Bakit ang isang Decentralized Autonomous Organization (DAO) ay may katuturan para sa mga proyekto ng blockchain.

NEAR Protocol PH
NEAR Protocol Philippines
3 min readNov 3, 2021

Ang hinaharap ay patuloy na binubuo habang isinusulat namin ang sanaysay na ito, 2021 na at ang mga Decentralized Autonomous Organizations (DAOs) ay nakakaranas ng malalaking pagbabago.

Karaniwan sa isang enterprise ay mayroong mga top-down hierarchies bilang mekanismo ng kontrol. Tingnan natin ang isang mabilis na halimbawa kung paano gumagana ang isang DAO nang naiiba sa pagkilos at kung bakit sa Meta Pool napagpasyahan naming ilunsad ang aming platform na sinusuportahan ng isang token ng pamamahala na tinatawag na $META.

Isipin na gumagawa ka ng isang crypto project, mayroong isang malinaw na kahulugan ang organisasyon nang walang mga tao na nag-oorganisa ng ibang mga tao. Ang lahat ay organikong tumatakbo at ito ay isang generative nature, ibig sabihin ito ay nagbabago at nakakaranas ng mataas na paglago mula sa loob.

Ito ay maaaring basahin bilang utopic, ngunit kami ay matatag na naniniwala na dapat tayong lumikha ng hinaharap na gusto nating makita sa ating mundo.

Paano nakakamit ang ganitong paraan ng pagtutulungan?

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok mula sa mga interesadong partido na nagbabahagi ng mga karaniwang halaga, misyon at layunin. Ang mga autonomous na organisasyon na hinimok ng mga tao ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng pagboto na iminungkahi ng ibang mga miyembro ng komunidad.

Maaari kang magmungkahi, bumoto, at talakayin ang mga desisyon bilang isang pangkat nang hindi kinakailangang magkaroon ng iisang awtoridad upang mag-ulat. Nagreresulta sa mga bagong ideya na ibinuhos at iminungkahi mula sa loob ng organisasyon upang malutas ang mga mission-critical challenges na kinakaharap ng DAO.

Sa Meta Pool, naniniwala kami na ang isang matagumpay na ecosystem ay nangangailangan ng pagkakaiba, kaya gusto naming mag-alok sa mga NEAR token holder ng isang platform na madaling gamitin na maaari silang makilahok at magkaroon ng karapatang magsalita sa pamamagitan ng mga on-chain activities tulad ng staking at pagbibigay ng liquidity, habang lumilikha ng higit pang desentralisadong network.

Ito ang dahilan kung bakit tatakbo ang Meta Pool bilang isang DAO sa Sputnik V2, na siyang native platform ng NEAR upang patakbuhin at pamahalaan ang mga Desentralized Autonomous Organizations. Orihinal na inilunsad noong Pebrero ng taong ito, nakita ng Sputnik ang mabilis na paggamit sa loob ng NEAR ecosystem dahil ito ay madalas na ginagamit upang magbigay ng transparency sa kung paano pinamamahalaan ang mga pondo ng iba’t ibang guild.

Bilang mga tagalikha ng Meta Pool, gusto namin ang platform ng Meta Pool ay pamahalaan ng komunidad ng NEAR ecosystem. Nangangahulugan ito ng pagbibigay ng ganap na kontrol sa platform sa mga may hawak ng NEAR at $META token sa pamamagitan ng DAO.

Sa sandaling gumagana ang mga DAO sa isang fairly binary nature, pwede ka ng bumoto sa mga panukala na isinumite mo o ng iba, kadalasan ang mga boto na ito ay nagaganap sa mga blockchain sa pamamagitan ng pagpirma ng isang transaksyon gamit ang iyong crypto wallet.

Ang Meta Pool DAO ay magkakaroon ng treasury kung saan maaaring mag-organisa ng mga may hawak ng $META token ang mga pag-unlad at panukala sa protocol sa hinaharap. Ang mga miyembrong may hawak ng Governance Tokens ay maaaring magmungkahi ng pagbabayad, magmungkahi ng grant o magmungkahi ng mga pagbabago sa behavior ng protocol, sa pamamagitan ng paglikha ng boto sa loob ng komunidad upang maaprubahan o tanggihan ito nang sama-sama. Ibabahagi namin ang higit pa tungkol sa pamamahala ng protocol sa mga susunod na sanaysay.

Maraming mga aral na matututunan tungkol sa kung paano mag-coordinate ng malalaking grupo ng mga taong may interes. Ibabahagi namin ang aming karanasan kapag mas lumapit kami sa paglulunsad ng mainnet.

Kung gusto mong malaman ang higit pa, maaaring sumali sa amin sa Discord o mag-subscribe sa aming mailing list.

I-follow kami sa Twitter @Meta_Pool

--

--

NEAR Protocol PH
NEAR Protocol Philippines

NEAR is a decentralized application platform that is secure enough to manage high value assets like money or identity and performant enough to make them useful