Ang isang daan at anim na pung milyong dolyar na kaganapan sa pondo ng ecosystem.
Ang artikulong ito ay isa lamang pagsasalin sa orihinal at hindi opisyal na paglalathala. Salin ni Elise, Ambassador ng Pilipinas sa Oasis Foundation.
Ang iyong pagkakataong alamin, kaagad, kung ano ang nangyayari sa pondo ng ecosystem mula sa ilan sa aming nangungunang fund backers na nagtatampok ng mga lider mula sa NGC Ventures, Dragonfly Capital, at Draper Associates.
Sa ika unang araw ng Disyembre, 2021, 6pm PST.
Idaraos namin ang kauna-unahang panel event kasama ang mga miyembro ng aming 160 milyong dolyar na ecosystem fund. Pag-uusapan nila ang diskarte para sa pondo, kung saan nakikita nila ang hinaharap ng blockchain, at kung ano ang mga mahalagang bahagi na kailangan nating i-BUIDL para sa Web3 upang makuha ang mas maraming parte sa merkado.
Ito ay hindi dapat palampasin!
Sa 160 milyong dolyar na pondo, ang Oasis Blockchain Fund ay nag-aalok ng exposure sa lahat ng bahagi ng cryptocurrency at kalakalan sa blockchain. Ang venture-style Fund ay mamumuhunan sa DeFi, Data tokenization at mga proyekto ng NFT at tutulong na isulong ang industriya.
Ano ang nasa agenda?
Ang kaganapan sa ecosystem ay magsisimula sa alas sais ng hapon PST sa pagpapakilala mula sa Oasis Head ng Ecosystem na si Linda Lu, pagkatapos ay aalamin ang background ng — kung ano ang nagdala sa kanila sa blockchain.
Pagkatapos nito, bubuksan ang panel upang talakayin — Paano pagdugtungin ng higit pa ang tradisyonal na modelo ng pananalapi sa DeFi at saan pupunta ang blockchain?
Magkakaroon ng maraming mahahalagang saloobin para sa mga BUIDLer na gustong kumuha ng parte sa ecosystem fund kung saan ang mga investor na ito ay naghahanap upang mamuhunan. Ngunit ito ay magiging may-katuturan din sa sinumang matalinong mahilig sa crypto at mamumuhunan upang makatulong na maunawaan ang mga kalakaran na humuhubog kung saan nakatay ang kapital ng institusyon.
Ang Q&A session ang magtatapos sa kaganapan, kung saan magkakaroon ka ng pagkakataon makilala ang mga investor at sa kanilang mga saloobin.
Oras:
- 6pm-6:10pm — Pagsalubong at pagpapakilala sa Ecosystem Fund — Linda Lu — Pinuno ng Oasis Ecosystem
- 6:10–6:20pm — Paano nagsimula ang mga investor sa blockchain
- 6:20pm -6:40pm — Paano pagdugtungin ang tradisyonal na pananalapi sa DeFi
- 6:40pm -7pm — Paghubog sa hinaharap ng blockchain
- 7pm-7:15: Q&A + 5K $ROSE Giveaway
PETSA: Disyembre 1, 6pm PST (tatagal ng isang oras at labing limang minuto)
Mga magsasalita
- Haseeb Qureshi, Managing Partner sa Dragonfly Capital
- Tony Gu, Founding Partner sa NGC Ventures
- Andy Tang, Kasosyo sa DraperDragon
- Linda Lu, Pinuno ng Ecosystem sa Oasis
Gusto kong dumalo sa Ecosystem Event, paano ako magpapareserba ng aking puwesto?
Ang pag-sign up para sa kaganapang ito ay napakadali. Pindutin ang link sa ibaba at idagdag ang iyong mga detalye.
Gaganapin ito sa pamamagitan ng Zoom (magparehistro dito) o manood ng Livestream sa YouTube (tingnan ang aming YT channel sa ala sais ng hapon EST sa unang araw ng Disyembre).
Ito ay isang napakagandang pagkakataon upang malaman ang higit pa tungkol sa pondo, marinig nang direkta mula sa mga namumuhunan, sagutin ang iyong mga tanong, at matuto kung paano ka makakasali.