Ate Amy: Kwento ng Pagmamahal sa Pamilya at Trabaho

MyKuya Pilipinas
mymall
Published in
3 min readMay 15, 2018

Hindi biro ang magtaguyod ng pamilya, lalo na para kay Ate Amy na sinubok ng panahon at pinatibay ng mga pinagdaanan. Ito ang MyKuya Kwento ni Ate Amy na pinatatag ng kanyang pagmamahal sa pamilya.

Si Ate Amy ay isang Full-time Team Leader sa isang cable company. Bilang TL, siya ay bihira lang pumunta sa opisina dahil madalas ay nagre-report lang siya sa tawag at text. Hindi din tiyak ang kinikita dito kaya naisipan niya na maghanap ng pagkukunan ng dagdag kita. Hindi naging madali para kay Ate Amy ang magtrabaho sa kanyang edad. Pero dahil sa mga anak at apo, siya ay patuloy na kumakayod para may maiuwi sa pamilya. Kaya nang makita niya ang MyKuya sa isang social media post, agad niya itong sinubukan.

Sa edad na 51-anyos ay masigasig pa rin siyang nagtatrabaho para tustusan ang kanilang pangangailangan. Pero pagod man sa pagiging Ate, hindi ito mababakas sa kanya dahil masaya siya sa ginagawa. “Okay ako dito sa MyKuya walang stress and pressure.” Ayon sa kanya, ‘blessing’ si MyKuya. Nababawi niya din minsan sa tip ang kanyang pang-krudo dahil naka-motor siya minsan sa serbisyo! Wala din daw problema sa kinikita niya dahil madami ang requests.

Marami nang pinagdaanan si Ate Amy sa buhay. “Iniisip ko nalang para sa pamilya ko ito. Di ko kailangan mag-backout o sumuko. Trabaho lang talaga, bawal sumuko. Pag-umayaw ka, ikaw din ang talo.” Sa ngayon, MyKuya ang kanyang pangunahing hanapbuhay kaya ibinubuhos niya ang oras at lakas niya dito. “Gusto ko kase wala masabi si customer sa MyKuya. Gusto ko maging perfect! Walang reklamo. Hindi ka pwede magsabi ng ayaw ko na, pagod na ko!” Masaya siyang maranasan kung paano kumita ng pinaghirapan; na bago kitain, magpapagod at magpupuyat ka para dito.

Nababawi din ang puyat at pagod niya mula sa samahan nila ng iba’t ibang kuya at ate. “Sobrang okay sila! Nawawala stress ko sa chat namin, mga kalokohan sa groupchat ganun. Nawawala pagod mo at nag-eenjoy. Minsan may mga bonding moments kahit naka-duty.” Ang kanilang samahan ay naging isang pamilya. Aktibo din siya sa pagpo-promote ng MyKuya. Pino-post niya ito sa kanyang social media para maghikayat ng mga nais sumali. Isa sa mga nahikayat niya ay si Ate Maricel na ngayon ay isang aktibong Ate na din at masaya ding nagbahagi ng kanyang kwento.

Ayon kay Ate Amy, may mga taong natatakot na ma-’reject’ kaya hindi nagpapatuloy sa pag-apply sa MyKuya. Pero ang buhay ni Ate Amy ay isang inspirasyon na hindi hadlang ang kasarian o edad sa pagtatrabaho. Kaya ito ang kanyang masasabi,

“Wag maging negative always positive!”

Ate Amy: Your Helping Hand On-Demand.

--

--