FREESTYLE | Pagkalas, Pagkawala, Paglaya
๐๐๐๐๐๐๐๐.
Nasa rurok na ang kapabayaan. Kaliwaโt kanan na ang mga kaso ng pandarahas at paniniil sa ibaโt ibang sektor ng lipunan. Sandamakmak ang krisis-panlipunan na kailanmaโy hindi nareremedyuhan, ngunit ang pagbabago palaโy ang mas lalo pang paglala ng mga ito. Pinapataba ang bulsa ng mga buwayang nakaupo sa itaas, habang dumadanak naman ang dugo at pawis ng masang api na kumakayod sa ilalim ng sistemang bulok. Ang epekto ng mga itoโy ang pagparalisa at paglumpo sa mga gawaing hangad sanaโy matulungan ang mga may kapansanan at mahihirap. Mahirap ang maging mahirap, ika nga, at mas lalo pang ramdam ito ngayong tuwiran na ang kapabayaan.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Narating na natin ang kasukdulan. Kay tagal nang sinisikmura ng sambayanang Pilipino ang mapupusok na polisya ng administrasyong walang ibang hangad kundi busalan ang mga umaalingawngaw na tinig ng masang api. Sa sadyang pagtapak sa mga karapatang-pantao, lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan, nasasalamin kung gaano kahalang ang bituka ng inkompetenteng gobyernong ito. Kinikitil din nito ang mga bagay na dapat malayang nagagawa ng masang Pilipino. Walang preno, walang pauntol-untol, walang pag-aatubiling tinitiyak na ang kapakanan lamang ng mga naghaharing-uri ang mangingibabaw.
๐๐๐๐๐๐๐.
Lalagapak lamang tayo habang tumatagal โ hanggaโt hindi natutupok ang sistemang pahirap, uulit lamang na para bang siklo ang kalupitan sa bansang ito. Napakalaking kabalintunaan lalo na ang โBayanihan: Heal as Oneโ Act โ imbes na humilom ay mas lalo pang lumulubha ang kalagayan ng masa dahil walang bakas ng pagmamalasakit at walang bahid ng pananagutan ang pasistang rehimeng ito. Nadedehado ang mga dapatwaโt may benepisyong natatamasa sa pamamagitan ng mga mapagbalatkayong batas, na harap-harapan ding tinatanggalan ng pangunahing karapatan.Wala nang dahilan para magtimpi pa, ang nagpupuyos na galit ng masang Pilipino ay hudyat na para yurakan ang sistemang mapaniil.
Tumitindig ang Manila Collegian sa paggiit ng mga patakarang higit na makabubuti sa kapakanan ng ating maralitang mga kababayan. Ipinagtitibay ng institusyong ito ang pag-alingawngaw sa boses ng katotohanan at paglaban.
#OustDuterte
#DefendPressFreedom
#SerbisyoHindiPerwisyo