Alamin ang Sapphire: Ang Kauna-unahang Industriyang Kumpidensyal na EVM ParaTime

Mrs.Bieber
Oasis Foundation Filipino
5 min readSep 20, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na sinuri para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal dito.

Kamakailan lamang ay inilunsad namin ang Sapphire, sa testnet, bilang daan upang magbigay ng pagkakataon sa malalaking pangkat ng mga blockchain developer na bumuo ng kumpidensyal na dApps. Nagiging pangangailangan na ang kumpidensyal na dApps sa Web3 dahil mas pinahahalagahan na ng mga tao ang soberanya ng data sa panahon ngayon. Sa tradisyunal na mga blockchain, mayroong blockchain privacy paradox na kung saan ang lahat ng data ng mga gumagamit ay na kasa-publiko, pero pagdating sa Sapphire, ito ang magbibigay-daan sa dApps na gawing kumpidensyal ang data, habang nagsasagawa pa rin ng smart contracts.

Ang Sapphire ay isang groundbreaking na developer environment dahil ito ang kauna-unahan at natatanging kumpidensyal na Ethereum Virtual Machine (EVM) na katugmang ParaTime. Ang runtime na ito ay may kakayahang makatulong sa pag-eskala ng blockchain nang mabilis patungo sa Web3 at pinahihintulutan nito ang mga EVM developer na mapabilis na ilatag ang mga pundasyon para sa mga privacy-enabled na blockchain dApps, na kung saan ito ay nagiging pangangailangan dahil sa kagustuhan ng mga gumagamit ang soberanya ng data.

Nagbibigay ang Sapphire sa mga Solidity developer ng isang pamilyar na katugmang-Ethereum na pagtatayuang environment, ngunit may karagdagang benepisyo ang teknolohiya ng privacy ng Oasis na susi sa pagbibigay-daan sa blockchain na maging bahagi ng mundo ng Web3.

Bakit Kinakailangan ng Kumpidensiyalidad sa Mundo ng Blockchain

Sa kasalukuyan, ang isang pangunahing bahagi ng seguridad ng blockchain ay nangangahulugan na ang data na isinagawa on-chain ay transparent at magagamit ng publiko, ngunit kailangan nating kilalanin na iyon ay sensitibong data, katulad na lamang ng impormasyon tungkol sa pananalapi at kalusugan, na kailangang panatilihing kumpidensyal kung mag-eeskala tayo sa Web3.

Sapphire ang magbibigay-daan upang makagawa ng dApps na maaaring gamitan ng kumpidensyal na mga smart contract na kung saan, halimbawa, ang mga transaksyon sa pagitan ng mga wallet ay maaaring manatiling nakikita at transparent at nakatitiyak ang seguridad, ngunit ang data sa kung magkano ang naging transakyon ay mananatiling pribado. Ito ay naiiba mula sa kung ano ang nakikita natin ngayon sa anumang pampublikong EVM. Kung ang isa mang kalakalan ay ginawa sa isang pampublikong EVM DEX, sinuman ay maaaring makita ang mga input at output ng transaksyon.

Ang pagtatago ng ilang mga aspeto ng smart contract ay isang makapangyarihang bagay para sa Web3. Binibigyan ng kakayahan ng Sapphire ang mga developer ng EVM ng dagdag na kumpidensyal na mga elemento sa kanilang mga dApps sa pamamagitan ng kumpidensyal na mga smart contract, pag-eeskala ng kanilang mga likha sa Web3. Bilang kauna-unahang industriyang Kumpidensyal na EVM na tugmang ParaTime, tanging Sapphire lamang ang tamang lugar para sa mga developer ng Solidity upang makabuo ng dApps para maprotektahan ang privacy ng mga gumagamit.

Ano ang Sapphire ParaTime?

Bilang opisyal na kumpidensyal na tugmang-EVM ParaTime sa Oasis Network, Sapphire ang magbibigay daan sa:

Bilang isang EVM runtime, Sapphire ang nagbibigay ng lubos na pagkilala sa malalaking pangkat ng mga developer ng blockchain. Gayunpaman, kaya ito naging groundbreaking ay dahil sa teknolohiyang nagpapapanatili ng privacy at ito ang natatanging paraan para sa mga developer ng Solidity na maging bahagi ng pag-eeskala sa Web3.

Paano Tinitiyak ng Sapphire ang Kumpidensyalidad

Sapphire ang nagsasagawa ng pribadong teknolohiya mula sa Oasis na nangangailangan ng mga node upang gumamit ng isang ligtas na teknolohiya sa pag-compute na tinatawag na Trusted Execution Environment (TEE). Ang TEEs ay kahalintulad ng isang black box para sa pagsasagawa ng smart contract.

Gamit ang pangunahing pamamahala, ang naka-encrypt na data ay mapupunta sa blackbox (kilala bilang Secure Enclave) kasama ang smart contract, kung saan ang data ay decrypted, na naproseso ng smart contract, at pagkatapos ay naka-encrypt bago ito maipadala sa Secure Enclave.

Tinitiyak ng prosesong ito na ang data ay mananatiling kumpidensyal at hindi ilalantad sa operator ng node o developer ng aplikasyon.

Ang Sapphire ay Nilikha upang Maging Pamilyar

Sa Oasis, lumikha kami ng teknolohiya na nagpapanatili ng privacy sa aming network kasama ang iba pang mga ParaTime — katulad na lamang ng Cipher. Ginagamit ng Sapphire ang parehong teknolohiya, ngunit ang pagiging tugma ng EVM ay nangangahulugang may pamilyar na user-facing tools; katulad ng Web3 gateway, wallet, at block explorer. Ang mga tool ng developer ay pamilyar din sa lahat; Solidity /Vyper, Hardhat/Truffle, Web3.js/Ethers.

Gamit ang Sapphire, posibleng i-port ang iyong dApp sa loob lamang ng ilang minuto at masimulan ang paggamit ng pribadong teknolohiya, pati na rin ang mga bagong built-in na mga function tulad ng RNG, pag-sign, at pag-encrypt.

Mabilis na Pag-eeskala sa Web3

Nauunawaan namin na habang ang teknolohiya ay kumikilos patungo sa Web3, mayroong hangarin para sa kumpidensyalidad at privacy ng data. Gayunpaman, ang mga puwang sa kasalukuyang mundo ng blockchain ay nangangahulugang ang kumpidensyalidad ay hindi prayoridad, at napag-iiwanan na ng teknolohiya. O, may kumpidensyalidad na itinatayo nga sa blockchain, ngunit may hindi naman pamilyar sa mga environment para sa pagbuo nito, napapabayaan na lang ang mga developer.

Narito ang Sapphire upang ma-eskala ang blockchain sa Web3 katuwang ang mga developer na naglatag ng pundasyon ng teknolohiya kasama nito.

Gamit ang Emerald, mayroon kaming isang paraan para sa mga developer ng dApp na lumipat mula sa Ethereum o iba pang mga chain na katugma sa EVM ng Oasis at maranasan ang maraming benepisyo sa pagbuo dito.

Ang Sapphire ay nagbibigay ng kumpidensyalidad sa EVM, nakikinabang sa kasalukuyang imprastraktura ng Oasis, tooling at ecosystem, magagawa nitong mapabilis sa merkado para sa mga developer ng Solidity na nais na lumikha ng mga pribadong dApps.

Paglikha ng dApp sa Sapphire

Ang Sapphire ParaTime ay kasalukuyang na-deploy sa Testnet, na may planadong Mainnet deployment sa paglaon ng 2022. Hinihikayat namin ang mga developer na gamitin ang Testnet upang maranasan ang Sapphire, ang kumpidensyal na tugmang-EVM na Paratime.

Mayroon kaming gabay na naglalarawan ng mga pagkakaiba sa pagitan ng Sapphire at Ethereum at ipinapaliwanag dito kung paano ka makagagawa gamit ang Sapphire upang makabuo ng mga secure na dApps. Mangyaring hanapin ang gabay dito!

Bukod pa rito, ang Oasis ay magho-host ng kauna-unahang Sapphire Hackathon sa Setyembre, na magbibigay daan sa mga developer na bumuo ng unang kumpidensyal na EVM dApp, at manalo ng mga papremyo sa paggawa nito. Para sa karagdagang detalye, manatiling nakatutok at sundan ang aming social media.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Sapphire at sa Oasis Network, mangyaring magrehistro para sa aming newsletter at sumali sa aming Discord.

--

--

Mrs.Bieber
Oasis Foundation Filipino

Blockchain Enthusiast, Graphic Designer, Content Creator, Social Media Influencer, LPT, CH Tutor