NEAR TO PESO — Isang Step-By-Step Guide

Andrew Marpa
NEAR Protocol Philippines
4 min readJun 20, 2021

Kahit marami nang mga tao ay nagsisimulang gumamit ng cryptocurrency sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, marami pa rin sa atin ang gustong mag convert ng kanilang crypto sa solid cash.

Paano mai-convert ng isang tao ang kanyang crypto sa Fiat currency?

Narito ang 10 madaling hakbang upang magawa mo yon!

Step 1.Mag set-up ng account sa Binance.

Ang Binance ay ang isa sa mga pinakamalaking cryptocurrency exchanges sa buong mundo at isa ito sa mga exchanges na tumatanggap ng Peer-to-Peer (P2P) trading para sa Philippine Peso (PHP).

Kailangan mo gawin ang sumusunod para makapag simula ng trading.

- Mag set-up ng account.
- Mag enable 2FA Verification.
- Kumpletuhin ang iyong Personal Identity Verification.

Binance Registration Link: https://www.binance.com/en/register?ref=SJ0LIS6D

IMPORTANTE: Kailangan mong tapusin ang lahat na hakbang sa itaas bago makatrade sa Binance.

Step 2. Mag login sa iyong Binance account at pumunta sa Fiat & Spot wallet tapos hanapin ang NEAR sa search bar. Pag nakita mo na, I-click ang Deposit. Bibigyan ka nito ng deposit address.

Step 3. Kupyahin ang iyong deposit address.

IMPORTANTE: Siguraduhin na NEAR ang naka highlight sa itaas ng iyong deposit address.

Step 4. Sa iyong NEAR Wallet, I-click ang “Send” tapos ilagay ang amount ng NEAR na gusto mong ipadala sa iyang Binance account. I-paste ang iyong address na kinopya mula sa Binance at i-click ang “Submit.”

Siguraduhin na pareho and address na kinopya mo mula sa Binance kasi kung hindi, maaari kang mawalan ng NEAR!

NEAR Wallet
  • Tandaan din na mag-iwan ng kunting NEAR sa wallet mo para sa Gas fees. Kahit 1 NEAR pwede na.

Kapag natanggap mo na ang NEAR sa iyong Fiat & Spot wallet sa Binance, magpatuloy sa susunod na hakbang.

Step 5. Sa Binance, I-trade ang iyong NEAR para sa USDT. Ang Binance ay may isang simpleng video guide sa kung paano mag-trade sa kanilang website.
Link: https://www.binance.com/en/trade/NEAR_USDT?type=spot

Sa “Sell NEAR” na panel, piliin ang “Market” na order it ilagay ang halaga ng NEAR na gusto mong ibenta. Click “Sell NEAR.”

Binance Spot Trading

Step 6. Kapag nakipagtrade ka na ng NEAR to USDT, sa iyong Fiat & Spot Wallet I-click and “Transfer” para mailipat mo ang iyong USDT mula sa Fiat & Spot Wallet sa iyong P2P Wallet. I-select ang USDT bilang coin tapos ilagay ang halaga ng USDT na gusto mong ilipat. Click “Confirm.”

Step 7. Pumunta sa iyong P2P Wallet, i- click ang “Sell” sa gilid ng USDT.

Step 8. Sa susunod na page piliin ang USDT bilang currency na nais mong ibenta, tapos maaari kang mag-filter ng “Payment” options mo. Pagkatapos, pumili ng seller tapos i-click ang “Sell USDT.”

Para sa PHP, ang mga available na payment options ay ang mga sumusunod:

1. Bank Transfer (BPI, Unionbank, BDO, etc.)
2. Gcash
3. Paymaya
4. Paypal
5. Coins.ph
6. Iba pa

Sa guide na ito, gamitin natin ang Gcash bilang mode of payment.

Note: Kailangan mo ilagay ang iyong impormasyon (Bank details, Account no., mobile number, etc.) sa iyong preferred mode of payment bago ka magpatuloy sa susunod na mga hakbang.

Step 9. Ilagay ang halaga ng USDT na nais mong ibenta at i-click ang “Sell USDT.”

Next, makikita mo ang “Transaction to be made by Buyer” na window.

Step 10. Matapos magbayad ang buyer, ipapakita na ngayon ang transaksyon na “To be released”. I-click mo ang“Confirm Release” kapag natanggap mo na ang pera sa iyong Gcash account.

IMPORTANTE: Siguraduhing pumasok ang pera sa iyong Gcash account bago mo I-click ang confirm release button!

Congratulations! Na-convert mo na ang iyong NEAR sa Peso!

--

--