Partner-view: Ang Mga Kwento ng Tagumpay kasama si Josh

Danica Octa
mymall
Published in
4 min readMar 27, 2019

Ang mga Partner ay nagsisilbing isang malaking bahagi ng tagumpay namin dito sa MyKuya. Binibigyan nila ang mga customer ng ipinangakong flexibility at convenience habang itinataguyod ang sariling pangangailangan sa pamamagitan ng paghahanapbuhay. Ang tungkulin naman ng Partner Success Team dito sa MyKuya ay ang matulungan ang mga Partners namin upang makamit nila ang 100% success rate na siyang layunin ng MyKuya para sa kanila. Sa tulong ng aming training and personal development programs, ginagawa naming misyon ang matulungan silang magtagumpay sa kanilang propesyon.

Ang blog post na ito ay ang unang bahagi ng isang serye ng blog posts na ipinangalanan naming Partner-view: Ang Mga Kwento ng Tagumpay. Ito ay nagpapakita ng mga tunay na tugon sa pakikipag-interview ng mga Partners sa amin.

Sinimulan kong makipag-interview sa isang pa-graduate: si Josh ay isang estudyante ng BS Mechanical Engineering ng Technological Institute of the Philippines Manila. Nagsimula siyang maging Partner noong Pebrero 2019 at magmula noon ay nasisiyahan siya sa experience kasama namin.

Maari bang magbahagi ka tungkol sa iyong sarili?

Ako si Josh. Ako ay 23 anyos at magiging 24 anyos ngayong Abril. Mahilig akong kumanta at maglaro ng computer games. Minsan kapag may nag-aaya maglaro ng basketball, eh ‘di go lang.

Lumaki ako sa Qatar. Siyam na taon ako doon, at maraming nagtatanong bakit marunong akong mag-Tagalog. Well, may Philippine school kasi doon. Then nag-start ako ng college dito. Nag-start ako sa Mapua. Kinuha ko ang Mechanical Engineering pero hindi ko naman sineseryoso pag-aaral ko dati kaya sayang ang oras at pera doon, kaya ako nag-transfer sa TIP. So after 8 years, finally ga-graduate na ako.

Paki-share naman muli ang iyong success story noong una kitang na-interview bilang partner.

Happy-go-lucky kasi ako. At inaamin ko hindi talaga ako nag-aaral. Sa buong stay ko sa Mapua, kahit na sobrang dami kong bagsak na subjects, go lang. Hindi ko masyado iniisip yung future ko, ang importante sa akin is nag-e-enjoy lang ako parang ganun. Na-realize ko na lang na “What? Nasaan na yung mga blockmates ko? Bakit halos lahat ng class ko ako yung pinaka-matanda?” Dumating yung time na OUT yung status ko. So naisip ko na mag-transfer ng school which is TIP. Nag-set ako ng goal na kailangan ko na matapos pag-aaral ko. Kahit may mga bagsak ako, at least nabawasan unlike before buong semester bagsak talaga. Hindi talaga sumuko para lang matapos. Iniisip ko yung mga classmate kong nauna na sa akin at syempre mga magulang ko na nahihirapan na din. Sa wakas, after 8 years nakamit ko din yung pangarap ko na makatapos. Hindi ko hinayaan mawala yung grit and determination ko para i-pursue mga pangarap ko.

Bakit mo gusto maging Partner?

Gusto ko maging Partner dahil gusto ko pa ma-explore or enhance ang iba kong skills. Also, gusto ko din maging productive habang naghihintay para sa aking licensure exam.

Kumusta ang trabaho mo sa MyKuya? Anu-anong tasks na ang nagawa mo?

Nagtatrabaho ako sa Business Operations Team ng MyKuya mismo. Nag-ha-handle ako ng booking requests at client communications. Well, challenging siya pero malaking pasasalamat sa mga mentor ko dahil nakayanan ko siya. Hindi nila ako pinapabayaan at we work as a team!

Kumusta naman ang mga training programs?

It is a wonderful experience. Binigyan nito ako ng pagkakataon na ma-improve ang aking communication skills. Inaamin ko na gusto ko yung nagtatrabaho na ako lang mag-isa. Ang advantage ay mas mabilis na ako magtrabaho. Ang disadvantage is nadadamay ang team kapag may nagawang mali. Lately lang naman may slight improvement sa communications and pagiging team player. Iyon ang dahilan kaya itong training na ‘to ay napaka-importante para sa akin dahil tinulungan ako nito makamit ang tagumpay at ang husay na kailangan para sa aking personal growth.

Anong payo ang maibibigay mo sa mga bagong Partners?

Para sa susunod na Partner recruits, good luck sa inyong mga plano sa buhay. May dadating na task na para sa inyo.

Ang kahanga-hanga na pagtitiyaga ni Josh upang maka-graduate sa engineering sa kolehiyo pati na rin ang dedikasyon niyang matuto na higit pa sa inaasahan sa kanya ay tunay na nagsisilbing inspirasyon para sa mga taong nais matamo ang kanyang nakamtan. Sana ay tularan natin si Josh dahil ang sipag sa trabaho at ang kagustuhan na mapabuti ang sarili ay ang siyang magdadala sa kahit sino sa mas maraming oportunidad na panghanapbuhay.

Nais ba ninyo maging MyKuya Partner? Mag-apply ngayon at mag-message sa MyKuya Partners Facebook Page. Aabangan namin ang iyong mga application! Maraming maraming salamat!

--

--