Kuya Myrbene: Kwento ng Paglalakbay ng isang dating OFW

MyKuya Pilipinas
mymall
Published in
2 min readMay 15, 2018

Ang pagiging OFW ay isang lakbayin. Marami ang nagsisikap sa ibang bansa para itaguyod ang kanilang pamilya. Ngunit kaakibat ng pagkita sa ibang bansa ay ang pagkawalay sa pamilya. Ito ang kwento ni Kuya Myrbene at ang kwento ng pananatili niya sa MyKuya

Minsang sinubok ni Kuya Myrbene ang buhay OFW sa loob ng 16 taon. Bumalik siya sa Pinas para magsimulang muli. Sa edad na 46-anyos, marami na siyang narating na bansa at iba-iba rin ang kanyang naging trabaho- naging factory worker sa Taiwan, karpintero, installer, maging Cook sa Jeddah, at iba pa. “Dati sa abroad, madali lang ang pera. Ngayon kailangan mo mag-save. Kailangan itago. Higpit ng sinturon.” anya ni Kuya Myrbene. Hindi madali ang buhay sa Pinas pero para kay Kuya Myrbene, patuloy siya sa lakbayin.

Nung una, sinubukan lang ni Kuya Myrbene ang MyKuya. Sa kanyang pagtatrabaho, ay nakita niya ang kaibahan nito sa lahat ng bansa o trabahong pinasok niya. “Ibang environment din dito. General services. Dagdag experience sa akin. Tsaka okay sa akin kasi may edad na ko, exercise din.” Sari-sari ang trabaho sa MyKuya kaya naman nagagamit ni Kuya Myrben ang kakayahan mula sa maraming bagay sa pagiging Kuya. Nagkaroon din siya ng mga kaibigang kuya at ate, at hindi naging hadlang ang edad sa kanilang samahan. “Friendly ang mga ate at kuya, maganda bonding, so far walang conflict.” Bilang isang dating OFW, sanay makisama sa iba si Kuya Myrben at mapapatunayan ito ng kapwa kuya at ate niya.

Sa tagal na panahon niyang pagtatrabaho, patuloy pa din sa paglawak ang kanyang mga kakayahan. Mas natuto siyang makipag-usap sa customers. Ayon sa kanya, sa loob ng maikling oras kailangan makuha mo na ang mga detalye ng request. Para naman sa mga striktong customers, pabayaan nalang at ipagpatuloy nang maayos ang trabaho.

“Kaya ako nag-stay kasi may patutunguhan tong MyKuya.”

Si Kuya Myrbene ay kasabay sa tagumpay ng MyKuya at parte ng komunidad ng mga kuya at ate na binuklod ng magandang pagsasamahan. Mula sa kanyang mga salita, “Darating ang panahon na pag-successful na ang MyKuya masasabi mong…

..ah naging parte din ako nyan e.”

Kuya Myrbene: Your Helping Hand On-Demand.

--

--