Oasis Foundation Filipino

Translation library made by members of the Oasis Foundation community. Library ng pagsasalin ay ginawa ng mga miyembro ng pamayanan ng Oasis Foundation.

Ang Band Protocol ay live sa Oasis Network Mainnet

Elise
2 min readFeb 3, 2022

--

Disclaimer: Ang paglalathala na ito ay pagsasalin na ginawa ng Ambassador ng Oasis. Mahigpit na pagsusuri ang ginawa para makapagbigay ng tamang pagsasalin, ngunit maaaring magkamali at magkulang. Hindi mananagot ang Oasis sa kawastuhan at kahusayan nito. Basahin ang orihinal na artikulo dito.

Kasunod ng aming anunsyo ng pakikipagsosyo sa Band Protocol kamakailan, kami ay nasasabik na ipahayag na ang kanilang scalable at desentralisadong solusyon sa oracle ay live at nasa Oasis Network Mainnet.

Ang Integrasyon ng BAND ay Tapos na

Nagsimula noong Q4 2021 ang integrasyon ng BAND Protocol at ngayon ay tapos na.

Sa tulong ng Engineering team ng Oasis, Noong lunes, ika-24 ng Enero 2022 ay natapos na ng engineering team ng band ang integrasyon sa kanilang time-tested, desentralisadong solusyon ng oracle sa Oasis Network Mainnet. Maaari ng buksan ang data feed ng BAND Protocol oracle ng mga proyektong nagbubuo sa Oasis Network. Ang mga detalye sa Contract address ay makikita dito.

Data feed

Nagbibigay ang data feed sa Oasis Network ecosystem na makita ang higit dalawang daan at tatlongpu na price feed, na binubuo ng sumusunod na component na data:

  • BNB
  • ETH
  • ROSE
  • WBTC
  • USDT
  • SOL
  • USDC

Naaayon sa feeding interval ng isang oras (3,600 seconds) ang mga presyo at ang presyo sa off-chain ay naiiba ng 0.5% ng presyo sa on-chain.

Sa pagpapatuloy, ang ibang mga integrasyon ng lending protocol ay susuportahan ng Band Protocol oracle, tinatawag ng TGT Finance, may ilang mga native DeFi protocol na darating sa network pati na rin ng ilang mga multichain protocol katulad ng WePiggy. Sa integrasyon din na ito ay makakapagbigay ng data feed ang Band protocol sa Native Token ng Oasis, dalhin ang pricing data ng token ng Oasis sa lahat ng blockchain na nakapag integrasyon sa Band Protocol. Para sa gustong maidagdag ang token sa data feed sa Oasis Emerald ay maaring makipag ugnayan sa Band Protocol Team sa bd@bandprotocol.com.

Ang Oasis Network ay scalable at perpekto para sa DeFi dahil sa instant finality nito, 99% mas mababa ang gas fee kumpara sa Ethereum, mataas na throughput, proteksyon sa privacy at depensa laban sa MEV.

Maaaring mag apply sa $200 milyon na Ecosystem Fund ang mga pangkat na interesadong magbuo sa Oasis Network.

--

--

Oasis Foundation Filipino
Oasis Foundation Filipino

Published in Oasis Foundation Filipino

Translation library made by members of the Oasis Foundation community. Library ng pagsasalin ay ginawa ng mga miyembro ng pamayanan ng Oasis Foundation.

No responses yet