our offline life. Yan ang realidad. Dahil sa pagiging konektado ng tao tayo ay nalululong sa pagtigil ng matagal sa ating smartphone, sa ating laptop at kung ano ano pang gawaing online. Nawalan na tayo ng panahon sa ating iba pang mas importanteng aspeto ng buhay.

San bang henerasyon ako kabilang. Ako ay batang 90's ang isang clue. Ako ay isa sa mga tao na nakaranas ng walang internet at nakakaranas ng internet. Ibig sabihin mas lamang ako sa mga millenials ngayon na puro internet lang ang nakikita at nararanasan. Ako ay isinilang kung saan ang dekaadang ito ay isa sa turning point ng nakaraang daang-taon. Nakakatuwa pero masakit mang isipin ay tumatanda na din ako. Malapit na rin siguro akong dumating sa punto na pwede ko nang tawaging “life begins at 40". Kung wala pa kayong idea eh wag nyo nang isipin.

Mahilig nga pala akong magbasa. Naalala ko na ang pinakauna kong binili mula sa aking savings ay “ Looking the Tiger in The Eye”. Ito ay isang aklat patungkol sa history ng nuclear weapon. Wow nakakagulat at sa murang edad eh nakakapagbasa na ako ng ganon. Na-curious lang ako dati sa mga kaganapan ng nakaraang Cold War. At yun nga din mahilig ako sa history.

So paano yun na lang muna at sa isang araw na ulit. Isang malaking pagbubukas ito ng mga kwento ko tungkol sa buhay na naranasan ko at nakita ko sa iba.

Salamat sa pagbasa.

--

--

Marlo Perez
Makabuluhang Pagsulat

Blogger. MBA graduate. Filipino. Working in Makati. Purchasing professional