Ang $500,000 DappRadar X Oasis Network Accelerator Program

Cheryll Cunanan
Oasis Foundation Filipino
3 min readFeb 21, 2022

Ang $500,000 DappRadar X Oasis Network Accelerator Program

Ang publikasyong ito ay isang pagsasalin ng isang Ambassador ng Oasis. Bagamat masusing pagsusuri ang isinagawa upang makapagbigay ng isang tumpak na pagsasalin, maaring magkaroon pa rin ng pagkakamali o kakulangan. Hindi responsable and Oasis sa katumpakan o pagiging mapapanaligan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito : DappRadar X Oasis Network $500,000 Accelerator Program

Ang kapana-panabik na panibagong pakikipagsosyong ito ay magbibigay-daan sa 10 koponan upang makakuha ng tig-$50,000 na pondo bawat isa, kasama na ang mga mapagkukunan at teknikal na kaalaman upang makapagpasimula ng kanilang proyekto. Kapag natapos ang integrasyon ng Dappradar at Oasis Network, ang mga koponan ay magkakaroon ng pagkakataong na higit na makilala sa DappRadar’s World’s Dapp Store.

Ang mga koponan na magtatagumpay sa pagpapatakbo ng kanilang DApp sa Oasis Network ay magkakaroon ng oportunidad para sa higit pang pondo mula sa $200 Million Oasis Ecosystem Fund sa yugto ng pitch day na nagtatapos sa accelerator program.

Ang Oasis Network ay ang nangunguna, nasusukat at privacy-enabled na blockchain na dinisenyo para sa bukas na pananalapi at responsable ekonomiya ng data. Ang pinagsamang mataas ng throughput at ligtas na arkitektura, kayang paganahin network ang pribado, nasusukat na DeFi. Ang kakaiba pribadong tampok nito ay kayang baguhin ang DeFi at lumikha ng isang bagong uri ng digital asset na tinatawag na Tokenized Data na pinapangyaring ang mga user na kontrolina ang kanilang ginawang data at tumanggap ng reward sa pamamagitan ng staking sa mga aplikasyon.

Pagkatapos ng Dappradar, ngayon ay ang World’s Dapp Store, ang nangungunang gumagalugad na dapp portal na may solidong nakatuon na komunidad at progresibong mga dapp developer na nagsisikap upang pagbutihin ang mga karanasan ng mga user. Ang programang accelerator ng Oasis x DappRadar ay magbibigay ng suporta sa engineering at marketing sa mga napiling proyekto, na maaring gumamit sa grant na kumonekta sa Oasis, o magtayo ng panibagong proyekto. Ang panghuling tunguhin ay ang isama ang mga dapp sa Oasis network at maaaring gamitin ng komunidad. Bibigyan ng priyoridad ang mga proyekto sa Oasis na lumilikha ng DeFi, P2E gaming, at solusyon para sa data privacy pero tinatanggap din namin lahat ng mga ipapadalang aplikasyon.

Bakit ang Oasis Network?

Bukod sa mga grant na iniaalok sa pamamagitan ng bagong programang accelerator, maraming dahilan ang mga dapp developer na piliin ang Oasis bilang plataporma upang maglunsad ng mga dapp. Ang Oasis Network ay nasusukat at tamang-tama para sa DeFi dahil sa mabilis ng finality, 99% na mas mababa ang gas kumpara sa Ethereum, mataas na throughput, proteksiyon para sa privacy, at depensa laban sa MEV.

Ang kahanga-hanga nitong tampok sa scalability ay nakakatulong para ayusin ang mataas na bayad sa transaksiyon at mabagal na throughput na sumasalot sa ibang mga Layer 1 network. Karagdagan pa, ang katangi-tanging kakayahan ng Oasis upang maglaan ng pagiging scalable, ang pribadong DeFi ay magpapangyari dito upang maging ang nangungunang plataforma na magbubukas sa mga susunod na henerasyon ng mga use cases ng DeFi. Bukod dito, may kakayahan ang network na magproseso ng hanggang 1,000 na transaksiyon kada segundo kumpara sa 13.33 ng Ethereum.

Ang Oasis Network ay may lumalaking komunidad ng node operators, developers, enterprise partners, ambassadors, at maraming miyembro sa komunidad na nakatuon sa mga pangglobong social channel nito. Maglalabas kami ng higit pang impormasyon sa accelator sa nalalapit na hinaharap.

Siguraduhing i-bookmark ang DappRadar at manatiling nakaantabay sa higit pang mga update. Pansamantala, maari kang matuto ng higit pa sa Oasis mula sa:

Matuto ng higit tungkol sa Oasis Ecosystem Fund

Matuto ng higit tungkol sa Oasis Network

--

--

Cheryll Cunanan
Oasis Foundation Filipino

I am a crypto enthusiast engaged in promoting several crypto projects.