Isang Beginner’s Guide sa NEAR Protocol Blockchain: Paano magsimula at kumita?

Hello! Welcome sa aming blog. Hindi ito isang aksidenteng pag-click, kundi ito ay itinadhana!

Isa ka ba sa mga crypto enthusiasts na gustong matuto at magsimula sa kanilang paglalakbay sa NEAR Protocol? Kung Oo, nasa tamang daan ka! Bago kami magsimula, kami ang NEAR Protocol PH, isa sa mga legit at acknowledged Guild ng NEAR Team. Layunin namin ang i-educate at gabayan ang mga pilipino na gusto magsimula, matuto, at mag-explore sa kagandahan, kasaganahan at oportunidad sa NEAR Protocol space.

Ano ang NEAR Protocol?

Ano ang NEAR Protocol (aka “NEAR Platform”)? Ang NEAR ay isang sharded, friendly-developer, proof-of-stake blockchain. Ito ay tulad ng isang cloud-platform na pinatatakbo ng komunidad. Ito ay isang highly-scalable, low cost platform para sa mga developer na lumikha ng mga desentralisado na apps.

Samantalang ang karamihan sa iba pang mga “scalable” blockchain ay gumagamit ng mga diskarte na nakasentro sa pagpoproseso sa pamamagitan ng high-end na hardware upang magbigay ng isang pansamantalang boost sa throughput, ang diskarte ng NEAR ay nagpapahintulot sa kakayahan ng protocol na masukat ang halos dirediretsong linear hanggang sa milyun-milyong mga node at bilyun-bilyong mga transaksyon sa isang fully decentralized na paraan.

Maaaring mag-explore sa kabuuan ng NEAR dito: https://near.org/

Paano magsimula sa iyong NEAR journey?

Kung napag-aralan mo na ang kabuuan ng NEAR na nasa itaas at determinado kang magsimula ay sundin lamang ang mga ito:

1. Gumawa ng NEAR Wallet

Ang NEAR Wallet ay isang non-custodial, web-based wallet para sa NEAR blockchain. Upang makapagsimula, pumunta sa https://wallet.near.org at i-click ang “Gumawa ng Account”. Sundan mo lamang ang proseso na ipinakita o pwede mo din panoorin ang aming tutorial dito.

2. Self-Assessment

Ngayong may NEAR Wallet ka na, pwede ka ng magsimula sa iyong NEAR journey! Pero wait! Alamin mo muna kung saang area mo gustong mag-explore. Ikaw ba ay isang Digital Artist, Musician, Comedyante, Developer, Gamer, Staker, etc. Mahalaga ito para may patutunguhan ka at hindi ka malula sa daming impormasyong iyong mababasa.

3. Mag-explore

Maraming site o platform ang pwede nyong i-check at i-follow para mas lumawak ang inyong kaalaman tungkol sa NEAR. Heto ang ilan sa mga importante:

4. Paano kumita ng NEAR?

Kung may talento kang gusto mong pagkakitaan, pwedeng-pwede ka dito sa NEAR! Pili ka lang dito:

NFT Artist

Kung ikaw ay isang Digital Artist, pwede mong i-mint ang iyong mga digital artworks sa mga NFT Marketplaces sa NEAR. Ilan sa mga pinakasikat na marketplaces ay ang Paras, Mintbase, Apollo42, UniqArt, Few and Far, The Auction, Endemic, etc. Pag-aralan at icheck lamang dito: https://awesomenear.com/categories/marketplaces

Panoorin ang aming exclusive interviews sa ilan sa mga NFT Marketplaces dito sa aming YouTube channel: https://youtube.com/playlist?list=PL9BkFRuu0gwnN0mmqVlY0I_mv_VvAt-8V

NFT Music

Kung ikaw naman ay isang Musician na gusto malaman paano kumita at gustong makipag collaborate sa mga kapwa musikero, i-check lamang ang mga Music NFT Marketplaces dito sa NEAR. Ilan sa mga pinakasikat na music platforms ay ang DAORecords, Endless, UniqArt, Tamago, NEAR Music Guild, Muse Network, etc. Icheck sila dito: https://awesomenear.com/categories/music

NFT Games

Kung ikaw naman ay isang gaming enthusiast at gusto maglaro at kumita o maki-connect sa kapwa gamers, ay pwede kang mag-explore gaming platforms ni NEAR. Ilan sa mga sikat na gaming platforms ay ang Zomland, Atotcha Protocol, ZedRun, Shroom Kingdom, Nearcrash.io, Sweat Economy, Hash Rush, etc. Icheck dito: https://awesomenear.com/categories/gaming

Panoorin ang aming exclusive interviews sa ilan sa mga NFT Gaming platforms sa aming YouTube channel: https://youtube.com/playlist?list=PL9BkFRuu0gwnN0mmqVlY0I_mv_VvAt-8V

DeFi

Kung ikaw ay interesado sa DeFi o gusto mong mag-stake ng iyong NEARs or tokens, pwede ka mag-explore dito: https://awesomenear.com/categories/defi Alam mo ba na ilan sa mga staking platforms ay may malaking APY/APR? Ilan sa mga sikat na staking platforms ay ang Ref Finance, Meta Pool, Trisolaris, Rainbow Bridge, Decentral Bank, etc.

Maging BUIDLER

Kung ikaw ay isang developer at gusto mong gumawa ng sarili mong project sa NEAR, ito ay pwedeng-pwede. Kung magugustuhan nila ang project mo ay pwede ka din nilang bigyan ng grants. I-check ito: https://near.org/

Work and Earn

Mag-explore lamang dito: https://near.org/ecosystem/work-and-earn/

Giveaways at Bounties

Ugaliing magfollow sa iba’t-ibang pages sa NEAR para makasali sa mga giveaways at contests. Pwede kang bumisita sa NEAR Forum at Sumali sa mga bounties kaya’t ugaliing mag antabay sa mga updates namin sa aming mga social handles.

NEAR Philippines Referral Incentive

Alam nyo bang may ongoing program kami ngayon kung saan pwede kang magkaroon ng kaunting NEAR para ma-activate ang iyong NEAR Wallet. Simple lamang ang gagawin, punan lamang ang form na ito, siguraduhing sundan ang mga instructions para sa mas mabilis na activation: https://forms.gle/YuCUk5ZiQdfZsfB3A Maaari ring magrefer ng mga kakilala na gustong magsimula sa kanilang NEAR journey at kung sino pinaka-active na referer ay mabibigyan namin ng kaunting reward sa katapusan ng buwan.

Paano mag cashout o i-withdraw ang NEAR?

Madali lang, kakailanganin mo lamang iconvert ang iyong NEAR to USD to PESO via Binance transferred to your preferred bank o Gcash. Para sa mas komprehensibong pagsasalaysay, panuorin lamang ang aming tutorial video o basahin ang aming article para dito.

Simulan ang iyong NEAR journey ngayon!

Kung nakaabot ka dito, bigyan ng palakpak ang sarili *clap clap* Ibig sabihin, desidido ka talagang simulan ang iyong NEAR Journey! Huwag mag-atubiling magtanong sa aming telegram group chat para sa mga karagdagang katanungan at sisikapin naming sagutin lahat ng iyong mga katanungan.

Follow and Join NEAR Philippines Community:

YouTube. Twitter. Facebook. Medium. Telegram.

--

--

NEAR is a decentralized application platform that is secure enough to manage high value assets like money or identity and performant enough to make them useful for everyday people, putting the power of Open Finance and the Open Web in their hands.

Get the Medium app

A button that says 'Download on the App Store', and if clicked it will lead you to the iOS App store
A button that says 'Get it on, Google Play', and if clicked it will lead you to the Google Play store
NEAR Protocol PH

NEAR is a decentralized application platform that is secure enough to manage high value assets like money or identity and performant enough to make them useful