Following the Trend: Dahil Uso, Huwag Abuso

NEAR Protocol PH
NEAR Protocol Philippines
5 min readJul 4, 2022

Maraming misunderstandings about sa online games na nilalaro ng mga kabataan ngayon. Pero tulad ng pinag usapan natin noong nakaraang artikulo, marami paring mga pakinabang ang paglalaro ng online games. Pero siyempre hindi natin dapat pababayaan ang ating pag aaral. At kung ikaw ay nagtatrabaho, hindi mo rin dapat na pabayaan ang iyong mga tasks. Unless you want to play as an athlete in E-Sports. Balanse lang dapat.

Tulad ng nabanggit natin, maraming mga advantages ang paglalaro ng video games. Isa na dito ay ang pag dedevelop ng complex problem-solving skills and promoting social interaction through online chat. In fact, ang video games are a great way for us to stimulate our mind and improve ang ating mental health. Basahin ang mga sumusunod na pakinabang:

1. Mental Stimulation. Ang paglalaro ng videogames ay nakakapag hikayat sa isa to use his deep thinking. Kung maglalaro ka ng mga games, halos lahat ng parte ng utak mo ay gumagana. Depende sa complexity ng isang game, kailangan mong mga isip, mag strategize, at mag analyze ng mga posisyon ng iyong hukbo or team. Yung critical thinking skills mo ay talagang masusubok sa karamihan ng mga games. Ito ay sa dahilan na gumagawa ka ng desisyon almost every second of the match. Real time ang decision-making mo dito. Halos walang dull moment. Puro stimulating.

2. Achievement. Kapag natapos mo ang isang stage ng game o nanalo ka sa isang match, mayroon kang feeling of accomplishment. Para bang proud na proud ka sa sarili mo, lalong lalo na kung kasama mo ang iyong mga tropa sa isang kuponan laban ang team. Ito ay nararamdaman ng mga players kung ang match ay international, ibat ibang bansa ang lumalahok. At Ito ay lalo nang maramdaman ng mga gamers kung may mga rewards at recognition events sa awarding. No wonder nilolook forward ito ng mga gamers kapag lumalahok sila sa mga annual championships. Sa katunayan, sa panahon ngayon tinatawag narin na mga athletes ang mga gamers.

3. Mental Issues Recovery. Ang paglalaro ng games ay nakakatulong sa pag recover sa trauma. Habang naglalaro, nadidistract nito ang nararamdamang emotional na sakit o kirot. May mga positive hormones na nirerelease ang katawan kapag ineenjoy mo ang mga ginagawa mo. At ito din ay na oobserbahan habang naglalaro ang isang player. Mayroong endorphins na nirerelease ang katawan. Ang endorphins ay nakakapag pababa ng pain at discomfort na mas mabisa pa sa pharmaceutical pain relievers dahil ang endorphins ay natural pain killers. Pwede kang magkaroon ng better mood, higher self-esteem, at increased pleasure.

4. Social Interaction Skills. Maliban nalang sa solo offline games, ang mga multiplayer online games ay magandang paraan para makipag socialize sa ibang mga tao. Hinihikayat ang mga multiplayer online gamers na mag cooperate kasama ang mga team members nila. Pwede mong maging malapit na mga kaibigan ang mga na meet mo online, lalong lalo na kung marami na kayong pinagdaanan na mga battles. Baka meron ding nagkatuluyan na couples by just meeting online at first. Baka ikaw rin may kilala kang nagkaroon ng boyfriend or girlfriend na nameet nya lang online.

5. Katatagan sa Emosyon. Kapag natalo ka sa isang match, nakaka frustrate. Pero kung hindi ka susuko at sumubok ka ulit, matutunan mong hindi sumuko. Ito’y dahil alam mong meron pang susunod na pagkakataon. Ang failure ay part of the game, ika nga. Di tulad sa tunay na buhay, ang video game playing ay merong 2nd chance, third chance, 4th chance. Sa katunayan, merong forever sa videogames. At kung napatunayan mo na hindi ka bagay sa isang type of game, pwede kang lumipat sa ibang type. In fact, maraming gamers ang naglalaro ng ibat ibang klase ng mga games din.

Try mo rin ang mga strategic videogames. Ang role playing at iba pang mga strategiv games ay nakakaktulong sa problem solving skills. According sa research, hindi naman daw nakaka apekto negatively ang mga violent videogames. Pero nasasayo parin kung lalaroin mo ito. Ang lahat ng games na merong decision making tasks at critical thinking skills ay beneficial sa mental health ng isang tao. Sa katunayan, pwede pa nga na makadevelop ng sense of responsibility ang isang gamer by taking more challenging matches. At dahil may self confidence sya sa gaming world, pwede itong ma translate sa real life qualities.

Babala:

Pero huwag mo rin kalimutan na although ang mga online multiplayer games ay maraming benefits, kailangan mo ring magkaroon ng balanseng pananaw dito. Sa katunayan, pwede ka ngang maging dependent, or worse, maging addicted dito. While there are benefits, there are risks as well. Kaya dapat balanse lang, at mag ingat parin.

Karagdagan pa, kailangan mo ring balansehin ang iyong social interactions between online and offline. Ibig sabihin, kung may mga kaibigan ka online, may mga limits lang din ang online interaction. Kung gusto mo talaga ang full-fledge human to human interaction, offline face to face parin ang pinaka mabisa at kapakipakinabang.

At further, baka kailangan mo na rin na mag stretching. Dahil ang paglalaro nang matagal ay hindi nakakatulong sa daloy ng ating blood circulation. In fact, kung nasa bad posture ka palagi, pwede ka magkaroon ng kyphosis, lordosis, or scoliosis pa nga. Ito ay mga sakit sa spinal column. Ito ay pwedeng mangyari kung wala kang ergonomically designed na upuan. Kaya kung nafeel mo na ilang oras ka nang nakaupo dyan, tumayo ka naman at mag stretch.

Still further, nakaksira din sa mata ang matagal na paglalaro in front of the screen. Dahil hindi na napappractice ng mata ang focus from near to far vision. Ang advice ng mga expert, kailangan na from time to time, tumingin sa malayo. Dahil kung hindi mo gagawin ito, ay talagang masisira ang iyong eyesight. Baka kailangan mo nang mag EO Optical. Sayang din ang pera. Diba?

Kaya beteranong gamer ka man o bago lang, laging tandaan na may buhay parin outside of gaming. Dahil kung hindi po tayo maingat, pwede na doon nalang tayo manirahan sa metaverse. Wala namang problema kung balanse, pero kung abuso din ang ginagawa natin, maaapektuhan hindi lang tayo, kundi yung mga tao din na nagmamahal sa atin. Oo ang online games ay malaking blessing, pero kung hindi natin gamitin sa balanse at tamang paraan, baka more pa ang negative effects sa atin kay sa sa mga benefits.

Until next time, happy gaming!

Follow and Join NEAR Philippines Community:

YouTube. Twitter. Facebook. Medium. Telegram.

--

--

NEAR Protocol PH
NEAR Protocol Philippines

NEAR is a decentralized application platform that is secure enough to manage high value assets like money or identity and performant enough to make them useful