Paano Gumawa ng NEAR Wallet

Andrew Marpa
NEAR Protocol Philippines
2 min readJun 11, 2021

Dahil sa iba`t ibang mga bagong opurtunidad na ibinibigay ng NEAR Protocol sa mga gumagamit nito, maraming mga Pilipino ang tiningnan ito bilang isang paraan ng kita. Upang lubos na makinabang mula sa opurtunidad na ito, dapat munang ma-secure ng isang indibidwal, ang isang NEAR Wallet account. Nasa ibaba ang isang gabay upang matulungan kang lumikha ng iyong sariling NEAR Wallet.

1. Punta sa https://wallet.near.org

2. I-click ang “Create Account.” Para sa mga meron na ng account, i-click ang “Import Existing Account.

3. Gumawa ng ID. Para sa hakbang na ito, importante na sundin ang buong cirteria na nakalagay sa ilalim. Tandaan din na lahat ng username na ilalalgay dito ay dinudugtungan ng .near sa huli.

4. Piliin ang iyong Security Method. Dalawang klase ng Security Methods ang matatagpuan sa hakbang na ito. At ang bawa’t isa ay may dalawang uri ng seguridad.

a. Most Secure (Recommended). Recovery Phrase Ledger o Nano S or X

b. Less Secure. Email at Recovery Phone Recovery. Kahit na may option kang pumili ng iyong Security Method, mas mahalagang piliin ang pinaka-ligtas na paraan sa ilalaim ng Most Secure (Recommended), ang Recovery Phrase.

5. Recovery (Seed) Phrase / Setup Phrase. Kailangan i-copy o i-sulat ang labindalawang random na nabuong salita na ibinigay sa iyo ng NEAR Protocol.

TANDAAN: Importante na hindi mawala ang mga salita sa iyong seed phrase. Kung mawala o makalimutan mo ito, mawawala din ang iyong account.

6. Verify Phrase. Sa hakbang na ito, i-veverify ng NEAR Protocol ang iyong account sa pamagitan ng pagsulat ng isang salita na galing sa iyong seed phrase.

Pagkatapos ng account verification, pwede ka nang gumawa ng transactions sa NEAR Blockchain. Ito ang isang maikling guide kung paano gumawa ng iyong sariling NEAR Wallet!

--

--